EXO's Maid

603 9 0
                                    

Prologue

Bilang isang fan...

Susuportahan mo ang mga idols mo.

Papanoorin mo lahat ng guesting, shows at drama na kabilang sila.

BIbili ka ng merch kahit wala ka ng pera. Yung tipong kailangan mong basagin alkansya mo dahil mauubusan ka ng merch.

Ang mga golden album nila na kailangan mo talagang paghirapan na makahingi ng pera sa magulang mo. Kahit linisin mo pa buong bahay niyo, ipasa ang exam, at paliguan ang aso niyo ay gagawin mo. Mabili mo lang siya... with photocard!

Yung puro muha ni bias ang nasa pader ng kwarto mo. Ang malala pa, pati kisame!

Notebook, bag, ballpen mo na may kinalaman sa EXO... Na binili mo pa sa online shop at ang mahal na sheeping fee.

Ang pagdodownload ng picture, videos, gif. Kaya kung minsan, bumabagal si computer. 

Ang paghahanap ng english sub sa youtube, dailymotion, etc. 

Ang pagpapantasya kay bias gabi gabi bago matulog.

Ang mapanaginipan si bias na naging kayo daw.

Ang mag ipon ng pang concert at di ka na halos kumakain dahil sayang pera. 

Ang pag spazz oras oras.

At ang pagmamahal sa EXO...

Pero teka lang...

What if...

Kung ang isang die hard fan... (Malapit na maging sasaeng fan XD)  ay maging isang maid ng kanyang idol--- Wait... Kung maging maid siya ng kanyang mga idols?

Magawa niya pa kayang tumili sa harap ng computer habang pinapanood mag sexy dance si Kai?

Magawa niya kayang halikan ang poster ni Luhan?

Mayayapos niya pa kaya ang life size pillow ni Sehun?

Oh no....

She's Jamie Ortega, the die hard fan... No, I mean, EXO's maid.

~~~~~

Voom feyns XD

Hello mga kapwa squids! 

OT12 :>

EXO's MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon