AN: Okay. Gumawa ako uli pero sabaw to. HAHAHA!
-----------------------------------------------
“Uy, anong surname mo?”
Hayy..
Ayan na naman siya. Parating tinatanong yong apelyido ko. Tsk2. Pwede bang pangalan ko muna yong tanungin niya? Kakaasar lang eh.
Hindi na ba uso ang pangalan ngayon para apelyido na yong itanong niya?
Sa araw-araw na lang na pagkikita namin, yan yong parating pambungad niya sa akin, ni wala ngang “Good morning” eh.
Nagsimula to nung magkita kami sa classroom. Nagkasalubong kami tapos bigla na lang siya na-freeze pagkakita sa akin at nanlalaki pa yong mga mata. Badtrip ha?! Sa gwapo kong to, ganyan yong reaksyon niya?! F**k! Tapos bigla-bigla, tinanong yong surname ko.
“Anong apelyido mo?” Sabi pa niya na nanlalaki pa yong mata at kumapit pa sa braso ko.
Seriously, pinatay ba ng parents ko yong mga magulang niya para magka-ganyan siya? O baka naman nagkautang? Haist. Matanong nga sina mommy mamaya.
“Ahm sorry miss. Nagmamadali ako. Sige, bye.” Ako at iniwan ko siya dun para pumasok sa classroom namin.
“Oy, ano na ngang surname mo?” Siya at sinabayan pa yong paglalakad ko.
Pinabayaan ko lang siya. Saka ayaw ko talagang ibigay ang aplelyido ko eh. Bukod sa pangit na yong tunog, baka ipakidnap pa ako kasi kabilang ako sa mga mayayaman na pamilya.
“Oy, sagutin mo na ako, please. Kahit eto lang. Sige na.” Siya at nag-puppy face
Huminto ako saglit at tiningnan siya. Ang cute niya talaga. Hayyy. Kung pangalan ko lang talaga yong tinatanogg niya, matagal ko na siyang sinagot. Baka nga pati yong surname ko ibigay ko pa sa kanya. Hay..