"Yeah, you do look happy." sabi niya,"I was asking about the first time we met. Mukha kasing ang lungkot lungkot mo noon."
Nawala bigla lahat ng kaba sa loob.
Maybe he doesn't know. Maybe I'm just being paranoid.
Hindi ko dapat inassume dahil hindi naman na halata.
"A-ah...It was mostly about Mike. Sobra kasing nag iba na yung pagkakaibigan namin eh. We became TOO different and I felt sad that it was partly my fault." madali kong sagot.
I looked for a reaction from him, and he just nodded, accepting everything that I just told him.
"Must have been a very special friendship." komento niya nang hindi man lang ako tinitignan.
"Yeah, Michael knew everything about me." dagdag ko naman at nilagay ko na lang yung atensyon ko sa labas.
Umandar na ulit yung kotse ni Nick at hindi na kami nakapagtanong pa sa isa't isa. Pagkadating namin sa apartment building niya, nakapark na sina Rica, kaya mabilis akong bumaba at inakbayan silang dalawa ni Carla.
"Patay kayo sa akin." bulong ko sa kanila, at natawa na lang sila. Hindi na sila natakot kasi alam naman nilang hindi ko sila kayang saktan.
"You love us." sabi ni Rica, with confidence pa talaga. Nakangiti pa talaga yung dalawa!
Binitawan ko na lang sila at nag give up na lang. Hindi talaga ako tatantanan nitong dalawang ito. Kilig na kilig sila pag nangyayari yung gusto nila sa aming dalawa ni Nick eh.
Pagkadating namin sa apartment ni Nick, agad na tumakbo si Rica sa sofa sa living room at binuksan yung T.V. Nakaconnect yung netflix at agad siyang nag play ng isang movie na napanuo ko na dati.
"AH!! I LOVE WATCHING THE 50 FIRST DATES!!" sigaw niya at naging komportable na talaga sa sofa.
"Yeah, you love it so much that you probably watched it more than 51 times." pang iinis ni Nick. Natawa naman sila Carla, habang binalewala lang iyon ni Rica.
"That honestly sounds more like a compliment, Nicky!" sabi niya
Biglang nairita naman si Nick sa pagtawag sa kanya ni Rica ng Nicky.
"Haha, ang cute naman! Nickname mo ba yun sa kanya?" tanung ni Ella at sinundan na din niya si Rica sa pag upo sa living room,
Nakatayo pa rin kami nila Carla sa may entrance, medyo di pa sanay at komportable na nasa bahay kami ni Nick.
"You girls should get comfortable in there too." sabi ni Nick sa amin ni Carla, kaya napatango nalang kaming dalawa.
Akala ko sasamahan na din niya kami, kaya nung papunta siya ng ibang direksyon, naguluhan naman ako.
"I'll go get some snacks." sabi niya sa akin, kaya naman tumango na lang ako at sinundan ko na si Carla.
"Of course! Fave name kaya niya ang Nicky!" sabi ni Rica. "He's such a cute little kid, acting all mature! Nicky will always be a baby boy to me!" Nilakasan pa talag niya yung mga sinabi niya para talaga marinig ni Nick.
"Rica! I'm serious!" sigaw ni Nick mula sa kitchen.
"Love you too, Nicky!" patuloy na pang aasar ni Rica.
Kinain namin yung pagkain na dinala ni Nick at inatupag namin yung mga sarili naming school work. Mas nadalian kasi kami na mag aral ng magkakasama, para kung may tanong kami, puwedeng itanong sa lahat.
Nagbabasa ako sa kitchen, habang lahat sila ay may sari sariling puwesto sa living room. Kailangan ko kasing mag focus, kaya mas maayos na kung walang malapit na distractions.
BINABASA MO ANG
The Passenger Seat
RomantizmDoes time define how strong a friendship is? Mula noong gumraduate si Mia sa high school ay lagi na lang niyang kasama si Michael sa buhay niya. Sa loob ng isang magulong bahay, si Michael ang kasama niya para makalayo sa mga problema niya. Pero, ha...