SW C-22

1.4K 36 3
                                    

2 years Later..



Chichi POV



"Mam, hinihintay na po kayo ng bagong customer sa labas" sabi ni yaya.



"Sige yaya tapusin ko lang itong vase" sabi ko.



Sa dalawang taon na hindi ko nakita si Jungso ay pinilit kong kayanin na wala siya.



Isang alaala na lang ang mga panahon na kasama ko siya. May mga tanung pa rin ako sa sarili ko. Bakit siya umalis? Hindi na ba niya ako mahal? Bakit bigla na lang siyang nawala?. Pagsumasagi sa utak ko ang itsura niya ay bigla na lang akong luluha.



Napapaisip na lang ako na baka patay na siya, kaya napapaiyak na lang ako. Mabuti na lang nandyan si yaya kahit papaano ay di pa rin ako nag-iisa.



Lumalago na din itong shop na binigay ng mommy niya. Bihira ko na lang din makita at makausap ang parents niya.



Hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kung nasaan si Jungso.



Pagkatapos kong ihulma ang vase ay tumayo na ako at pinunasan ang mga kamay kong may clay. Pumunta ako sa opisina ko kung saan naghihintay ang customer.



"Goodmorning sir" bati ko sabay lahad ng kamay sa kanya.



"Goodmorning" ngumiti siya, napatitig siya sa akin ng ilang segundo.



"Hindi ko akalain na mas maganda ka pala sa personal Ms. Chichi" sabi niya ulit.



Ngumiti ako. Binigay ko sa kanya ang magazine na puro litrato ng vase na gawa ko. Ilang minuto din niyang tinignan ang magazine.



"May napili na po ba kayong style?" tanong ko.



"Yes Ms. chichi" sabi niya at isa isang tinuro ang mga napili niya sa magazine.



Napansin kong panay ang titig niya sa akin. "Bakit sir?"



"May asawa ka na?" biglang tanung niya.



Hindi na bago sa akin ang tanong niya, sa tuwing may customer na nagpupunta dito sa shop ay hindi mawawala ang tanong na kung may asawa na ba ako.

The PLAYBOY: Series of Loving the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon