A/N: After 10 years, ngayon lang ako nagupdate -_____- eh kase naman. i-Fan nyo ko!!! hehe :)
-----------------------------------------------------------------------------------------
At dahan dahan ako sa paglabas ko, syempre baka mamaya masira yung ayos ko, sayang naman -____-
At ako'y sumakay na sa kotse namin. Syempre dahan dahan din ;)
"O nak, handa ka na ba sa first JS mo?" ani ni Dad na pangiti ngiti pa. Parang sya pa yung naeexcite lol.
Nginitian ko lang si dad. May bigla kasing pumasok sa isip ko eh. *Ano nga kayang mangyayari mamaya? Isasayaw kaya ako ni Ken? -___-* tanong ng isip ko
"O, nadito na tayo. Magtetext ka sakin o kaya sa dad mo pag matatapos na ang party ha? Para makapaghanda na kami at masundo ka na." sabi ni mommy
"Atsaka balitaan mo kami kung sino ang first dance mo ha?" dagdag pa ni dad na patawa, parang nang-aasar lang ang peg. -___-
"daddy?!" pa-inis kong sabi.
"sige po pasok na po ako sa loob." paalam ko sa parents ko.
Kinakabahan ako habang naglalakad, nadito na kaya si Ken? Bakit kasi sya pa naiisip ko sa pagkakataong ito? Bakit hindi nalang ako mag-enjoy kasama ang mga kaklase ko...
At naglakad na nga ako papasok... Andami nang tao...
*Lingon dito, lingon doon* Hindi ko mahanap mga kaklase ko, *Nasan na ba yung mga yun?* tanong sa isip ko.
Teka? may napapansin ata ako? Bakit nila ako pinagtitinginan? *Ano bang meron sa ayos ko ngayon? May mali ba?* tanong ulit ng isip ko.
Sa paglingon lingon ko at paghahanap sa mga lintik kong mga kaklase na hindi ko alam kung nakikipaglaro ba sakin ng tagu- taguan, iba ang nakita ko. Oo, sino pa nga ba nakita ko. -____- si Ken.
Matagal na titig ang nangyari samin. Bakit ayaw maalis ng mata ko sa mga mata nya na wari'y nangungusap ang aming mga mata.
Nang biglang.....
"Bhez?! Anna?!'"
At dun palang natapos ang titigan namin, at napalingon ako sa tumatawag sakin na wari ko'y best friend ko na yun.
"OMG?!!! Bhez?!!! Ikaw ba yan?! Shit ka! Ba't ang ganda ganda mo tonight?!!" na may paghampas pang nalalaman sakin.
"Tse! kanina pa ko paikot ikot dito sa kahahanap sa inyo? San ba pwesto ng section natin?" sabi ko sa kanya.
"eh kase naman bhez, dun tayo sa kasuluksulukan. Hindi mo nga mahahanap. Ay nako ewan ko ba kung sino nag-ayos ng seating arrangement na yan. Buti nalang nagCR ako at boom! nakakita ako ng magandang dilag. Hindi nga kita nakilala bhez eh?"
"Tigilan mo na nga ako sa kapupuri mo, Mas maganda ka pa rin kesa sakin :)" sagot ko naman sa kanya. Oo, mas maganda naman talaga sya sakin eh. Nanibago lang siguro sya kasi naka ayos ako, simple lang naman talaga ako pag normal na araw lang.
"Dear Students, maya maya lang ay magsisimula na ang prom. Kung maaari lang sana ay bumalik na tayo sa kanya kanyang seating arrangement o sa kanya kanyang section..." sabi ng MC