CHAPTER 4
Nakarating na kami sa bahay nila tito Jerald, bigla kong namiss ang bahay namin, wala pang isang araw pero gusto ko ng bumalik sa bahay, alam ko naman na magiging mabuti ang buhay ko dito dahil kapatid ni daddy ang magaalaga sa akin. Kapatid niya sa ama.
Si tito Jerald kasi ang nagiisang anak sa labas ni Lolo Jardon, halos magkasing tanda lang sila ni dad nauna lang si tito ng one year. Akala daw kasi ni lolo noon hindi na siya magkaka unico iho dahil sa apat na anak niya, lahat ito puro babae pero after 3 years parang himala na dumating si daddy sa kanilang mga buhay.
Sabi sa akin ni dad, hindi daw nagalit si lola at mga kapatid ni dad sa pagkakaroon nila ng kapatid sa labas, pero alam na alam daw ni daddy kung gaano nasaktan si lola. Since he was a child, everytime na susundan niya si lola sa garden, akala nito nagdidilig lang ng halaman, pero ang mata niya ang bumubuhos ng tubig, ng mga luha.
*Jasmine's dad pov*
"mama are you crying?"
"Ah.. no..n-no baby, mama's not crying. Napuwing lang si mama baby.." sabay bitaw sa host ng tubig at dinala si Jardon sa mini playground sa garden.
"Mama, di ba liars go to hell, i saw you mama...i dont want you to go to hell."
"I'm sorry baby Jardon. Yes, mama is crying pero okay na si mama just promise me one thing para lagi ng okay si mama..."
"Anu po yun?"
"No matter what happen, you'll take care of your sisters, you're the only brother they have okay? And... someday pagnagka-family ka, mamahalin mo sila ng totoong totoo ha?"
"Yes mama! Aalagaan ko sila ate, ako ang superman nila! Pero mama...what do you mean yung totoong totoo? Like papa? He loves us and he loves kuya Jerald?"
"Good baby, i know you're just 9 years old, but you'll understand naman mama ha? Ibig sabihin noon, hindi ka tutulad kay papa okay? Kasi si papa minahal tayo ng totoo hindi totoong totoo, you know why??"
"why ma-mama?" naiiyak na sabi ni Jardon
"Kasi he has to divide his love for two, for us and the other for Kuya Jerald. Do you understand baby?"
"Yes mama, and i promise everything kasi love na love ko kayo."
"I love you too son."
*end*
Kinuwento eto ni dad sa amin ni ate Carla, I was 9 back then and ate was 11, lola died 8 years earlier than lolo and while my mom and ate carla died when I was 13.
Kaya siguro hindi nagaasawa ng iba si dad kasi sa pangako niya kay lola, kaya din siguro sobra ang iyak nila tita Benilde, tita Beverly, tita Beatrice at tita Bethany noong nalamang nagtago si dad at hindi man lang sinabi sa kanila kung nasaan siya. Sobra kasi nilang close si dad, at si dad na daw ang halos na sumasalo sa kanila everytime na may problema sila. Sabi nga ni tita Beatrice ng minsang may handaan sa bahay,
"You know what family of Villaflor, Kuya Jardon was more like a dad to us than papa, di ba Bethany?" at silang apat ay nag-agree, habang si daddy that time tumatawa lang.
Sabi pa sa akin dati ni tita Benilde, my favorite auntie. Dahil daw kay dad, hindi daw siya napalayas ni lolo ng mabuntis siya noong dalaga siya, ginawa daw kasi lahat ni dad, sinabi pa daw noon ni daddy na kung palalayasin si tita, palayasin na rin siya kaya naman para kay tita she owe everything to my dad.
Nakikita ko naman na close si tito Jerald at daddy, pero siguro if my 4 aunties were all male, daddy would not be that close to tito Jerald, hindi na kasi kailangang sabihin pa ni daddy or mommy, i myself were able to observe it everytime na may family gathering.
˜˜˜
Pumasok na kami sa loob ng bahay ni tito, una ko siyang nakitang kinakausap ang mga maids kung naayos na ba daw ang kuwarto ko.
"Hello Jasmine my dear, come in come in. She must be your personal maid?" sabi ni tito sabay tingin kay yaya.
"my yaya tito, Girlie Espasyo is her name."
"Okay, sorry if we can't bring your dog here, don't worry may alaga si angela, you can play with them too."
play with cats? ew. Kung ayaw ni Angela sa aso, ayaw ko sa pusa. Ang pangit nila tumingin, para sa akin pusa ang pinaka inggratang hayop sa mundo. Kaya naman ngumiti na lang ako ng sinabi iyon ni tito.
sabi niya feel at home lang, pero bakit hindi ko maramdaman? siguro kasi naninibago pa lang ako, wala pa si Angela kasi isa daw siya sa mga organizer ng event sa school kaya late na siya dumating, weekdays din kasi at may pasok. Hinatid ako ni tito sa kuwarto, oo mas maliit ito ng konti kumpara sa kuwarto ko pero okay na din, kung tutuusin para nga kay yaya malaki na daw ito.
"Is this room okay for you jasmine?"
" Of course tito. Thank you po."
"I know your room before is bigger than this, pero eto na lang kasi yung sumunod na malaking kuwarto dito sa mansion, sabi nga ni Angela mag tabi na lang daw kayo, but i guess you need some time to be alone lalo na ngayon, am i right?"
tumango lang ako at pahapyaw na ngumiti, buti na lang at di kami nagsama sa iisang room ni Angela, hindi naman kasi kami ganoon kaclose, sa lahat ng magpipinsan para sa akin siya ang least, bihira kasi siya pumunta ng bahay and hindi ko feel ang ugali niya.
sabi ko nga noon kay tita Benilde bakit hindi ako sa kanila tumira or kila tita Bethany or kahit kanino sa kanilang apat, si tito Jerald daw kasi ang unang naginsist na sa kanila muna ako, andoon naman daw kasi si Angela na magiging katulong ko sa pagaaral. Eh yung iba ko kasing mga pinsan kung yung iba nagaaral sa ibang bansa yung iba naman may sari-sarili ng pamilya.
Iniwan na kami ni tito sa room dahil pinapatawag daw siya ng polic eofficers kasama ang Elite Corp for investigations, ilang days na ang nakakalipas pero si daddy pa din ang laman ng news, iniisip ko tuloy kung kamusta si daddy, kung nasaan ba siya. bakit hindi man lang siya tumatawag sa akin.
habang inaayos ni yaya ang mga gamit ko, nakatulog na ako sa bed sa sobrang stress sa mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
My Rule No.1 (STILL INCOMPLETE)
RomanceSabi nga nila hindi pera ang nakapagbibili ng pagmamahal, kasi ang pagmamahal ay kusang dumadating. Pero paano kung ang pag dating nito ay isang bad timing?