Malamig ang gabi. Yumayakap ang hangin sa aking katawan. Sa katahimikan ng paligid maririnig mo ang huni ng mga insekto. Ngunit sa loob ng kwarto ko nangingibabaw ang hagulhol ng aking pag-iyak.
Nakaupo ako sa aking kama. Nakapatong ang ulo ko sa aking mga tuhod. Pinapahid ng dalawa kong kamay ang mga luhang umaagos mula sa aking mga mata.
Hindi mapigil ang aking pag-iyak. Tumayo ako mula sa kama...tumungo sa aking study table, sa loob ng drawer kumuha ako ng isang papel at panulat... Parang may sariling buhay ang aking kamay nang mag-umpisa itong magsulat...
Dear Self,
Hi Self! Kamusta kana? Teka, bakit pa ba kita tinatanong eh, lagi mo lang namang sinasabi na "Okey lang naman ako."Araw-araw nakikita nila ang ngiti sa mga labi mo, pero di nila napapansin yung lungkot sa iyong mga mata. Madalas ka nilang marinig na tumatawa, ang hindi nila alam ginagawa mo lamang iyon para maikubli ang iyong mga problema.
Bakit ka ba nagpapanggap sa mga tao sa paligid mo? Dahil ba ayaw mo na nag-aalala sila sayo? O, para maipakita mo sa kanila na malakas at matapang ka?Maaaring maloloko mo sila. Pero hindi ako! Sapagkat alam ko lahat ng pinagdadaanan mo.
It is okey to be weak sometimes... di ka naman tulad ng isang bato na hindi nasasaktan. Maging ang bato nga ay nadudurog din, ikaw pa kaya... Hindi ka superhero na may super powers, tao ka lang! May kahinaan ka din.
Sa buong buhay ko, ikaw nalang ang meron ako. Alam mo namang naulila ako sa pamilya noong bata palang ako mula nang masawi sila sa isang trahedya at ako lang ang nakaligtas. Sana nga namatay nalang din ako nung araw na iyon. Hindi sana ako nag-iisa ngayon...
But I have you... You always there for me in good or in bad times. You never left me behind...
Noong naghiwalay kami ng kasintahan ko dahil nalaman kong niloloko nya lang ako. May iba siyang babae... ginagamit nya lang ako para makapasa siya sa mga school works nya. Ang tanga-tanga ko!!!
Wala akong makausap para masabihan ng mga problema ko kaai di naman ako palakaibigan. Simula kasi ng naging mag-isa ako... natakot na akong mapalapit pa sa iba. Dahil darating din naman yung araw na sasaktan at iiwan din nila ako.
Pero iba ka sa kanila, lagi kang nandyan nakikinig sa mga hinanakit ko. Nararamdaman mo lahat ng paghihirap ko...
I'am contented to have you in my life, your my family, friend and my best buddy.
Sa dami ng mga gumugulo sa isip ko, nabibigyan na kita ng stress. Paano ba naman kailangan kong magtrabaho at mag-aral. Halos gabi-gabi na akong puyat at pagod... Nakakaligtaan ko narin ang kumain. Napapabayaan na kita!! Napabayaan kita Self...
Pero bakit ganun... akala ko naramdaman ko lahat ng masasakit na bagay. Hindi pa pala. Dahil may kanser ako. Noong nasa trabaho akl nawala ako ng malay dinala agad nila ako sa hospital. Nalaman ko na may dalawang malaking bukol na tumubo sa utak ko. Parang gumuho ang mundo ko nung araw na iyon. Di ko alam ko anong gagawin ko!!! Kailangan ng malaking halaga ng pera para maoperahan ako...
Self,... Hindi ko na kaya. Napapagod na ako. Sobra sakit na lahat ng ito. Di ko alam kung saan ako kukuha ng malaking halaga ng pera pampaopera. Naaawa na rin ako sayo. Nahihirapan ka nang dahil sakin.
Wala namang nagmamahal sakin. Walang ring nag-aalala. Ikaw lang at ako... pero suko na ako. Ayaw ko ng lumaban pa.
Gusto ko ng tapusin lahat ng paghihirap natin... Hanggang dito nalang. Sana mapatawad mo ako...
Hindi ko natatapos ang isinusulat ko dahil basang-basang na ito ng mga luha ko. Hirap na hirap na ako at pagod na rin...
Kahit nanghihina ang mga tuhod ko, pinilit kong tumayo. Tumuntong ako sa upuan... at inabot ang lubid na nakatali sa kisame ng aking apartment. Kahit nanginginig ang mga kamay ko... sinimulan ko itong itali sa aking leeg.
Habang unti-unting kinakapos ng hininga, bumabalik sa isip ko ang mga malulungkot at masasakit na ala-ala.
Ngayon matatapos na ang lahat ng paghihirap ko. Makikita at makakasama ko narin ang mga pamilya ko na matagal ko ng inaasam.
Bago ako malagutan ng hininga. Sinabi ko sa sarili ko...
"Hindi ka na... tayo mahihirapan pa. Hanggang dito na matatapos ang lahat."
... at tuluyan na akong nawalan ng buhay. Hindi ko pinagsisisihan ang bagay na ginawa ko.