Isang silid ang sa atin ngayon ay nakapagitan
Mga taong sa atin ngayon ay humahadlang
Naulit na naman tayo sa ganito
Tipong heto na naman ako, naghahabol sayoTeka 'wag ka munang humakbang
Kaya ko pa namang lumaban
Kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin maramdaman
Ang pagmamahal kong sa iyo ko pilit nilalaanNaiinis ako t'wing may kausap kang iba
Pakiradam ko mas gusto mo silang kasama
Sa tuwing nagkakatagpo ang ating landas
Inihahanda ko na ang sariling umiwasUmiwas sa mas malalang sakit
Umiwas sa nararamdamang nais maulit
Yun nga lang, kahit anong iwas ko
Mga mata ko'y napapatingin pa rin sayoPara akong nasa isang "fun run"
Humahabol kay "right man"
Humahabol kahit 'di naman kailangan
Humahabol dahil ayaw makaramdam ng pag-alinlangan
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry (COMPLETED)
PoetryTagalog Poetry Collection Unsaid feelings for someone who is very dear to me. You may not be the right man who is meant to be with me but always remember that you will always be the man that made me who I am today. The man whom I can never own. I lo...