Lory Pov!Ilang oras na akong gising at ilang oras na din umaasa sa wala na sana mailigtas na ako dito.
"FUCK!" nagitla ako sa lakas ng tunog ng upuan na sinipa ni Jake at sa pagsigaw niya na umalingawngaw sa buong silid. Tinitigan ko siya at wala akong nakita kundi puro galit. Binaba ko ang tingin ko para hindi ko masalubong ang mga mata niya.
"Black!"
"Bakit Boss?" sagot ng lalaking lumapit sa kanya.
"Pinakain niyo na ba siya?"
"Ayaw niyang kumain Boss." hindi ko magawang tumingin sa mata niya dahil alam ko na nanlilisik na naman ito.
"Kumuha ka ng mesa at ipaghain mo ulit siya."
"Yes Boss." umalis siya kaya naiwan lang kaming dalawa ni Jake buti na lang bumalik kaagad siya at may dala na itong malinis na maliit na mesa at nilagay sa harapan ko at muli siyang umalis. Kahit hindi ko tingnan nararamdaman kong nakatitig siya sakin habang nakacross ang mga braso.
Pinatong niya na ang mga pagkain sa harapan ko at tubig kaya mas lalong kumalam ang sikmura ko dahil nagugutom na ako pero wala akong gana. Lumipat siya sa likuran ko at tinanggal ang mga kamay ko sa pagkakaposas.
"Kumain ka na." hindi ako kumibo. Buong lakas niyang pinalo ang ibabaw ng mesa gamit ang kamay niya. Napapikit na lang ako ng mariin pero nagmulat rin ako kaagad at tiningnan ang sabaw na natapon sa mesa.
"Kapag sinabi kong kumain ka, kumain ka!"
Wala akong nagawa kundi ang kumain. Ayoko mang aminin na nagiging sunod.sunuran ako sa kanya pero wala akong magagawa. Hawak niya ang buhay ko. Habang kumakain mas lalo kong nararamdaman ang gutom ng sikmura ko. Kumuha niya ang isang upuan at ipwenesto sa harapan ko at pinapanood ako habang kumakain.
"Don't you know na nagkakagulo na sila? Alex thought that Veronica is the person behind all of these and Poor Veronica begging him to believe her that she's innocent. But I think may nalalaman na siya tungkol sakin. Makukuha ko na sana siya kung hindi lang umeksena si Andrew. I should kill him!" napatigil ako sa pagkain dahil sa mga sinabi niya.
"Wala ka ba talagang konsensiya?" tumawa siya sa sinabi ko at tumayo at lumipat sa likuran ko at binalik sa pagkakaposas ang mga kamay ko."Why would I? Hadlang sila sa mga plano ko."
"Sa tingin mo ba magiging masaya ka pagkatapos mong makuha ang mga gusto mo?"
"Yes. Don't worry you are part of my dreams."
"Hindi mangyayari yun."
"Nasasabi mo lang yan because Alex is still alive. I will make sure that I will kill him."
"Hayop ka!"
"Yeah I know."
"Kuya good job." lumapit si Kirby samin habang nakangiti na parang wala silang ginagawang masama. "I've seen on t.v that Red is dead. Wala ng makapagtuturo Miss beatiful kung nasaan ka." baling niya sakin.
"Mga hayop kayo!"
"Yes we are. Actually nadagdagan na naman ang pagkahayop ko. Wanna know why? I killed you bestfriend." kusa akong napaluha sa sinabi niya.
"Demonyo ka!" humagalpak siya ng tama sa reaksyon ko.
"I'm just kidding."
"That's enough. Umalis ka na."
"Bye Babe. Have a good time Kuya."
"What should I do to you?" tumayo siya at yumuko hanggang sa magkapantay na ang mga mukha namin at parang magdidikit na ang mga mukha namin kaya napapikit na lang ako. Ang galit ko kanina ay napalitan ng takot dahil gustuhin ko mang pumalag wala akong magagawa. Para akong baldado dahil sa posas na nakakabit sa mga kamay ko. Napamulat ako ng bigla siyang tumawa na parang sa napapanood ko sa mga pelikula na nagdulot ng labis na takot sakin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...