Mema
Ni: Kuya IanHawak ko ay patalim
Nauubusan na rin ako ng hangin
Paa ko'y dinuduyan ng hangin
Ngunit paano akong nahulog sa bangin?Nagkalat ang dugo sa daanan
Mga ugat ko ay 'di na maraanan
Nanlalamig na ang mga paa
Saglit lang muna, pero bakit tila hinihila nila ako pababa?Kinalawang na ang kutsilyong tangan ko
Hindi na makahinga ang katawan ko
Patay na ang mga kuko
Wala man lang bang nakapansin sa akin na kanina pa ako nandito?Naliligo na sa sariling tubig
Ang higpit ng pagkakatali ko ng mga lubid
Mga paa ko, upuan ay sinadyang itabig,
Mas mabuti bang nakalaya na ako sa mundo kaysa makulong ako sa utak kong nahahalintulad sa bilibid?
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento