One Shot

36.9K 1.4K 487
                                    


Athena's POV

Malakas ang hiyawan ng mga taong nanonood ng practice game namin ng volleyball club. Ganito palagi ang nangyayari kahit na nagpra-practice kami. Laging hindi nauubusan ng tao para i-cheer kami at syempre, ang masilayan kami.

Hindi naman ipagkakaila sa buong tao na maganda ako. Sobrang ganda ko. Mapababae o lalaki ay kinahuhumalingan ako. Napapalingon kada nakikita ako.

Bakit naman hindi? ang isang katulad kong sobrang ganda, sexy, matalino, talented at sporty pa? almost perfect ika-nga. Iniidolo ng lahat. Wala akong basher dahil nahuhulog sila sakin sa oras na harapin ko sila.

Goddess kung turungin ng mga lalaki at Princess charming kung turungin ng mga babae. 

Ako na talaga.

Nagitlang ako nung hampasin ako ng team captain namin sa pwetan ko. 

"Bukang bibig ka na naman ng mga estudyante dito!" natatawang sabi nya. Nakasimangot ako sa kanya habang hinihimas ang pwetan ko. For sure na maraming lalaking nakatingin doon.

"Anong magagawa ko? maganda ako?" sabi ko. Natawa naman sila sa akin. Hindi sila tumutol dahil kahit sila ay hinahangaan ako.

"May team dinner tayo mamaya. Manlilibre si coach dahil sa pagkapanalo natin kahapon." sabi nya. Natalo kasi namin ang isa sa apat na sikat na paaralan pagdating sa volleyball kaya naiintindihan ko ang saya ng coach namin. Aba, dapat lang na ilibre nya kami dahil sya ang magkakaroon ng bonus, hindi kami. Grades lang ibibigay nila samin.

"Sure. Saan ba?" tanong ko.

"A-Athena, tubig at towel oh." nahihiyang sabi ng isang highschool student. Nginitian ko sya at kinuha ang towel.

"Thank you, sweetheart." nginitian ko sya. Naghiyawan naman ang mga kasama nya. Nginitian ko lang din sila at nagpatuloy sa paglalakad kasama si captain.

"Hanep ka talaga, pati bata." sabi nya habang nakailing.

"Ikaw na nagsabi, bata, kaya hindi ko sya ni-reject." sabi ko at pinunasan ang pawis ko gamit ang towel na binigay ng bata. Mabango, amoy downy. "Susunod na lang pala ako sa team dinner mamaya kaya wag na ninyo ako hintayin. May tatapusin lang akong project sa isa kong subject." dagdag na sabi ko.

Pumasok kami sa locker room namin. Nagbibihis na ang mga kasamahan namin. 

"Hindi ka ba exempted dyan?" tanong ng kamiyembro ko. "Aba, ikaw ang MVP sa last game natin, kung hindi dahil sayo, hindi tayo mananalo kaya dapat hindi ka na pagawan ng ganyan." sabi nya pa. Natawa naman ako.

"Wag ninyo naman ibigay sakin lahat ng credits. Hindi tayo mananalo kung walang team work." nakangiting sabi ko sa kanila. Napatulala naman sila sakin. Siniko ako ni captain ng ikinangisi ko.

"Talandi." bulong nya sakin bago sya naglakad sa locker nya. Napatawa na lang ako ng mahina.

Nagbihis na ako at kinuha ang mga gamit ko. Sa dorm ko na lang ako maliligo dahil occupied na nilang lahat ang shower room. Nagpaalam na ako sa kanila at dali-daling pumunta ng dorm. Mabilis lang ako nakaligo. Dinala ko lang ang mga kakailanganin ko tsaka ako nagpunta sa library. Nginingitian ko ang mga bumabati sakin at minsan pa ay kumakaway sa mga cute na nilalang lalo na sa nerdy kong kaklase na nakasalubong ko. Namula ang buong mukha nya nung ako pa ang bumati sa kanya na may kasamang ngiti at kaway. Natatawa na lang ako sa isip ko nung malagpasan ko sya. Ang cute cute talaga ng nerdy boy na yon.

Pagkarating ko sa library ay tumungo ako sa pinakadulo, sa lugar kung saan hindi napupuntahan ng mga estudyante at kahit mismo ang librarian dahil ang mga librong nandon ay hindi ginagamit, kung baga tambakan. Pero may isang lamesa at apat na upuan doon. Lagi kong nililinis yon dahil madalas ko yon gamitin. Konti lang nakakaalam ng pwestong ito. Kapag sinabi kong konti, dalawang tao lang. Ako at si...

Mischievous President (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon