SW C-24

1.5K 40 2
                                    

Chi Chi POV


Hapon na ako natapos sa meeting ko sa isang kliyente.



Malaking tulong talaga ang shop, dahil dito nakilala ang mga gawa ko. Na publish na rin sa isang magazine ang mga vase na gawa ko. May naipundar na rin akong sasakyan at natutulungan ko na din ang mga kapitbahay namin na nasa tabi ng dagat. Nagpatayo ako ng isang foundation para sa mga bata na nandoon. Gusto ko kasing makatapos sila ng pag-aaral yun na lang ang maitutulong ko sa mga kapitbahay namin.



Habang nagddrive ay parang nahagip ng paningin ko ang isang sasakyan nakita ko ang nasa loob dahil hindi masyadong tinted ang salamin.



"Jungso?" sabi ko mayamaya ay napailing na lang ako.



Kasunod nun ay tumunog naman ang cellphone ko, binasa ko kung sino ang nag-message. Tita Mayi: Hija kamusta ka? kamusta kayo ni Yaya?



Si tita mayi minsan na lang niya akong tawagan o itext. Hanggang ngayon wala pa rin silang balita kay Jungso. Nireplayan ko ang text ni Tita Mayi.



Chi: OK lang po tita. Kelan niyo po ako bibisitahin?.



Sa tuwing magrereply ako sa kanya ay hindi na siya sumasagot, siguro ang importante lang sa kanila ay malaman na ok kame ni yaya.



Muling sumagi sa isip ko ang mga alaala namin ni Jungso. Pati sa bahay kung saan niya ako kinupkop. Parang bigla kong na mis ang bahay na yun.



"Hindi pa naman masyadong gabi," sabi ko sabay liko sa kabilang kalsada.Pagdating sa tapat ng bahay ay napansin kong bukas ang mga ilaw, yung dating ganda ng bahay ay bumalik. Nakita kong security guard na nasa gilid ng gate.



Nagtataka ako, wala naman nasasabi si Tita Mayi na may tao na dito sa bahay.



Nilingon ko ang Guard. "Sino po ang nandito sa loob?".



"Pasensya na Mam, ang bilin po kasi sa amin ay wag magbibigay ng impormasyon pag wala pong sinabi ang boss namin na may pupuntang bisita".



"Ah ganun po ba?". yun lang nasabi ko, pero ang totoo ay maraming tanong ang sumasagi sa utak ko. Nag-uumpisa na din akong kabahan.



"Ano pong pangalan niyo mam?" tanong ng guard.

The PLAYBOY: Series of Loving the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon