Chapter 1 - The Bully's Bad Morning

34.5K 540 35
                                    

©2014

~~~She~~~

Binuksan ko ang pinto para bumalik na sa bahay.

Madilim.

Sobrang dilim.

Wala akong makita dahil patay lahat ng ilaw dito sa loob.

"Mom?... Dad?..."

Kinapa ko kung asan yung switch namin pero nadulas ako nang may maapakan akong basa.

Hindi ko naramdaman yung sakit sa tagiliran ko dahil sa pagkakadulas ko pero naramdaman ko lang na basang basa yung buong katawan ko dahil dun sa likidong nasa sahig.

Nagtaka ako kase parang malagkit yon kaya naman napagdesisyunan kong tumayo para muling kapain kung nasaan yung switch ng ilaw.

Pagbukas ko non, nagliwanag ang loob ng bahay pero napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ko dahil sa tumambad sakin.

Nakita ko ang katawan ng dalawang taong napakahalaga sa buhay ko na wala ng buhay at nakahandusay sa sahig.

Napatakip ako ng bibig ko dahil don.

Pero nang makita ko ang mga kamay kong yon ay puno yon ng likidong kulay pula.

Napatingin ako sa sarili ko.

Nangilabot ang buo kong katawan nang makita ko ang damit ko.

Dugo...

Puno ako ng dugo...

Ang buong katawan ko ay basa ng dugo dahil hindi tubig yung nabagsakan kong likido kanina kundi ang dugo na nagmula sa mga katawan nila.

Napaatras ako habang nanginginig ang tuhod ko habang nakatingin ako sa mga kamay ko.

Napatingin ako sa dugong nasa sahig dahil sinusundan ako non.

Natumba na ako dahil sa sobrang pag-atras ko at umabot na sakin ang dugong 'yon hanggang sa binalot na ako non.

Biglang hindi ako makahinga na para bang may nakasakal sakin.

Pilit kong inaalis kung ano man yung sumasakal sakin...

"Ahhhhhhhhhhhh!"

Napabalikwas ako ng gising na tumatagaktak ang mga pawis sa noo ko.

Marahas akong napaupo at napatingin sa paligid ko.

Habol na habol ko ang hininga ko at napahawak ako sa dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko.

Nakalma ko na ang sarili ko nang makitang nasa kwarto ko pa rin ako ngayon.

Napatingin ako sa mga kamay ko na nanginginig pa rin hanggang ngayon. Ramdam ko na pati mga labi ko, nanginginig din.


Napatulala na lang ako sa kawalan dahil sa napanaginipan kong yon.

Ang panaginip na naman na yon...

Pero tama kung tawagin kong bangungot yon.

Napahawak ako sa mukha ko at napapikit ako ng mariin.

Hindi pa rin ako tinitigilan ng bangungot na yon.

Ilang taon na ang lumipas pero minumulto pa rin ako ng pangyayaring yon.

Inalis ko na ang pagkakapikit ng mga mata ko at pati na rin ng mga kamay ko na nakatakip sa mukha ko.

Pero wala akong magagawa sa bagay na yon.

Her Emotionless EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon