Jungso POV
Sa araw na may nagyare sa amin ni Chichi ay parang mahirap sa akin na iwanan ko siya pagpapasok ako ng trabaho.
Nagmamadali lagi akong umuwi, pag umaga naman ay pinupuntahan ko agad siya sa kwarto niya pag gising ko.Lalo kong minamahal si chichi at sa kanya ko lang naramdaman ito.
Napaka lambing niya sakin madalas niya akong yakapin pag magkasama kami. Pinupunusan niya ang pawis ko lalo na pag nasa garden kame naglalakad. Minsan pag nasa sofa kame ay bigla na lang niyang isasandal ang ulo niya sa mga bisig ko.
"Jung-so anong suot ng babae?" tanung ni Chichi nasa sofa kame nanunuod ng tv. Nakikinig lang siya.
"Naka pink dress siya....maganda yung suot niya"sagot ko.
Ngumiti siya. "Ahh..ganun ba talaga pag nakikipag-date kailangan mag suot ng maganda?" tanong niya ulit.
Tinignan ko siya. Hindi ko alam ang isasagot ko."I think Yes??!!...
Tumango lang siya. Walang idea si chichi sa ganitong bagay. Bigla kong naiisip na yayain siyang magsimba dahil linggo bukas.
"Maganda yung babae?" tanong niya ulit.
"Yes chi, but your more beautiful" sabi ko sabay ngiti.
Hindi siya sumagot ngumiti lang siya, ganun si chichi ngumingiti lang siya pag sinasabi kong maganda siya.
"Chi gusto mo mag simba bukas?" tanong ko, kung papayag siya ay yun ang unang beses na makakalabas siya ng bahay. Napansin ko rin kasing parang naboboring na rin siya.
"Oo naman" nakangiting sabi niya. Nakita ko sa mukha niya na excited siya.
_____________
Chichi POV
Excited ako bukas dahil magsisimba kame ni Jungso yun ang unang beses na makakalabas ako ng bahay.
Dahil masaya ako ay hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan. Naramdaman ko sa palad ko na ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
The PLAYBOY: Series of Loving the Heartthrob
Fiksi PenggemarSi Jung so ay isa sa mga sikat na actor sa Korea, napaka-gentleman pero babaero. Tagapagmana din siya ng isang malaking kompanya. Ngunit mas ginusto niya ang kasikatan kesa magpatakbo ng kompanya. Naging matalik niyang kaibigan si Park. Laking gula...