Dennise POV
"Wait lang Dennise saan ba tayo pupunta at hila hila mo ko?" tanong nitong mysterious boy nato .
"Sa gym"
"Baket don anong meron sa gym?" --Aly
"Nandon sila Fille kase may practice sila Greg ng basketball tutal papunta na dapat ako dun kanina pero yun nga nabangga mo ko at hinila sa garden kaya ako naman ang hihila sayo ngayon" sabi ko dito at ningitian ko pa sya habang hatak hatak ko sya sa kamay papuntang gym.
"Huh? Eh baket mo naman ako isasama don. eh, wala naman akong ibang kakilala don" --Aly
"baket? Kilala mo naman sila Greg ah?"
" Oo nga. Kilala ko nga pero baket nga kasama pa ako?" Pag mamaktol ni Aly saken.
"Baket ba ang dami mong tanong? Basta sumama ka nalang saken okay?!"
"eh kase oh ang daming nakatingin saten" bulong nito saken at mabilis na inilagay ang hoodie nya sa ulo nya.
"Pabayaan mo sila.. Inggit lang yan sila kase kasama ko si mysterious guy na gwapo" sabi dito at kinindatan ko pa sya .
"Dennise!" saway naman nya saken.
"Ano?" natatawa kong tanong sa kanya . Nakakatawa kase yung mukha nya bahagya kase sya nag iwas ng tingin saken at bahagyang namula.
Maya maya nakarating na kame sa gym at agad naman naming nakita sila Ella na nakaupo sa bench kaya agad kaming lumapit kung saan sila nakaupo.
"Dennise"
"Ano na naman?" baling ko sa kasama ko kanina pa kung ano ano sinasabi nitong kasama ko e.
"Baket kase isinama mo pa ako dito?"
"Dami mong tanong. Basta sumama ka nalang" sabi ko nalang dito at hindi na naman sya nag salita pa ng makalapit na kame kila Ella.
"Guys" bati ko sa mga ito at bahagya pa silang nagulat pero nakipag beso din naman saken.
"Oh? Magkasama kayo?" tanong ni Dzi ng makita nya na nasa tabi ko si aly.
"yup.. Nagkabanggaan kase kami kanina kase itong isang to hinahabol ng mga babae" sabi ko sa kanila at tumabi sa kanila umupo. Pinabi ko naman si aly sa tabi ko habang nakikinig samen mga girls.
"Baket ka naman hinahabol ng mga babae Alex?" tanong ni Fille kay aly. Nagbikit balikat lang naman itong katabi ko at tumingin nalang kila Greg kung saan mga nag wawarm up.
"Girls?" tawag ko sa kanila .
"yes besh?"
"Kilala ko kung sino yung mysterious guy na sinasabi ng mga kaklase naten"
Nakangiti kong sabi dito kaya naman napatingin naman sila saken pwera lang dito sa katabi kong busy sa tinitignan nya kanina pa.
"Sino?" sabay sabay nilang tanong.
"Gwapo mga besh" sabi ko naman sa kanila .
"talaga?" sabay sabay ulit nilang tanong saken. Sus kung makapag tanong saken kala mo mga walang boyfriend.