Chapter 27
Missing
"We need to talk" sabi niya. Naramdaman kong parang tumigil ng kaunti ang puso ko, hindi sa kaba kundi dahil sa mismong presensya niya. Ilang taon lamang ang nagdaan pero ang laki na ng nagbago sa kanya, lalo na sa physical appearance niya.
Nakakunot ang noo niya, ang kanyang makapal na kilay ay halos magdugtong na. His emotionless eyes darted to me na parang isa siyang mabangis na hayop na handang atakihin ako. Ang kanyang matigas at magandang korte niyang panga, his well built body! Everyone's drooling at him while I'm here, not special at all.
"Wala tayong kailangang pag-usapan" buong tapang kong sagot sakanya. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanyang titig dahil parang nahihirapan akong tignan ang kanyang mga mata. Hindi ko siya kayang tignan.
"Meron" pagmamatigas niya. Natawa ako ng mahina sa sobrang pagka-irita. Wala ako sa posisyong magalit pero kailangan ko dahil, he's engaged at baka magkaroon pa kami ng issue, no scratch that, ayaw mo ba talaga Janelle?
"At anong pag-uusapan natin?" tahimik ngunit mag diin kong bulong. Pasimple ako tumingin sa kama at nakita kong wala ang anak ko doon. Nandito pa ang halimaw. He's so fucking big and tall. Damn.
"Marami at gusto ko, puno ng detalye"
"No! Get out please" nanghihina na ako.
"I said no! Hanggang kailan mo ba ako itataboy palayo sayo? I'm hurt, baby" sabi niya. Kumunot ang noo ko at iniwas ang tingin ko sakanya. No, mali ito, he has a fiancé at kailangan kong lumayo sakanya.
"Tumigil kana, please I'm begging you. I want a peaceful life, ayoko sayo kaya umalis kana dito" buong tapang kong sigaw sakanya. Nakita ko kung paano nanghina ang katawan niya. Tinulak ko siya palabas sa kwarto ko at nanlalambot naman siyang lumabas dito. Pigil na pigil ko ang mga luha ko, takot na bumagsak ito, takot na maging marupok at padalos-dalos ako.
Kaagad na akong tumalikod at bumalik sa loob ng kwarto ko. Bumuhos ang mga pinigil kong luha kanina. Nagi-guilty ako na hindi dapat, kailangang magtayo kami ng pader sa pagitan namin para walang masaktan. Ayoko na.
"Mama, open door po-h" narinig ko ang anak ko mula sa labas. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto habang pinupunasan ang mga luha ko. Ayokong magmukhang mahina sa harap ni Chasty.
"Why are you crying po? Sino po yung lalaki?" nakakunot ang noo niya. He ressembled all of his father's look. He really looks like him kapag nakakunot ang noo nito at naka nguso ng kaunti. Ngumiti ako ng maliit.
"Wala anak. Nakatulog ka ba ng mahimbing?" iniba ko ang usapan at nakahinga naman ako nang maluwag nang hindi na siya ulit nagtanong. Pero nag-angat ulit siya ng tingin sa akin.
"Is he my papa, Ma?" kuryoso pero bakas sa tono niya na sigurado siya. Hindi ako nakapag salita sa tanong niya.
"Chasty, diba sinabi ko muna sayo magpahinga muna? I can talk to your papa when he's not busy okay? I told you dati diba that he's a busy person?" ngumiti ako ng pilit, ayokong magsinungaling pero baka hindi pa ito ang tamang panahon para magkita muna sila.
Kinabukasan ay nagtungo kaming dalawa ni Chasty sa isang pre-school malapit sa dating university na nag-aral ako. Nakasuot lang siya ng simpleng grey tee shirt at maong short at isang cute na topsider. His cute white legs are revealed.
Nagsimula na ang klase dito sa pilipinas kaya kaagad ko na siyang inihabol sa school. Pagkatapos ko siyang na enroll ay sinabi ng teacher niya na pwede na siyang makapasok bukas. Binigay na rin niya ang ready made niyang uniform.
"Ma? Pwede pong, uwi na tayo agad?" tanong saakin ni Chasty habang buhat-buhat ko siya. Aba? Nagbago ang isip? Eh kanina, halos liparin ko na pagpapatakbo sa sasakyan para makapunta kami dito.
BINABASA MO ANG
Marked by Prince C | Royal Series #1
General FictionMikayla Janelle, the lowkey girl of the City. Living a low profile and peaceful life. A nursing student from a Royal University. Tahimik ang buhay niya ngunit hindi masayang tumira sa isang bahay na walang kinalakihang magulang. She's the unwanted...