Unconditional

38 6 0
                                    

"Congratulations Architect.."

Walang mapagsidlan ang tuwa ko tuwing naririnig ko 'to. Pakiramdam ko, hindi parin ako sanay sa mundong ginagalawan ko. Hindi parin sanay sa realidad na isa na akong arkitekto.

"Mauuna na ho ako mukhang lalakas pa ang ulan may pupuntahan pa po ako.."

Ibinaba ko ang tasa ng mainit na tsokolate at naghanda ng lumabas ng cafe malapit sa opisina. Lumalakas na ang buhos ng ulan, nagdadalawang isip kung pupuntahan pa ba kita at baka hindi rin tayo makapag-usap ng matagal. Tila, nakikiayon ang panahon sa dinaramdam ko ngayon.

"Dito na lang po manong.."

Sa huli, hindi kita natiis. Tinupad ko ang pangako kong makikipagkita sa'yo. Dala ko ang paborito nating cheesecake, suot ko din palagi ang kwintas na bigay mo sakin.

Mabigat man ang pakiramdam, bakas parin sa mukha ko ang pagkasabik na makasama ka. 

Dahan dahan ako naglakad patungo sayo, madulas ang daanan kaya't di ako makatakbo. Madami akong baon na kwento na siguradong ikatutuwa mo. Matagal man tayong hindi nagkita pero masisigurado kong masususlit itong araw na ito.

"Mahal, pasensya na natagalan ako. may ka-meeting kasi ako kanina. Sinabayan pa ng malakas na ulan. Alam mo bang may project nanaman akong nakuha? Sana pala kasama kita kanina nung meeting sayang naman, pero sana sumama ka. Alam kong proud na proud ka sakin, kasi ito ang pangarap natin diba?"

Kinuha ko ang nakabalot na cheesecake na pagsasaluhan sana namin.

"Mahal, may dala akong cheesecake. Alam kong miss na miss mo na to. Pasensya ka na nga pala ngayon lang ako ulit nakipagkita naging busy lang ako masyado at out of town ang project kaya eto, bumabawi sayo. Mahal, kanina alam mo ba ang hirap sumakay, naisip kong magpasundo sayo. Hindi kasi ako sanay ng hindi mo sinusundo eh. Tapos nagdalawang isip ako kung pupuntahan kita, sorry mahal. Nahihirapan kasi ako. Alam mo na umuulan..."

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Lumakas ang ulan ng para bang mga luha kong nag-uunahan.

Nanginginig ang kamay kong hawak hawak ang bulaklak at kandilang ititirik ko.

"Not so Happy Death Anniversary, Mahal..Sorry hindi ko matirik yung kandila, naulan kasi. Pero andito naman ako sa tabi mo, ayos ba yun?"

Hindi ko parin matanggap. Pwede bang sunduin mo nalang ako ulit araw-araw? Ihatid sa kung saan man ako pupunta? Mamasyal kasama ka? Pwede bang mangyari ulit yun?

"Sana nakikita mo lahat ng maggandang nangyayari sakin, mahal. Ikaw ang inspirasyon ko sa lahat alam mo ba yun? Unti-unti ng natutupad ang mga pangarap natin. Binubuhay kita sa isip ko. Mukhang matatagalan pa bago tayo ulit magkita."

Kailangan ko ng umalis, dumidilim narin ang paligid. Bago lumisan, hinaplos ko lapidang may nakaukit ng pangalan mo. Hanggang sa muli, mahal ko.

UnconditionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon