Tula ni Yanii
Nung una kita makilala,
Inaamin kong natakot ako,
Dahil, sa distansya,
At dahil hindi kita ganoon kilala.
Puso ko'y napuno ng panggamba
Di ko talaga alam kung ano ba talaga
Ngunit iyong laging ipinapinakita
Na para sa'yo ako'y tunay mahalaga
Kaya't lahat ng pagdududa ay napawi
At puso ko'y iyo nang iniuwi
Lahat ng aking takot ay naalis
At napasayo ang pag-ibig kong iyong ninanais
Tagihawat sa ilong
Bagay na nagpapatunay na unti unti mo nang nahuli
Puso kong nag-aatimuli
Lahat ng ngiti at kilig ay nabuo dahil sa iyo
Tatlong Araw ang lumipas,
Pag-ibig natin ay hindi makita ang pagkupas
Ikaw ang "BABE KO" at Ako ang "BABE MO"
Buhay ko'y nagbago dahil dumating ka mahal ko
"Babe Mahal KIta " Yan ang sabi mo
Ngunit bakit puso'y nagdududa
Sa mga katagang iyong binitawan
Di malaman ang nararamdaman..
Isang linggo ang lumipas
Ika'y bigla nang umayaw, sa pag-ibig na sinabi
Puso ko'y nawasak, Buhay ko'y nagiba
Bakit biglang sumuko ang puso mo?
Inisip ko, kung nagkulang ba?
Kung may mali ba akong nagawa?
Iniisip kung bakit ka nagsawa..
Ngayon ang puso ko ay naging kawawa.
Anim na araw ang lumipas.
Ika'y bumalik sa akin, Tila di ko malaman
Kung ano ba talaga ang dapat maramdaman
Tama pa ba na mahalin kita o dapat ba na isuko kita?
Ginising ako sa katotohanan,
Anong klaseng tanga ako para ika'y pakawalan?
Aking ibinalik ang lahat ng nangyare sa nakaraan.
At tila binalewala ang sakit na naramdaman noon.
Martyr ang sabi ng iba o maari na ring tanga
Ngunit puso ko'y di makakaya ang mawala ka pa
Minahal kita ng buong puso at Lubos
Pag-ibig na aking nadaramay sa iyo ipupuspos.
Tila Panaginip ang lahat ng ito
Puso mo'y parang biglang nagbago
Tama pa ba na ika'y aking mahalin?
Ikaw ba ay matuturingan pa ring
Tila wala na ang tamis ng kahapon
Ang pagtawag sa pangalan ko'y di na tulad noon
Pag-ibig m0'y naglaho
At wala na ang halaga ng mga sunumpaang pangako
Aking mahal Salamat sa mga ala ala
Mga Ala-Alang nagbibigay kilig sa akin Noon
Ikaw ang una kong minahal
Ikaw ang una kong sinabihan ng mga katagang Mahal Kita
Ngunit Ano pa nga di ba?
Ang mga panahon natin ay natapos na
Sana isang araw ay makita
Nakangiti at Masaya sa piling ng
Pinapakawalan kita,
hindi dahil Di Kita na Mahal
Pinakawalan kita Kase alam ko
Isang araw mahahanap mo rin ang babaeng para sayo
Sa muli't huling pagkakataon. Gusto ko lang iyong mapakinggan
Ang sigaw nang aking Pusong pilit kang pinapakawalan
Mahal Kita! Mahal Kita! Ngunit Mahal ika'y malaya na.
Sanay isang araw masilayan ang iyong mga mata at masabing salamat at paalam na.
-ANE AGUILERA. ^^
![](https://img.wattpad.com/cover/1781713-288-k1107fd.jpg)