CHAPTER 66: IMPOSSIBLE IS IMPOSSIBLE

73.4K 3.6K 1.8K
                                    

Chapter 66: IMPOSSIBLE IS IMPOSSIBLE

"NEBUCHADNEZZAR as in Nebuchadnezzar?" hindi makapaniwalang tanong ni Coco. Nakangangang napatingin siya sa amin at kinusot ang mga mata bago ibinalik sa matanda ang paningin.

The old man smiled creepily bago tumango. Puto, 'di ba bioterrorist siya?!

"W-wait, you don't have any syringe, right?" nauutal kong tanong na sinagot niya lang ng tawa.

"You are surely weird," wika niya. "So, sino kayo at bakit kayo nandito?"

Si Gon ang unang nagpakilala. "Ako po si Pentagon Bermudo."

Hinimas-himas ni Nebuchadnezzar ang kanyang mustache at tumango. "Hmmm. Bermudo."

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang tila kakaibang kislap ng kanyang mata.

"Ako naman po si Coco Masin," pakilala ni Coco.

"Pentagon, Coco, and how about the rose among the bushes?" he asked.

"Ako po si Sunny Gallego."

Naningkit ang kanyang nga mata habang hinihimas ang kanyang balbas. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Gon at tinuro kami.

"Bermudo, Gallego. Bermudo, Gallego. Bermudo, Gallego." He started chanting it like it's a mantra. Puto, ang creepy niya. Is he casting a spell on us? "By any chance, anak ba kayo ng Trapezart?"

"Po?" sabay na tanong namin ni Gon.

"Trapezart, the inseparable Trapezoid and Mozart."

Uh, so that's it. Hindi ba si Papa 'yon at papa ni Gon?

"Kilala n'yo po ang mga ama namin?" I asked unbelievably.

"Of course, my excellent students." He sighed and dreamily looked at the ceiling. "Sila ang inaasahan kong makakasama sa seldang ito pero mga anak pala nila ang nandito."

Naguguluhang nagkatinginan kami ni Gon. Wait, did he say students? "Students po?" Puto, mukha kaming mga tanga kauulit sa mga sinasabi niya.

"Yes, I'm the great Professor Nobel of CLC," wika niya at humalakhak. "And Trapezart are my top students even if they aren't the top Royals."

I don't know how to digest everything in my mind. Una ay totoo si Nebuchadnezzar—puto, bakit ang haba ng pangalan niya? Ah, basta. Una ay totoo si Nebz; pangalawa ay estudyante niya sina Papa. Idagdag pa sa listahan ng nagpapagulo sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Moran.

"Ikaw ba ang anak ni Trapezoid kay Curie?" tanong niya kay Gon at kinilatis ito nang mabuti.

"O-Opo," Gon replied.

"At ikaw! Anak ni Mozart kay Marie—no." He closed his eyes and snapped his fingers. "Lalaki ang anak niya kay Marie so ikaw ang anak niya kay Hilary?"

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon