Simulan natin sa umpisa. Paano ba ako nagsimulang mainlove?
Wala pa ata akong period crush na crush ko na tong classmate ko nung kinder hanggang grade 5. Paano ba naman kung hindi escort palagi ng intramurals eh top achiever pa. Pero ugly duckling naman ako, hindi ako napapansin. Kaya ang ginagawa ko kapag may crush sya babae sa school, kinakaibigan ko, tapos ang ginagawa ko, :kunwari ako yung bridge.
Leron: Sigurado ka ba close mo si April?
Ana: oo naman. nagbabatian na nga kami nun, gusto mo lakad kita?
Leron: Sige ha, sabi mo yan.
Nagtagal din ng ganito. Minsan ako pa tagabigay ng loveletter nya para sa mga crushes nya. Minsan iniiisip ko ako kaya kelan ako makakatanggap ng love letter na ganito. Pero since alam kong di nya ako magugustuhan, kontento na akong classmates kami at nag uusap kami.
Hanggang sa dumating ang grade 5 at nagkahiwalay kami ng section.Riane: Hi! anong panagalan mo? mukang bago ka dito sa section 2 ah
Ana: Hi, Ako si Ana. Dati akong section 1 kaya lang napabayaan ko pag aaral ko kaya nalipat ako ng section
Riane: Wow, edi matalino ka pala
Ana: hindi naman swerte lang
Sa Section 2, sabihin na natin na mas naggain ako ng confidence, marami akong naging kaibigan. Nachallenge kasi ako na sana maging classmate ulit kami ni crush. Hindi ko alam, sa pagpupursigi ko sa pag- aaaral, ay meron taong magkakagusto sa akin.
BINABASA MO ANG
Ikaw na ba si Mr. Right?
RomanceMarami na tayong cliche na pelikula na napanood. Marami ng papel ang nasasayang sa kaka-flames. Marami ng luha ang nasayang dahil hindi ka crush ng crush mo. Marami na din umasa, maraming nasaktan, maraming nanloko at maraming naghihintay. Pero ila...