Kailangan naming bumuo ng sayaw by group para sa isa naming activity sa physical education kaya may practice kami ngayon sa gym. At dahil mabuti ang tadhana kagroup ko ang aking crush.
Hindi ako naka-attend sa pinakaunang praktis. Kaya naman hindi ako nakapagprotesta na hindi si cruch ang partner ko. Huhuhu. Si Jeric partner ko. Pero okay lang naman sakin dahil bukod sa baka maihi ako ng live sa tapat ni crush, mabait naman si Jeric at palabiro.
Inggit na inggit ako sa patner ni crush. Matangkad si crush tas ako matangkad din naman MAS matangkad nga lang yung partner ni crush. Kaya nasa dulo sila while im in the middle part. Hirap nila tingnan. Hays.
Dahil nga wala ako nung unang praktis medyo nahirapan ako sumabay. Pero nakaalalay naman sakin si Jeric kaya medyo nakakahabol ako.
"Ako bahala sayo. Perfect score tayo dito." nakangiti niyang biro sa akin. Kaya naman nagtawanan nga group members ko.
"Hahahaha okay." natatawa kong sagot.
Tinuturo nung leader namin ang mga bagong step. Kaya sobrang nakikinig ako. Dahil ayoko naman ng mahuli at magpahirap pa sa pagtuturo nila.
Hawak ni Jeric ang kamay ko dahil yun ang huling step. Habang hawak niya kamay ko ay nakikinig kami at inaaral ang bagong steps.
"Bitaw muna at nagseselos na ako." sabi ni CRUSH na pinaghiwalay pa talaga ang kamay namin. Medyo mahina ang pagkakasabi niya pero narinig ko. Narinig ko yun!!! Kinantsyawan siya ng mga tao sa likod.
Kinikilig lahat ng buto ko pero nagkunwari akong hindi ko narinig yun at nagkunwaring patuloy kong inaaral ang steps.
Tapos nagtuloy tuloy na praktis namin. Nakakapagod pero dahil pinakilig ako ni crush okay lang.
Halos nakahilera na kami lahat sa unahan para kita namin leader namin dahil bago nanamang steps ang tinituro niya.
"Ililipat niyo lang paa niyo sa right side. Okay? Na-gets niyo?" tanong niya sa amin pagkaharap niya.
"Medyo." sagot namin.
"Siya i-try natin ng may tugtog."
"Sige." tatango tango pa kaming sumang-ayon.
"Wait lang kukunin ko lang sa bag ko ang speaker."
Umalis yung leader namin. At dahil nga by pair ang sayaw. Si Jeric nanaman katabi ko at malayo sakin si crush. Pero nagulat na lang ako nung lumapit siya samin. Inakbayan niya yung partner ko at inisod siya palayo sakin at siya ang pumalit sa tayo nito. Medyo tumatama ang balat niya sakin at kinikilig ako. Anueva crush!
Sobrang kilig pero di pwede magpahalata syempre. Mahinhin dapat tayo.
Nagpatuloy na ulit ang praktis. Medyo mas maayos na ang formation namin dahil nakikita ko na si crush. Medyo nakabilog kasi kami at nakikita namin ang isat-isa. Kitang kita ko din ang mga tingin niya. Oo nakatingin siya sa amin ng partner ko, sakin specifically.
Bawat ikot namin, nakatingin siya. Bawat pagkapit ng kamay namin nakatingin siya. Bawat step na gagawin namin nakatingin siya. Hindi naman masama yung tingin niya pero kasi Gagi, nagseselos ka ba crush? Pwede naman magpapalit. Edi dahil assuming ako kilig na kilig lahat ng cells sa katawan ko.
Tapos merong part sa sayaw na magkakapit ang kamay namin ng mga mag partner tapos medyo bibilog kami.
"Wait. Kukuha lang akong tubig. Tuloy lang kayo." sabi ng leader namin na halatang pagod na dahil kanina pa siyang umiimik at nagtuturo.
Umalis na yung leader pero hindi naman nagsituloy sa praktis mga members ko. Pero dahil nga malandi ang crush ko lumapit siya samin ni Jeric at sumali sa bilog na ginawa namin.
Okay so kapit kapit niya ang kamay ko. Enebeeee. Kyaaaah. Kakakilig. Crush you need to stop.
Hindi ako makataas ng tingin dahil sa kilig at hiya kaya hindi ko alam kong saan siya nakatingin. Tinititigan niya ba ako? Nakikita niya ba ang pamumula at pagkakilig ko? Jusq auq na.
"Sabi ko ituloy ang praktis e." sabi ng leader nain pagkabalik niya. Bago siya bumitaw samin kita kong nakatingin siya kay Jeric.
Hindi ko alam kung anong tingin ang binibigay niya kay Jeric. Naghahamon ba siya ng suntukan? Nag-aangasan na ba silang dalawa? Wag naman sana silang mag-away kasi para kay crush lang naman talaga ako. Hihihi.
"Sige. Bukas na lang ulit." sabi ni Anacelle na leader namin.
Alas kwatro na din ng hapon kaya naghiwa-hiwalay na kami. Dahil nga babae ako at maarte, dumaan pa ako sa banyo para mag pa-fresh. Pero dahil pagong ako pagbalik ko sa gym wala na dun mga kagroup ko maliban sa leader namin.
"Oh bat andito ka pa?" tanong niya sakin.
"Kukuha lang ng bag. Asan sila?" balik kong tanong sa kanya.
"Ah. Umuna na. Mga magmemeryenda pa daw dyan sa kwek-kwekan sa tapat." nagingiting sabi nito sakin.
"Ah. Ikaw di ka pa uuwi?" tanong ko dito.
"May aantayin lang ako." sagot niya.
"Ah. Sige uuna na ako." paalam ko dito bago ako kumaway.
Bigo akong lumabas sa gym dahil ang akala ko ay makakasabay ko pag-uwi si crush. Peste siya inuna pa niya pagkain ng kwek kwek kesa sakin. Hmp!
Dahan dahan akong lumakad palabas ng school at laking tuwa ko ng makita ko si crush na nasa labas pa at masayang ngumunguya ng tinuhog niyang kwek-kwek. Yieeeee. Meant to be talaga tayo crush. Hihihi
Pasimple akong lumapit sa kwek-kwekan.
"Uy . Tara dito. Kain ka din." yaya sakin ni Jeric na andun din at kumakain. Andun din yung partner ni crush at isa pang babae na kaibigan ata nung partner ni crush.
At dahil gusto nating makascore. Lumapit ako sa kanila at naki-kain.
Tawanan dito, kain doon. Mahigit kalahating oras din siguro kaming kumakain at nagkukwentuhan doon. Nang magpaalam na ang dalawang babae kaya napagdesisyunan naming umuwi na lang din kami lahat.
Napasimangot naman ako sa isip ko dahil magkahiwalay ang dadaanan at magkaiba ang jeep na sasakyan namin ni crush. Hays bukas na lang ulit ang pagharot.
"Sige. Ingat ka ha?" sabi ni crush
"Kayo din." pabebeng sagot ko naman dito.
"Bukas na lang partner!" nakangiti at kumakaway pang paalam ni Jeric. Gwapo din to si Jeric e. Always smiling hihi. Pero loyal ako kay crush kaya, it's a no. Hahaha.
Tumalikod na ako at pumunta sa sakayan. Hindi muna ako lumingon sa dadaanan nina Jeric at crush pauwi. Inantay ko muna na makalayo sila, para hindi halata ang pagsulyap ko hihihi.
Nung pakiramdam ko ay medyo malayo layo na sila, nilingon ko sila.
At nakita kong nagtatawanan silang dalawa habang naka-pulupot ang kamay ni Jeric sa bewang ni Crush. 😨
***
A/n: Okay kakilig 😂P.s. SOBRANG THANKYOU kay neerza na nagbigay ng name 😂 at gumawa ng Cover kahit sobrang ligalig ko. Labyu beee. Lamona 😘💞
BINABASA MO ANG
Partners || ONE SHOT
Teen Fiction"Ikaw sana gusto kong partner sa sayaw." -Ako *** "Bitaw na at nagseselos na ako." -Crush