Teardrops on my guitar Part I

26 2 2
                                    

Teardrops on my guitar

Written by: ayiiira

Author’s Note: None of these should be restructured without my permission. Plagiarism is a crime and for a trash merely. Anyone can read this tale; I just want you to be considerate and appreciative. Thank you...

"Drew looks at me, I fake a smile so he won't see~" I politely drop the microphone' beside me. Tatalikod na sana ako nang magsalita sya

"Para kanino yun Ava?" He grins as he asked that question.

"Ah eh favorite ko kasi yan eh. Kanta kasi ni Taylor." White lie lang yun kasi totoo namang fan ako ni Taylor Swift and I really love her songs.

"Kapangalan ko pa talaga noh?" Yes, he is Drew, short for Andrew. At para talaga sa kanya yung kantang yun.

"Oo nga eh." I am not comfortable when he's teasing me so I step back.

"Naku Andrew para sayo talaga yan!" sabat naman ni Sam na pinsan ko.

"Hoy asa naman! Hindi ah?" patuloy na pagde-deny ko

"Kita mo na? Hahaha." pasaway naman kasi 'tong si Sam eh!

Pumasok ako nun sa kusina dahil nakakahiya yung pagbubuking sakin ng magaling kong pinsan.

"Sam naman kasi eh."

"Haha, hayaan mo na lasing naman di nya maaalala. Tsaka tingnan mo di sya masungit ngayon? Dapat sulitin mo!" litanya nya sakin at parang tama nga sya doon.

Fiesta samin kaya nagkakasiyahan ngayon. Umiinom yung bisitang lalaki nila Ate Lira, yung iba kilala ko, yung iba sa pangalan at mukha lang dahil di ko naman sila nakakausap.

Masaya talaga kami lalo na ako kasi kahit pano ay di ako ko sinusungitan o kaya binibwisit lang ni Andrew.

*bzzzt bzzzt*

From: Andrew

Wag kang makalapit lapit kay Rey ah?

To: Andrew

Bakit naman?

Hinintay ko syang magreply pero sobrang tagal kaya tinago ko muna yung cellphone ko at nag CR sandali.

"Bakit kaya ako pinapalayo ni Andrew kay Rey?" medyo close kasi kami ni Rey, kuya turing ko sa kanya. Though minsan nagpaparamdam sya na higit sa kapatid turing nya sakin. Pero hindi naman alam ni Andrew ang tungkol dun kaya may iba sigurong dahilan.

Bumalik ako sa sala kung saan nandun yung mga pinsan at kaibigan kong babae. Nagulat na lang ako nang makita kong kausap na nila si Andrew at palapit sya sakin.

"O-oy bakit ka nandito?" nauutal kong tanong sa kanya. Bigla nya kong hinawakan sa braso at saka sya bumulong.

"Subukan mong lumapit sa kanya, kakalimutan na kita." Napakagat ako sa labi ko pagtapos marinig yun, tiningnan ko sya saka ako dahan dahang tumango.

Maingay sa paligid, kasabay na rin ang nakakabinging tilian ng mga pinsan at kaibigan ko. Alam nila kung gano ako kasaya sa atensyong binibigay sakin ngayon ni Andrew. Kasing lakas ng ingay nila ang pagkabog ng puso ko.

"Uy picture naman dyan!" Kantyaw nila saming dalawa kasi ayaw humiwalay sakin noon ni Andrew. I know that he's not in favor of that idea kaya inunahan ko na syang tumanggi.

Teardrops on my guitar Part I & IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon