💚Ang Simula💚

12.2K 283 123
                                    

Faith Pove,

Nanlulumong napaupo si Faith sa upuang kawayan dahil sa masamang balitang sinabi ng kanyang Kuya Max. Nakakulong raw ang kanilang Ama dahil napagbintangan itong gumalaw ng malaking pera sa pabrikang pinagtatrabahuhan nito bilang Assistant Manager.

Isa-isang nag-unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha dahil hindi niya lubos mapaniwalaan na ang kanyang butihing Ama ay makakayang gumalaw ng pera ng iba dahil masyadong mataas ang prinsipyo nito, wala rin itong bisyo maliban sa paminsan-minsang paginom na kadalasan ay isang bote lang naman ng Gin ang nauubos at nalalasing na ito.

Idagdag pa sa dahilan kung bakit hindi siya makapaniwalang ginalaw nito ang pera ay dahil wala namang nabago sa paraan ng pamumuhay nila dahil kadalasan ay kinakapos pa nga sila sa panggastos sa bahay at kinakailangan pang mag-abot kung minsan ng kanyang Kuya Max na nagtatrabaho sa Construction bilang Foreman.

At siya, Kung hindi lang dahil sa pagtatrabaho niya bilang Waitress sa isang Restaurant ay hindi pa siya makakapagpatuloy sa pag-aaral at ngayon nga ay nasa fourth year first sem na siya sa kursong secretarial.

Faith ok ka Lang ba?� ang nag-aalalang tanong sa kanya ni Janina na malapit niyang kaibigan at isa ring waitress sa restaurant na pinagtatrabahuhan.

Ang Tatay ko nakakulong daw� ang umiiyak niyang sabi dito na napaupo rin sa kanyang tabi.

bakit daw?� ang nagaalala nitong tanong sa kanya.

Naka dispalko raw ng pera sa pabrikang pinagtatrabahuhan niya� ang pabulong niyang sabi dito habang dahan-dahang pinupunasan ang mga luha dahil nakita niyang may pumasok na costumer.

Ano? Ang hirap naman atang paniwalaan niyan dahil mabait at maprinsipyo ang tatay mo� ang bulong din nito sa kanya dahil matagal na silang magkapit-bahay kaya kilalang-kilala nito ang kanyang Pamilya.

Hindi nga rin ako makapaniwala dahil imposible talagang magawa ng tatay ko yun nakita mo naman halos wala namang pagbabago ang buhay namin diba� ang sabi niya dito na pilit pinipigilan ang pagpatak ng mga luha dahil nakatingin na sa kanila ang costumer na nakaupo sa katabi nilang lamesa.

Iknow tahan Na maaayos din ang lahat ng ito, Ang mabuti pa mag under time ka na lang muna para makauwi ka nang maaga at makita mo ang tatay mo� ang suhestiyon nito sa kanya at inakay na siyang tumayo para pumunta sa stuff room.

Magbihis ka na ipagpapaalam na lang kita kay Jerry� ang sabi nito, si Jerry ang kanilang supervisor na kasintahan nito.

Baka hindi iyon pumayag� ang nagaalinlangan niyang sabi dito dahil kahit mabait si Jerry pagdating naman sa trabaho ay Istrikto ito.

Akong bahala sayo isa pa emergency naman ito kaya siguradong pagbibigyan ka noon� ang paninigurado pa nito sa kanya bago siya nito iniwan.

Makalipas ang ilang Segundo ay nagpasya na siyang magbihis para umalis kahit payagan siya o hindi ng kanilang supervisor ay aalis siya dahil hindi na talaga niya kaya ang nararamdamang takot at kaba para sa kanyang Ama.

mabuti naman at nakabihis ka Na Faith dahil pumayag na si Jerry na umalis ka basta daw pumasok ko na lang ng maaga bukas� ang sabi ni Janina ng makapasok ito at makita siyang nakapagpalit na ng damit.

Salamat Janina, Kung wala ka baka Hindi ko alam kung ano ang gagawin� ang sabi niya dito at bahagya pa itong niyakap bilang pasasalamat dito.

Sus ito naman napakadrama ano pa at naging kaibigan mo ako Kung ganitong maliit Lang Na bagay ay hindi pa kita matulungan� ang sabi nito sa kanya na may bahagyang ngiti sa mga labi.

Salamat talaga� ang sabi niya dito at kinuha na ang kanyang bag para umalis.

Magiingat ka balitaan mo Na Lang ako Kung ano na ang nangyari ok?� ang sabi pa nito nang patalikod na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BINILING PAGIBIG (True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon