June 1.
I still remember this day when you texted me if I'm free. I replied 'yes'. You invited me to go with you and I asked you 'where?'
You asked me if I like to see a hidden falls located in our municipality and I am excited to see that so I answered you 'yes. I'm going with you. I'll take a bath. Text you later if I'm done'
Fastforward......
We met each other in market because you dont want to fetch me in our house. We traveled using your motor under the heat of the sun then suddenly you stopped driving. You gave me jacket to wear because you know how sensitive my skin is.
After 30 minutes I think, we already reached the location of the falls. I said 'where is the falls? I cant see anything.' You laughed and said 'papasok pa tayo sa gubat na yan. Hidden nga di ba?' and I was so embarrased.
Naglakad tayo. May naglalakihang mga bato na dapat tapakan or daanan. Because of my clumsiness, minsan natatapilok. Minsan naman malapit nang matumba. Nung nakita mo siguro na nahihirapan ako sa paglalakad, inabot mo ang kamay mo sabay sabing 'akin na yang bag mo para di ka mahirapan. Humawak ka lang sa akin para di ka matumba'
Deep inside, my heart beating soooo fast. I'm shy that time so I reject your offer to help then suddenly the tour guide said 'sige na ading. Hawakan mo na kamay niya. Tayo tayo lang naman ang andito' and I was like 'WTH kuya. How can I supposedly hold his hand if my heart is beating so fast.' But in reality, I hold his hand. Mag-iinarte pa ba ako?
Holding hands while walking ika nga nila. Gusto ko nang bumitaw nun because di na kaya ng puso ko. It feels like a volcano ready to explode.
After a couple of minutes, we already saw the beauty creations of God. The falls. I was amazed in it's form, yung pagbagsak ng tubig, the cleanliness of the water. Wow!
We stayed infront of the falls then you asked me to go with you again. Naglakad tayo hanggang sa nakakita tayo ng masisilungan.
Umupo ako sa bato habang nilalanghap ang simoy ng hangin. Nasa tabi lang kita nun.
Humarap ako sa'yo pero di ko inaasahan na nakatingin ka sa akin. Bigla akong napayuko kasi di ako sanay na titigan mo ako.
Nagulat ako sayo nung hinawakan mo ang baba ko para maiangat ang ulo ko para matignan ka ng diretso. Halos tumambol na naman ang puso ko. You smiled and said 'titigan mo ako.' Pero syempre alam mo na di ko kayang titigan ka kaya napayuko ulit ako at doon ka na humagalpak ng tawa.
Hangin. Ang presko ng hangin. Magulo na ang buhok ko noon dahil sa hangin nang bigla mong inayos. Kahit nakayuko ako noon, palihim akong napapangiti sa ginawa mo. Doon ako naglakas loob na titigan ka habang inaayos mo ang buhok ko. Napangiti ka kaya napangiti din ako.
Suddenly, unti-unti kang lumalapit sa akin and you suddenly kissed my forehead. Napapikit ako sa ginawa mo. Yung tipong gusto ko nang lumuha kasi ikaw palang ang gumawa sa akin nun. I felt special when I'm with you.
After you kissed my forehead, tinitigan mo ulit ako. Then hinawakan mo ang dalawang pisngi ko at unti-unti ka na namang lumalapit. Alam ko na susunod ne'to eh pero di ako gumalaw. I closed my eyes and I am patiently waiting your lips touched with mine. We kissed. Yes! We kissed. It last for 3 seconds only but heck! That was my first and my heart trembling.
After that kissed, di ako makatingin sayo ng diretso. Nahihiya ako. Namumula na mukha ko. Ewan basta naghalo-halo na ang emosyon ko.
Tumayo ako at tumalikod sayo para magpahangin lang ulit. Kasi feel ko, ang init sobra noon. Then I felt your hands in my stomach. You hugged me. I closed my eyes again to feel how romantic we are. You said 'could we please stay like this for a minute.' and I nodded.
Naalala ko, kung itinuloy natin yung relationship natin noon, ganito din ba tayo ka-sweet sa isa't isa. Naiiyak na ako nang maalala ko yung 'TAYO'
Kung wala lang sagabal noon, eh di sana tayo pa rin hanggang ngayon. Hinihintay ko itong pagkakataon na ito na makasama ka nang matagal. Kasama kang gawin lahat ng ginagawa ng mga couples. Kasama ka isang lugar na tayo lang ang magkasama.
While we hugging each other, my conscience overtake me. May nakalimutan ata akong itanong sayo. Kahit masakit na itanong ko ito sayo, itinuloy ko parin.
'Ilang months na kayo ng girlfriend mo?' Then bigla mong hinigpitan yung yakap mo. You said '2 months.' It felt like my heart is broken into pieces and I told you na bumitaw ka na sa pagyakap sa akin. Bumitaw ka. Naglakad ako sayo palayo. Habang tinatahak ko ang daan palabas sa gubat na yun, gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Bakit ang sakit? Bakit?
Akala ko maibabalik na natin yung dati. Maibabalik yung mahal mo ako at mahal din kita. Pero malabo dahil meron ka ng iba.
Alam ko na nakasunod ka lang sa akin noon. Iniisip ko na kapag nakauwi na tayo, tapos na 'tong masayang araw natin. Ayokong mangyari yun pero sino ba naman ako para sabihin sayo na dito muna tayo. Na dapat ako muna ngayon. Pero hindi. Ayokong magkasala ka sa girlfriend mo. Ayokong isang araw, sisihin mo ako o iyang sarili mo pag nawala siya sayo.
Ayos lang na ako na ang masaktan, wag lang kayo ng girlfriend mo. Kasi kahit mahal kita, wala akong magagawa kundi panoorin kang masaya sa kanya. Ganun nga siguro sa love, 'you sacrifice everything including your own happiness just to make sure you are happy with someone you love'
Hanggang ngayon ay di ko pa naaamin sayo na mahal pa din kita. I always hide this feelings because I'm afraid to reject me. I'm afraid when one day, you tell me that I'm just an option. I'm afraid of everything.