Chapter 23
Rence's Pov
Their reactions are too epic. I want to burst in to laugh pero pinigilan ko ang sarili ko at pinilit mag pakaseryoso.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mata ni Aileen at halos mabuga ni Henry yung nasa bibig niya at si Abby naman natigilan sa pag subo.
"Seryoso ba yan?" Tanong ni Henry nung nakarecover ito sa narinig. Pero bago pa ako nakasagot bigla naman umepal.
"Princess.." Tawag dito nung pumapanhik sa hagdan. Agad itong sumiksik sa akin parang tinataguan pa ang kasama.
"Oh, ikaw pala Lawrence. Kaya pala biglang nawala yang batang yan eh" Baling sa akin ni Ate Darlene, asawa ng pinsan ko.
"Ok lang naman. Behave naman siya eh" Ngumiti lang si Ate, parang alam na nito ang ginawa namin ng anak niya.
"Sige, pwede ko bang iwan muna sayo? my kameeting pa ako sa baba eh. Ibaba mo nalang pag nangulit na" Tumango lang ako at lumapit ito para bumeso sa akin.
Sabay bulong pa "Behave ka din ha" natawa nalang ako dito, pero bago siya umalis pinakilala ko naman siya sa mga kasama ko.
"Oh wait, before I forgot, guys this is Darlene. And this is Aileen, Henry and Abby" Napalunok pa ako nung nakita kong tumaas ang kilay ni Ate Darlene nung walang ate ko siya pinakilala.
Instead mag palitan ng greetings, nakatunganga lang yung tatlo kay Ate at napailing nalang ito at nagpaalam na bumaba. "Wag ka makulit dyan ha, and if you want something sabihan mo nalang si Daddy Lawrence mo ha"
"Ako na bahala dito, sige na nag hihintay mga kameeting mo." Pag tataboy ko sa kanya. Buti nalang din hindi ako nilalaglag ni Ate, gusto ko pa pag tripan itong mga ito eh. Daddy naman talaga tawag saakin ng batang ito eh, matagal din yan nag stay sa condo ko nung nakaproblema sa company nila sa japan at kinailangan nilang mag asawa na pumunta dun.
"Hon, pakisapak naman ako oh. Tell me I'm dreaming" Hindi pa din makapaniwala si Henry sa nangyayari kaya ayun nakatikim nga ng sapak kay Abby.
"OHH F-UCK! Di totoo talaga mga nakikita ko? But how did it happen?"
"You really want to now how did it happen?" I playfully asked him sabay ngiti ng nakakaloko.
"Don't be such a douche, Come on man. I don't want to offend you, but really? She's way older than you" Halatang nafufrustrate na ito sa takbo ng usapan pero ewan ko kung bakit tuwang tuwa ako sa reaction nilang tatlo. Ate Darlene is on her early 30's na din naman.
"I know, wala naman kaming relasyon ah. And I'm with my girlfriend, so be careful, you might offend her sa kakatanong mo dyan" bigla naman akong hinampas sa braso ni Aileen bilang pag tutol. Pag tingin ko parang gusto niyang sagutin ko pa mga tanong ni Henry.
Dahil hindi ko na talaga mapigilan, I bursted into laugh na pinagtakahan nilang lahat pati na din ni Princess. "You should see your face guys, hahaha. Nagbibiro lang ako, pamangkin ko lang ito and she used to call me Daddy Lawrence since nasa abroad yung papa niya"
Binato ako ni Henry ng Tissue habang napailing nalang si Abby at natawa na din sa kalokohan ko, habang si Aileen naman sinamaan ako ng tingin. "Sorry na babe, talagang naniwala kang my anak ako?" Then I pouted.
Tae, wait lang! Bakit ako nag papacute dito? Shit! Pang bading naman itong ginagawa ko, pero nung nakita kong parang nag blushed ito I can't help myself na pag tripan pa siya lalo. Nakakatuwa kasi siya eh.