Kumiskislap na mga mata ang bumungad sa akin pag kagising ko.
"Nagising ba kita?" Marahan niyang tanong.
Ngumiti ako bago nagsalita.
"Hindi. Nakaramdam lang ako ng gutom. May pagkain ba?" Tanong ko habang tinatanaw ang maliit na mesa malapit sa pintuan. At parang nagkislapan din ang aking mga mata nang mapansin ko ang mga kumpol ng prutas at iba pang pagkain.
"Ikukuha lang kita." Sabi niya at ngumiti bago kumuha ng aking makakain.
Pinagbalat niya ako ng Dalandan at nagbukas din siya ng loaf bread at pinalamanan ng paborito kong Matcha Jam.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya.
"Nahihilo pa rin ako pero mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kumpara noong mga nakaraang araw." Sabi ko habang patuloy na kumakain.
"Mabuti naman kung medyo maayos na ang pakiramdam mo. Namimiss ka na ng mga kaibigan natin." Sabi niya at nilagay ang takas na buhok sa likod ng aking tainga.
"Dumalaw ba sila ulit?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung nagpunta ba sila kahapon kasi natutulog ako.
"Oo. Sila nga ang nagdala ng paborito mong Matcha Jam. May kitkat din dun sa ref."
"Gagaling din naman ako e. Kunting hintay na lang." Sabi ko sabay ngiti.
Ngumiti din siya pero kita ko ang bahagyang lungkot sa kanyang mga mata at tila ba nais ng umiyak.
"Magpapagaling ka ah? Ipangako mo sa akin." Sabi niya sa nangungusap na tono.
"Oo. Pero kung kagustuhan naman ng Diyos na makasama na ako, wala na akong magagawa doon. At isa pa, handa naman ako."
"Pero hindi kami handa." Nag igting ang kanyang panga.
"Dadating tayo sa punto ng buhay natin na kailangan din nating magpaalam sa mga taong mahal natin." Ngumiti ako. Nararamdaman ang panginginig ng aking boses.
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Naiinis na ako." Sabi niya at sumimangot sa akin.
"Alam mo, masaya ako dahil pinakilala ka ng Diyos sa akin. Isa ka sa mga magandang nangyari sa buhay ko. Hindi ako nagsisisi na tinulungan kita noong sobra kang nangangailangan." Hinawakan ko ang kanyang kamay kasabay ng pagtulo ng aking luha.
Pinalis niya ang mga luha sa aking mata at marahang hinaplos ang aking pisngi.
"Mananatili ako hanggang sa gumaling ka. Nawalan ako magulang at ayaw kong mawala ka pa sa akin. Ikaw na lang ang natitirang meron ako. Magpalakas ka. Utang na loob." Sabi niya pagkatapos ay tumayo at lumabas ng aking silid.
Hindi lingid sa kaalaman ko kung anong kalagayan ang meron ako ngayon. Pinipilit ko pa ding maging malakas para sa mga nagmamahal sa akin. Ayaw ko silang iwan pero mukhang kailangan na. Masakit, masakit na masakit na ang pakiramdam ko at tila ba malapit na akong bumigay. Bumibigat na din ang talukap ng aking mga mata. Ngunit ayaw ko pang pumikit. Gusto kong makita pa siyang muli bago ako pumanaw. Maghihintay pa ako at titiisin ang sakit.
Pagkatapos ng mahigit limang minuto, pumasok siyang muli na may dalang isang piraso ng pulang rosas.
"Para sayo." Nakangiti niyang sabi at pinilit ko pa ding ngumiti na di alintana ang sakit at inabot ang bulaklak ngunit ito'y dumulas sa aking kamay kaya't niligay niya ito sa aking tabi.
"Salamat." Sabi ko.
Naglabas siya ng isang maliit na kahon at nagulat ako sa laman nitong singsing.
"Pakakasalan mo ako." May diin niyang sabi.
"Hindi ko na kaya." Nanghihina kong sabi.
"Pakakasalan pa din kita." Sabi niya at iniligay ang singsing sa aking palasingsingan.
"Mahal na mahal kita." Iyan ang kanyang huling salita bago ako mawalan ng hininga.
~Hopeee
BINABASA MO ANG
Flash Fictions
Teen FictionI have so many thoughts in my mind so I decided to create this one.