Marahan kong pinindot ang power button ng cellphone ko para tignan ang oras.
5:40 pm
Medyo mahaba-haba pa ang hinhintayin ko bago pumasok sa 6:15 pm kong klase sa Accounting 101.
I plugged my earphones and clicked play on the screen. The loud and lode music of Fall Out Boy started blaring and for some reason it calms my nerves.
Kasalukuyan akong naka-upo sa isang bench malapit sa grand stand. Mula dito ay makikita mo ang buong football field na may iilang mga players na nag-eensayo. Kahit ilang ektarya man ang lawak ng pamantasan namin ay ito talaga ang paborito kong tambayan.
Napapikit ako nang naramdaman ko ang preskong ihip ng hangin. The sun was setting and it made the sky turned to a majestic combination of orange, pink, and violet.
Kita ko rin ang iilang mga mag-aaral na naglalakad sa footwalk malapit sa field. May ilang grupo ng estudyante na ma-ingay na naglalakad at nagtatawanan, may ilan din namang kinikilig tuwing makikita ang mga football varsity players na nagsi-stretching sa grand stand.
Isa-isa kong pinag-aralan at inobserbahan ang mga mukha ng mga taong nagdaraan. I like observing people and their behaviors but I don't really like mingling with them. Kumbaga medyo may pagka-loner din ako.
Aminado ako d'on at para sa'kin kunportable lang akong mag-isa. Wala din akong masyadong pake sa mga nangyayari sa paligid ko.
Sa dulo ng field ay may mga nagkukumpulang mga tao sa isang headquarters ng isang political party ng mga student leaders. Hindi ko rin kilala kung sino-sino ang mga kandidato ngayon taon dahil sa tingin ko ay karamihan sa kanila ay pa-peymus at papapel lang kahit wala naman talagang alam paano mamahala ng isang student body.
Ok hindi ko naman nilalahat dahil oo nga't may ibang student leaders din na gusto talaga magserbisyo at masaya sa kanilang ginagawa. Pero harapin natin ang katotohanan. Iilan na lang ang mga ganyan ngayon. Karamihan kasi magkakandidato lang dahil maganda o pogi, o siguro dahil madami siyang friends sa facebook.
Nakakalungkot isipin na mga katulad nila ang kinagigiliwan ng mga estudyante dito. Kaya nga hanggat maari ay ayoko makipaghalubilo sa kanila.
5:45 pm
Ang bagal talaga ng oras. Mabuti na lang talaga at may dala akong earphones dahil baka mamatay na ako sa bagot. Ramdam na ramdam ko talaga bawat linya sa kanta at may panaka-nakang head bang pa akong nalalaman. Pero naudlot ang moment ko nang napansin ko na may umupo sa dulo ng bench ko.
Nilingon ko siya at napatingin din siya sa'kin. Ngumiti siya kaya naman litaw na litaw ang magkabilaan niyang dimples at ang pantay at mapuputi niyang ngipin.
Nagpapa-cute ba 'to?
"You don't mind me sitting here right?" magiliw na tanong niya.
Nilingon ko ang ibang bench at marami namang bakante. Bakit ba dito talaga siya naupo?
Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako.
Tinignan ko siyang mabuti dahil parang pamilyar ang mukha niya. Hindi ko lang matukoy kung saan ko siya nakita.
Medyo may pagka-mestizo ang kutis niya at base sa mahabang biyas niya eh nahalata kong matangkad ang lahi niya. Malapad din ang balikat at maganda ang hubog ng katawan.
He was mascular but not too bulky. Parang sakto lang talaga sa katawan niya.Nilingon niya ulit ako at mabilis kong iniwas ang tingin ko. Baka kung ano pa isipin niya.
Sinilip niya ang screen ng cellphone ko at medyo nainis na ako. Pinaka-ayoko kasi sa lahat ang eavesdropper.