1

53 0 0
                                    

Ako si Sandy isang college student sa isang unibersidad sa cebu. Galing sa simpleng pamilya at may simpleng pamumuhay. Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid. May kaibigan ako na matalik ang pangalan niya ay Helen at may boyfriend ako na ang pangalan Francis. Ako ay isang normal na estudyante lang...

Chapter 1

Sandy...

Text message to Helen: mare nandyan na ang teacher! Naku! Question mark dapat to. Ah ok lang maiintindihan rin niya yun.

Pumunta na si sandy sa paaralan at nagkita sila ni Helen.

Hoy! Ano ka ba? Alam mo ba ang ginawa mo? Sabi ni Helen

Bakit? Ano yun? Tanong ko

Nagtext ka lang naman na nandiyan na si maam. Yun tuloy nagmamadali akong pumunta rito at hindi na ako nakapagsuklay. Ano ka ba naman? Yun pala wala ka pa at ang aga aga pa. Reklamo ni Helen. Malapit lang kasi ang bahay nila sa paaralan.

Ah yun ba? Hehe kasi question mark dapat yun. Tinatanong sana kita kung nandiyan na si maam. Akala ko naman naintindihan mo eh hehe sorry. Natatawa kong sagot.

Sorry ka diyan! Halika na nga! Si Helen

At pumasok na kami sa una naming klase.

Cassie nagawa mo ba ang assignment mo? Pakopya naman oh. Si April classmate namin sa lahat ng subjects kaibigan ko rin.

Oo pero ewan ko kung tama yan. Ito oh bilisan mo at baka dumating na si maam. Binigay ko sa kanya yung assignment ko.

Cassie ako rin! Si Eduard classmate ko din.

Hay naku! Ang kapal ng mukha mo Eduard. Hindi tayo close no. At matuto kang gumawa ng assignment mo. Reklamo ko.

Ang damot mo naman. Hindi ka naman maganda. Sabi ni Eduard.

Bakit? Sinabi ko bang maganda ako? Mukha mo! galit kong sabi.

Siya nga pala Cassandra Madrid ang tunay kong pangalan Sandy ang tawag sakin ng pamilya ko at Cassie naman ang tawag ng mga kaklase ko o yung di ko masyadong close.

Helen...

Hay naku mare wag mo nalang pansinin yan. Akala niya siguro gwapo siya. Sambat ko sa usapan nilang dalawa.

Ako nga pala si Helen Delos Santos. Matalik na kaibigan ni Sandy. Mare ang tawagan namin dahil mag kumare kami sa pamangkin ko, anak ng ate ko. Kami lang dalawa ang ninang. Simula pa nung mga bata pa kami ay magkaibigan na kami ni Sandy. Schoolmate kasi kami simula nung kindergarten. Mas matanda siya sakin pero naging mag kaklase kami nung college na ako dahil huminto siya ng isang taon. Ewan ko ba siguro hinintay niya ako haha. Magkasundo kami sa lahat ng bagay as in sa lahat. At sandigan namin ang isa’t isa.

If i know may gusto sakin yan. Haha! Sorry nalang taken na ako. Sagot ni Sandy

Ang kapal naman ng apog mo! kawawa naman yung pumatol sayo! sagot naman ni Eduard.

Hep hep! Baka saan na humantong yan. Tumigil na nga kayo. Para kayong bata. Inawat ko sila.

Anyway mare nakita mo naba yung bagong commercial ni Bryan? Oh my God ang gwapo niya! Excited na sabi ni Sandy.

Ha? Eh hindi pa eh. Sagot ko.

Hayun na naman siya nagkukwento na naman tungkol sa idol niyang artista na si Bryan Chua. Isang Fil-Chinese. Galing sa pamilya ng mga negosyante. Taga Cebu rin pero dun na naninirahan sa Maynila dun din naman ito nag college at kasi nga artista.

my destinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon