Jung So POV
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Ang babaeng hindi ko kilala ay nandito ngayon sa tabi ko ka siping ko at kayakap ako, Parang kusang gumalaw ang katawan ko dahil sa pananabik sa kanya.
Pakiramdam ko matagal ko na siyang gustong makasama.
Mahimbing na siyang natutulog. Hinalikan ko siya sa noo. Medyo nawala na din ang lagnat niya dahil hindi na siya mainit.
Mayamaya ay dinalaw na ako ng antok.
--------------
Chichi POV
Pag mulat pa lang ng mata ko ay nakita ko na ang mukha ni Jungso.
Natutulog pa siya, rinig ko ang paghilik niya. Ngumiti ako at ilang segundo ko siyang tinignan, masaya ako na kasama ko siya ngayon kahit hindi niya pa ako maalala.
Napatingin ako sa relo na nasa taas ng pinto. 4am pa lang. Bumangon ako para bumaba at uminum ng tubig.
Habang humahakbang paakyat sa hagdan ay bigla kong naalala na medical mission pala ng foundation ko ngayong araw.
Hindi ako pwedeng ma-late lalo pa na ako ang hinihintay ng mga bata.
Nagmadali akong umakyat. Dahan dahan kong kinuha ang mga gamit ko. Hindi na rin ako nakapag palit dahil basa pa ang gown ko.
Pagbaba ko ay saktong dumaan ang katulong. Tinignan niya lang ako.
"Aalis na ako, pasabi na lang kay jungso na nagmamadali ako..at salamat" sabi ko at mabilis na lumabas.
Habang naglalakad papuntang gate ay nakita ko na ang sasakyan ko.
Bilib din ako kay Jungso dahil pag sinabi niya ay ginagawa talaga ng mga tauhan niya.
"Manong guard pasabi po kay jungso na salamat sa pagpapatuloy niya sa akin" .
"Sige mam" binuksan ng guard ang gate.
BINABASA MO ANG
The PLAYBOY: Series of Loving the Heartthrob
FanficSi Jung so ay isa sa mga sikat na actor sa Korea, napaka-gentleman pero babaero. Tagapagmana din siya ng isang malaking kompanya. Ngunit mas ginusto niya ang kasikatan kesa magpatakbo ng kompanya. Naging matalik niyang kaibigan si Park. Laking gula...