#22
____________________
Responsibilidad kita.
Pag gising ko nanghihina akong bumangon. Tumingin ako sa paligid ko. Nandito pa pala ako sa hotel. Kinusot ko ang mata ko at bumangon. Wala naman aircon o kahit electric fan dito naiinitan tuloy ako.
Naligo na muna ako bago lumabas ng kwarto. Buti nalang at may masusuot pa ko. Sinuot ko ang puting shorts, Sando at cardigan na binili ni Ian kahapon.
*Grroooowwwllll*
Napahawak ako sa tiyan ko.Nagugutom na ko. Hindi ako nakakain ng maayos kagabi dahil sa kinakabahan ako. Ngayon kaylangan ko bumawi ng kain!
Kinuha ko ang phone ko para matignan ang oras. WAtttapakk?! 8:40am pa lang? Walang text si Josh o kahit si Celine. Si Guia naman nag text pero gm.
Lumabas ako ng kwarto at maghahanap sana ng makakain na makita ko si Ian na nakabulagta sa sahig at may basag pa na baso sa tabi niya. Shiz! Ano ba ginawa ng lalaking to!
"Ian! Ian gumising ka nga!" Tinapik tapik ko siya at tumingin sa paligid. Teka pano ba to ano bang gagawin ko?. Nakita ko naman ang halos kalahati nang Chivas Regal sa center table. Damn mukang uminom pa siya.
"Ian bumangon ka may bubog oh!" Dahan dahan namab siyang umikot at humarap. Kanina at naka dapa siya ngayon naman naka harap na siya. Nakatakip sa mga mata niya ang braso niya.
Napatingin ako sa damit niya na malalim at malawang ang neck line. Para itong v neck pero parang pang korean na ewan basta kitang kita ang dibdib niya.
Hindi ko maiwasan mapatingin sa makisig niyang dibdib. Mukang matigas ito at inaalaga sa workout.Tumaas naman ang tingin ko sa mga labi niya. Nakawang ito at para bang ang sarap halikan.
Bumilis ang pintig ng puso ko at para bang may paru paro sa tiyan ko na nagwawala ngayon. What is this feeling? Tanging ang mabilis na tibok ng puso ko nalang ang marinig ko habang titig na titig ako.
"Nadine~" huh? Nagising naman ako sa pagiisip ko nang marinig ko siyang banggitin ang pangalan na iyon. Sleep talking to si Ian.
Pero teka..Nadine? Naalala ko na binanggit din ni Josh ang pangalan na yan kagabi. Sinong Nadine at bakit kilala din siya ni Josh? Naginit naman ang puso ko at para bang gusto na nitong sumabog. Weird. i hate this weird feeling.
"Ian. Anong oras na. Baka hinahanap ka na ng Mama mo. Kaylangan ko pa pumasok sa trabaho" Niyugyog ko pa at sa wakas! Tulog padin siya. Hindee biro lang. Nagising na siya.
Kinukusot niya ang mata niya habang dahan dahan na umupo. Gulo gulo ang buhok niya pati na din ang suot niyang damit. Amoy na amoy din ang alak sakiya. Mapupungay pa ang mata niya. Halatang inaantok pa siya ah? Sa itsura niya ngayon para siyang nakipag....nakipag....*toot* Sa ibang babae o kaya narape.
"AHH! Shit!!" daing niya at napahawak sa ulo niya. Atake ng hang over. Umiling nalang ako at tumakbo papuntang kusina para kuhaan siya ng malamig na tubig.
Pagbalik ko ay may dala na kong malamig na tubig. Nakaupo padin siya sa sahig at nakahawak lang sa ulo niya. Inabot ko sakaniya ang tubig at dali dali niya naman itong tinanggap.
"Bakit ka naman kasi nag lasing? Binasag mo pa yung baso" Sabi ko pa sakaniya habang umiinom siya ng tubig. Sa totoo lang gwapo pa din siya kahit mukang na rape. Pwede ba yon? Panget pero gwapo?
"Pakielam mo ba??" Yun lang ang sagot niya akin at pagewang gewang na pumasok sa kwarto niya.
Para bang ang sakit lang pag nagsasalita siya ng ganon. Sino ba naman hindi masasaktan sa ganon diba? Huminga nalang ako ng malalim at nilinis ang mga bubog na naka kalat. Ano bang iniisip nitong si halimaw bakit naman siya naglasing. Dinadampot ko lang ang mga bubog nang.....
BINABASA MO ANG
The Girlfriend Contract. [COMPLETE]
Teen Fiction[A/N: *SPG* This story contains Bed scenes and uncensored words, only FOLLOWERS can read ng BS chapters. Read at your own risk.] Ang babaeng tulad ni Serah Devone Javier, Ay ang tipo ng babae na walang oras para sa love. Ulila na siya sa magulang n...