Hindi naging madali kay Lyra ang mabuhay nang wala si Crescent. Pero palagi niyang kinikintal sa isipan na mas magandang malayo ito sa kanya. Maiiwasan niyang ituring siya nito bilang isang nakababatang kapatid o isang anak nito. Sa pag alis nito hindi niya alam kung ano ang dahilan nito, isang ngiti lamang ang sinagot nito sa lahat nang naging katanungan niya.
Si Tomo lamang ang kasama nitong umalis. Sa pag alis nito sumabay siya sa pagsasanay, pinigilan niyang maging iyakin kapag nasusugatan siya at nasasaktan. Kailangan niyang patunayan sa sarili niya at kay Crescent na may kaya siyang gawin sa kabila ng pagiging isang pangkaraniwang tao.
Nalaman rin niya na ang mga kabataang lobo roon sa edad na pito o walo ay nag-aaral na kasama ng mga tao sa siyudad. Ngunit hindi siya kabilang sa mga magtutungo roon, sapagkat hindi siya pinayagan nang ina ni Crescent na siyang nag-aalaga at nagtuturing sa kanyang isang batang babaeng anak. Ito ang nagturo sa kanyang bumasa at sumulat katulong si Lailah na taga-silbi nito sa alpabeto ng mga taong-lobo at maging sa mga tao.
Malaki ang pag-iwas na sa kanya nang Reyna at ang madalas na lamang na nagsusungit sa kanya ay ang isa pang asawa ng hari na si Hera. Hindi nananakit si Hera katulad ni Criselda kaya naman hindi gaanong natatakot si Lyra rito.
Isang buwan pagkaalis ni Crescent, umalis na rin si Riel para mag-aral sa Horus na tinatawag ng mga ito. Sabi ng mga matatanda sa bayan, ang Horus ay para lamang sa may mga biyayang kalakasan at katalinuhan. Hindi na rin siya nakapagpaalam dito dahil iniiwasan nga niya ang Reyna at anak ito ng anak ng reyna na panganay.
Sa loob nang dalawang taon ay minamahal na niya ang buong kaharian ng mga Wolveus at piping umaasam na bumilis ang oras at nang muli niyang makita si Crescent.
Dahil dalawang taon na ang matulin na lumipas ay inaasam ni Lyra na isang araw ay dumating na ito kaya naman araw-araw niyang nilalagyan ng rosas ang plorera nito sa loob ng kuwarto. Ngunit nabigo siya nang isang sulat mula kay Crescent ang dumating.
Matatagalan ito at sana'y hindi siya nagagalit sa pagbali nito sa pangako. Walang patid ang mga luha niya habang binabasa iyon sa kuwarto ni Crescent kung saan siya inabutan ni Tomo na siyang may dala nang sulat nito. Pinahid niya ang mga luha habang pilit na kinakalma ang sarili.
"Anong nangyari sa mga braso mo?" tanong ni Tomo sa kanya. Napansin nito ang mapupulang bakat ng kamay ni Hera, ang ikalawang asawa ng hari. Nahigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya kanina dahil sa pagsuway niyang sumama sa mga kabataang lobo na magtungo sa anak raw nito na nakatira sa ibang lugar.
"Wala," malungkot na saad ni Lyra habang panay ang pagbasa sa sulat ni Crescent.
"Ikaw bata ka! Tinatanong kita!" Pumunta pa ito sa harapan ni Lyra para mas mapagalitan ito nang husto.
"Akala ko darating na siya, nangako siya sa 'kin, ilang taon pa ba siyang mawawala? Magiging pabigat lang ba ako kaya hindi niya ko isinama? Gusto kong malaman bakit kailangan niyang lumayo, at ano ba ang ginagawa niya na kailangang tumagal nang gano'n. Hindi man lang ba siya uuwi kahit isang araw? Gustong-gusto ko na siyang makita at makausap!" Walang awat ang pagluha ni Lyra dahil sa labis na pangungulila kay Crescent. Simula nang umalis 'to, bawat araw ay binibilang niya hanggang sa dumating ang araw na 'yon, tapos mabibigo lang pala siya.
"Mahalaga ang ginagawa niya," mababa ang tono ni Tomo nang sagutin si Lyra. Bumuntong hininga ito, alam niyang ninanais rin ni Crescent na makita ito. Ngunit maaaring ang isang araw na pakikipagkita kay Lyra ay hindi na nito magawang iwanan muli ang paslit.
"Sabihin mo sa kanya na maayos lamang ako, maghihintay ako sa pagbabalik niya. Hindi niya 'ko dapat alalahanin sapagkat inaalagaan akong mabuti nang mga narito at itinuturing nila 'kong kaisa," ngumiti si Lyra para pawiin ang pagtatampo.
BINABASA MO ANG
Raised by Wolves I ( Revised )
FantasíaSa kagubatan natagpuan ni Lyra si Crescent, limang taong gulang lamang siya ng makita ang anghel na may pilak na buhok. Pakiramdam niya ligtas na siya sa masasamang bampirang humahabol sa kanya. Hindi niya alam na higit pa pa lang demonyo ang lalaki...