"Deya, Deya!" Message ni Claire sa akin sa Facebook. "Gusto mo bang pumarty? Summer naman eh. Baka gusto mo ako samahan. Sa Renaissance, Ortigas lang. May i-meemeet ako eh." Hay nako, etong si Claire talaga. Naaalala lang ako kapag party ang pinaguusapan. Alam niya kasing hindi ako tatanggi eh. "Dali na Deya, move on na!"
Ha-ha. Move on. Move on. Move on. Move on sa ex ko noong high school. Si Paolo. Si Paolo na minahal ko nang sobra sobra, pero pinagpalit lang ako sa blockmate niya nung pumasok na siya sa UST. Sa bagay, baka nga naman sobrang nasakal siya sa akin. Pano, nung high school araw araw ba naman kami magkasama. Baka nasuka na sa akin.
"Sige Claire, basta kailangan ko nang umuwi ng mga 1am ha?" Sagot ko kay Claire. "Oo, promise! Basta samahan mo ako ha?"
"Sige."
Hindi ko alam na yung pag payag ko na yon ang babago sa buong buhay ko.
Nagkita kami ni Claire sa Ministop Katipunan (na ngayo'y 7 eleven na). First time kong pupuntang open party noon. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Medyo excited ako na kinakabahan. Ano ba mayroon sa open party? Hindi kaya sobrang tanda ko na para dumalo sa mga ganon? Ewan. Ang gulo gulo ng isip ko. Pero parang may parte ng katawan kong gusto na pumunta doon.
"Claire! Okay na ba 'tong suot ko? Hindi ba masyadong sexy?" Tanong ko kay Claire. Medyo hindi ako kumportable kasi ang iksi masyado ng denim acid washed shorts ko at see through black top ko. "Gags, okay yan dude. You'll attract men. Mag-ayos ka naman girl! Kaya ka napagkakamalang tibo eh."
Haha. I agree! I hate skirts. I hate dresses. I hate being girly. Paano nga naman ba ako magugustuhan, eh parang mas lalaki pa ako sa lalaki. That's My Tomboy lang ang peg. Eh kasi naman, mula nang bata ba ako, wala na kong arte sa katawan. Ngayon lang talaga na mag se-second year college na ako sa pasukan. Pakiramdam ko kasi, panahon na para mag move on kay ex.
Alas otso na ng gabi, nasa Renaissance na kami. Masyado pang maaga para sa party. Kaya pumunta na lang muna kami ni Claire sa Korean cafe sa baba ng Renaissance condo sa Ortigas. "Grabe Claire, 2k lang dala ko. Mapapagastos ata ako nito ng sobra." Sabi ko kay Claire. "Di yan, girl! Tulungan. Basta yung deal natin ha? Move on ka na! Hindi tayo uuwi nang walang nakikilalang cute guy."
Ha. Patay. Juice----colored.
Hindi. Pa. Ata. Ako. Handa.
But.........
BRING IT ON.
"Sige na nga! Wala na naman sigurong masama. Mahigit isang taon na rin akong single at malungkot. Parang kailangan ko na ring maging masaya." Sabi ko kay Claire. "True that!" sagot niya.
At yun nga, kumain kami ng kumain ng chips at uminom ng Soju.
Jusmiyo Marimar!
Sobrang lakas pala ng tama ng Soju!
Ang tapang!!!
Bilang hindi sanay at nahihiya ako sa kaibigan ko, hindi na lang ako nagpahalatang medyo may tama na.
"Tara! 9:30 na. Akyat na tayo!" Niyaya ako ni Claire. Naghanda ako at pumuntang CR. Naglagay ng pulang lipstick tipong bloody red, at inayos ang aking makapal na nakataling buhok. Sige ay! Handa na ako.
Pumasok kami sa madilim na silid. May mga bouncer, at may mga makukulay na neon lights. Ang ganda ganda! Dumirecho ako dun sa bar.
"Hi! Anong gusto mo?" Sabi nung matangkad na cute na lalaki. Sobrang cute! Ang puti puti niya. Tapos ang tangkad. Para siyang Spanish-Chinese na hindi mo maintindihan. Pero ang cute talaga. "Kahit ano, ano ba masarap?" Sagot ko. "Nako, lahat masarap eh. How about you try everything?
HALA. EVERYTHING? AS IF MAHILIG AKO UMINOM. KUMAIN PWEDE PA. PERO HINDI AKO MALAKAS UMINOM. PERO.....
"Okay." Ayan nanaman, hindi nanaman ako marunong tumanggi.
Umupo ako sa may flatform. Naghintay. Hanggang sabi ni Claire na nandyan na raw yung taong immeet niya.
"Nandito na daw si Gio!" Sabi ni Claire.
"Okay, sige. Hintay na lang tayo." Sagot ko. I admit. Medyo nakakainggit na may immeet siya. Matagal tagal na rin mula nung huli akong kiligin at kitain.
Unti unti nang dumami ang tao, may mga nakikilala na rin ako. Pero parang wala akong interes na kahit na sino. Dumating na rin si Gio. At pinakilala ako ni Claire.
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang may dumaan. As in parang nag slow motion ang lahat. O......M.......G!
Para kaming naka-terno, naka itim siya na sando, naka denim na pants at naka dunks.
Uso pa yun nung 2011 eh. Bakit ba. HAHAHA.
Grabe, grabe, grabe.
Ang moreno ni Kuya, ang tangkad at ang batak!
Can I just say, weakness ko ang matagkad na batak.
Sa built kasi ng katawan ko, hindi bagay sa akin ang payat.
At hindi siya payat. Malaman pa sa palaman.
Napansin ni Claire na parang hindi ako mapakali. Pero dedma lang nung una.
"Pare, mauuna na ako." Sabi ni Kuyang batak.
"Gio, Gio! Ipakilala mo kami sa kausap mo." Sabi ng intrimitida kong kaibigan. "Claire gaga ka po! Nakakahiya ano ba!" Pasigaw kong sinabi. "Uuuuuy, affected si Deya. Type niya." Pabirong sinabi ni Claire.
"Hey guys, this is Louie. Louie, these are my friends, Claire and Deya."
Tumango lang 'tong si kuyang batak. At lumakad papalayo.
At anak ng pitong pating! Isnabero! Gwapo pa naman. Badtrip ha! Wow ha. Alam ni Claire na type ko talaga si kuyang batak. Ang gaga, hinabol ba naman at hinila! Grabe talaga. Nakakahiya. Hindi na maipinta ang mukha ko. At para akong meme sa 9gag na sobrang bilis ng palit ng facial expression.
"Hey, my friend wants to talk to you." Sabi ni Claire. "What?" Sagot ni kuyang batak. "I said, MY FRIEND WANTS TO TALK TO YOU! Usap kayo please, sayaw kayo or something!" Pasigaw na sinabi ni Claire. Sobrang ingay na kasi ng paligid. Ang daming tao. Ang ingay ng music, daldalan, sayawan. "But sorry, I don't dance." Ay ganon? Inglishero si kuya.
"Eh okay lang yan! Basta!" Hinila kami ni Claire at pinaghawak ng kamay for the very first time.
Ayuuuuun, ganon pala ang slow mo.
- TO BE CONTINUED -
BINABASA MO ANG
You're Still The One
ChickLitThe four year love story of Louie and Denise, based on a true story.