*A/N: grabeh lang, simula ng sinulat ko ang kwento na toh, simula din iyon ng pagkakaroon ko ng acne sa mukha. Tama ba naman yon? =____= kati langs*
Tulad ng nakaraang gabe, kampante akong pumasok sa loob ng bahay. Alam ko naman na there's no one who is waiting and worrying about me. Medyo masakit pa yung braso ko pati na din ang ulo ko dahil sa lagnat. Mabigat kong hinakbang sa unang baitang ang paa ko, medyo napakapit pa ako sa railing ng hagdan at marahang pinikit ang mga mata ko.
"where had you been?" nabigla ako sa maautoridad na boses na ginamit nya. Automatik na napatingin ako sa sofa, kahit patay lahat ng ilaw medyo naaninag ko ang bulto nya na nakaupo doon.
"dyan lang" walang ganang sagot ko, nakita ko naman syang tumayo at agad na lumapit sakin. Bigla akong nakaramdam ng takot ng bigla nya akong hinila sa braso.
"saan ka galing?!" i can feel na galit na galit sya. Nararamdaman ko ang mahigpit na hawak nya sa braso ko na may benda.
"ano ba nasasaktan ako! ano bang pake mo?" walang lakas na protesta ko. Naramdaman ko naman ang dahan dahan na pagluwag ng pagkakahawak nya sakin. Akmang hahawakan nya ako sa noo ng padabog kong hinawi ang kamay nya, nag-umpisa na din akong maglakad paakyat. Wala akong balak na makipagtalo sakanya. Pagkatapos ng ginawa nya sakin? hah! bwisit sya.
Hindi pa ako nakakarating sa taas ng maramdaman kong unti-unti akong matutumba, and just a second naramdaman ko nalang ang dahan dahan na pag-landing ko patalikod.
Third Person's POV:
Sa kwarto ng dalaga nya ito dinala. Kanina ng hinawakan nya ito sa braso unti unti nyang naramdaman ang kakaibang temperatura nito.
Nang umiwas ito sa tangka nyang pagsalat sa noo nito para masigurado kung may lagnat nga ito ay malakas nitong tinabig ang kamay nya. Inilang hakbang nya lang ang pagitan nila at agad nya itong nasalo nang makita nya na parang slow motion itong matutumba patalikod.
Maingat nya itong inihiga sa kama, nang maayos nya na ito tsaka nya lang napagmasdan ang maamong mukha nito, napakunot naman ang noo nya ng makita nyang may benda ito sa braso,kaya lalo syang nag-nais na malaman kung saan talaga ito nanggaling. Hindi nya maiwasang mag-alala para dito, dahil na din sa nagawa nyang pagsampal sa dalaga.
Binalikan nya kanina si Gabrielle dahil may nakaligtaan pa syang sabihin dito, pero hindi nya inaasahan ang eksenang naabutan nya. Naabutan nyang nakasalampak na sa sahig si Lorry, hindi nya akalaing magagawang saktan ni Gabarielle si Lorry ng ganoon. Pero kahit na nag-aalala sya, nanatili pa din ang galit sakanya dahil hindi pa pala nakakauwi si Gabrielle dito sa bahay nila at magdamag syang nag-hintay sa sala.
"m-mom...b-babe..." narinig nyang sabi ni Gabrielle, nakaupo lang sya sa gilid ng kama ng dalaga habang tahimik na pinagmamasdan ito. Babe? sinong babe??
Gab's POV:
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko...
"hmmm" yan lang ang lumabas sa bibig ko habang inuunat ang mga braso ko dahan dahan
"feeling better?" napatingin naman ako sa sofa sa bandang paanan ng kama ko.
"what are you doing here?" mataray na tanong ko, hanggang ngayon naiinis pa din ako sakanya.
"oh..is that your way of saying thank you?" seryosong sabi nya habang prenteng-prente na nakaupo sa sofa dito sa kwarto ko.

BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...