DA 1

14 0 0
                                    

DISARRAYED AFFECTION © 2014

written by: Dale_xy

Any resemblance of names, places and events in this story is purely coincidental and is used by the writer in a fictitious manner only.

Do not redistribute without the author's content. Plagiarism is a crime.

ALL RIGHTS RESERVED.

--

"Hi, mga babes!" Pagkarinig ko ng salitang 'babes' ay alam ko na agad kung sino ito. Nandyan na si Jay. Steve Jayne Daner ang babes ng Engineering department, mistisong chinito. Halos lahat ata nilandi na nung lalaki na yun eh, pati ata bakla napatulan na nya.

"Uy tignan mo si Jay, Emielle oh! Ang pogi talaga." Kinikilig na sabi ni Kath, classmate ko sa lahat ng subjects ko.

"Ano ba Katherine, ang ingay mo. Marinig ka nyan baka ikaw pa ang pagdiskitahan. Alam mo naman yan may pagkamayabang." Suway ko kay Kath at pinagpatuloy lang ang isinusulat ko.

"Haynaku, hayaan mo na lang ako. Ang gwapo kasi talaga nya." Pagtingin ko sa kanya ay nakatulala na sya kay Jay na akala mo tutulo na ang laway, kaya naman napatingin din ako kay Jay. Oo, inaamin ko gwapo sya pero ang yabang. Nahiya na ang concrete na pader ng room sa kakapalan ng mukha nya. Nung lumingon din samin si Jay ay ngumiti sya. Iniwas ko na lang ang tingin ko kunwari'y hindi ko nakita.

"My gosh! Nginitian nya ako Emielle. Pwede na akong magpakasal." Ang mga ngiti ni Kath abot tenga. Akala mo naman nanalo sa lotto.

"Bumalik ka na nga sa upuan mo. Baka mawarak pa yang upuan ng katabi ko sa kakayugyog mo dyan. Pwede na kitang sakalin ngayon din kung gugustuhin mo." Binigyan ko sya ng matalim na tingin.

"Sabi ko nga eto na, babalik na eh! Ang aga-aga pa naman, wala pa kaya si sir." padabog nyang sabi.

Nilinga-linga ko ang paningin ko sa loob ng room at sa may pintuan. Sinuot ko ang salamin ko para masiguro kong makikita ko sya kung nandito na sya. Ang tagal naman nya. Bakit kaya wala pa sya?

Bigla namang may lumapit na mukha sa mukha ko, kaya napaurong at napapikit ako. Nung iminulat ko ang mata ko, nakakita ako ng mukha ng isang mayabang.

"Hi! Good morning." Nakangiti nyang bati.

"Pwede ba! Ilayo mo yang mukha mo sa mukha ko." Sinamaan ko sya ng tingin pero para syang walang narinig at ngumisi lang ng pagkalaki-laki. Sinulyapan ko ang kinaroroonan ng bruhang si Kath at ngiting-ngiti si landi habang nakatingin sa amin.

"Ayoko nga. Ilayo mo yang sayo kung gusto mo." Iniinis talaga ako ng lalaki na to. Tinanggal ko muna yung salamin ko at ibinalik sa lagayan. Sisipain ko sana sya sa tuhod kaso nakaurong agad. "Ang sungit talaga. Kala mo naman maganda." Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy na lang sa pag-aantay ng papasok sa may back at front door. Kaya ang kinalabasan, nahilo ako.

Itinigil ko na muna ang pag-iintay. Yumuko ako at pumikit na muna. Bakit ba kasi ang aga ko pumasok wala pa naman pala siya, inaantok tuloy ako. Maya maya'y may kumukublit sa tagiliran ko. Napaiktad na lang ako bigla, inayos ko muna yung buhok at mukha ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanan ko and to my dismay si Jay ang nangangalabit at nakaupo sa tabi ko.

Tinignan ko ang upuan at ang mukha nang paulit-ulit. "Anong karapatan mong kalabitin ako?"

Tinignan nya nang painosente yung daliri nyang pinangkalabit at ipibakita pa sakin. "Eto?"

"Tanga lang?" Iirapan ko sana sya kaso hindi ako marunong. Baka mamaya nagmukha pa akong kinukumbulsyon. Asarin pa niya ko.

"Ewan ko ba. May sarili atang buhay. Gustong dumikit sayo eh." Hinarap nya yung daliri nya at parang kinausap. Ewan. Baliw na ata tong lalaking to. "Sabi nya gusto nya daw hawakan yung kamay mo eh." Iniabot nya yung kamay nya sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Disarrayed AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon