#theschoolprincess
OTHER PEOPLE's POV
VICTORIA LEE.Anak ng isang negosyante, talented at charming. Siya ang tinuturing na prinsesa ng Huangjo University, dahil na rin sa taglay niyang ganda. Siya ang tipo ng babae na pinapangarap ng mga lalake, mayaman man 'yan o mahirap.
She was Steven's greatest love. Ngunit sa 'di malamang pangyayari ay naging ilap si Steven sa kanya since dumating ito galing sa Paris
"Hija, ready na 'yong mga gamit mo."
Mapagmahal na anak si Victoria, kaya naman proud sa kanya ang mga magulang niya, at lahat ng gusto niya nasusunod.
Maraming naiilang na makipagkaibigan sa kanya, dahil na rin seguro sa porma niya na halatang anak mayaman.
"Thanks yaya.. Anyway mamaya pupunta dito ang mga classmates ko."
"Ah gano'n ba? Ilan ba sila? Para makahanda ako ng pang meryenda o hapunan nila."
"Dalawa lang sila yaya."
May ngiting wika niya sa kanyang yaya na simula no'ng bata siya ay ito na ang nag-aalaga sa kanya, hanggang ngayong dalaga na siya.
"Ah sege hija, ingat ka sa pagpasok."
"Salamat po, sege po alis na ako."
Lumabas na siya at sumakay sa kotse niya, pagpasok niya ay nakangiti si Mang Luis ang asawa ng kanyang yaya.
Apat ang anak ng yaya niya at halos lahat ng anak nito nasa ibang bansa. Ayaw na sana nila magtrabaho ang mag-asawa pero mapilit ang dalawa at na boboryo daw sila 'pag walang ginagawa.
"Good morning ma'am, alis na po tayo?"
"Good morning din po, ah oo po baka ma-late ako."
"Ah sege po ma'am tayo na."
Mabilis namang pinaalis ni Mang Luis ang sasakyan at medyo malayo pa ang lalakbayin nila, sa sasakyan tahimik lang sila ni Mang Luis, at habang concentrate ito sa pagmamaneho, siya naman ay nakikinig lang sa music niya habang nasa byahe.
May time na kapag traffic nakakatulog na lang siya sa byahe at gigisingin na lamang siya ni Mang Luis 'pag nasa school na sila.
Habang naka Stop light napalingon si Victoria sa kaliwa niya at natanaw niya ang blue na sportcar. Hindi man niya tingnang mabuti kilala niya ang nasa loob ng sasakyan..
Si Steven... May kasamang babae
"Ang landi naman ng babae na 'to."
Mahinang tugon ni Victoria sa sarili na wala siyang pakialam kung marinig ni Mang Luis. Napalingon naman ang matanda sa kaliwa niya kung saan nakatingin ang amo niya.
"Aba eh, si Sir Steven po 'yan ma'am ah." Wika nitong medyo nagulat pa. "Iba nanaman po ang kasama?"
"Kilala n'yo naman ang taong 'yan Mang Luis papalit-palit ng gf."

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...