TGC#23

29.8K 502 6
                                    

#23

____________________

Ang gulo.

Gaya ng sabi nitong si halimaw magaalmusal nga kami kasama nanaman ang magulang niya. Yung papa niya, si tito Kevin medyo ok pa ko kasi minana ni Celine ang mabait niyang ugali pero ang mama niya? Nako..Sakaniya ako natatakot.

"Lets go." Aniya at lumabas na kami para pumunta na sa restaurant.

Malayo palang ay nakikita ko na ang mama niya. Maiksi ang buhok nito at sadyang napaka ganda. Kaya lang terror talaga. Nakita ko din ang papa niya na umiinom ng kape. Sa malayo muka silang kamag anak ng presidente dahil sa elegante nilang pag kilos at sa mga simple pero mamahalin nilang kasuotan.

"Goodmorning Ma, Goodmorning Pa." Bati ni halimaw sa mga magulang. Ako naman ay tumango at ngumiti lang sakanila habang tinitignan nila ako.

Eto nanaman tayo.Kinakabahan nanaman ako! Hindi ako makapaniwala na sumasama ako sa pamilyang to. Napaka layo ng estado ng buhay ko sa buhay nila pero heto ako at kasama nila sa hapag kainan.

"So how's your night? Nakatulog ba kayo ng maayos?" Tanong ng mama ni halimaw samin.

"Ok naman po Ma. Kayo po hows your night?" Tanong naman ni halimaw. Parang hindi sila mag ina kung magusap. Parang boss ni halimaw ang mama niya sa kumpanya at ganun ang turingan nila sa isat isa.

"Ok naman. I'm very impressed sa ginawa mong changes dito sa hotel Ian. You really did a great job" Pagpupuri niya naman. Tahimik lang ako na kumakain at ganun din si Celine na mukang matamlay at naiinip.

"Thanks Ma. Actually tinulungan din ako ni Serah sa pag aayos dito sa hotel. Siya din ang namili ng disenyo ng Presidential suits. Shes my inspiration kaya ganado ako gawin ang trabaho ko. Right Babe?" Bumaling pa siya sakin. Shizz! Nakatingin sakin ang mama at papa niya.

"Uh..Yes..Right babe" Ngumiti naman ang mama niya at papa niya sakin si Celine naman wala padin matamlay pa din siya. Ito namang si halimaw ngiting demonyo nanaman.

"So Serah. Saan ka mag aaral? Balita ko kay Ian na kakagraduate mo lang ng highschool." Tanong naman sakin ng mama niya. Calm down Serah. Mas papalpak ka pag kabado ka.

"Sa UST po ma'am." Sagot ko sakaniya. Buti nalang at hindi ako nautal nang sabihin ko iyon. Baka mahalata ako.

"Call me tita. And wow! Parehas pala kayo nitong si Celine. Anonh course ang kinuha mo?" Tumingin naman sakin si Celine at ngumiti. Ganun nalang din ang ginanti ko sakaniya.

"Business ad po..tita." Nagaalinlangan pa kong tawagin siyang tita. Gosh! sorry lord sa mga pagpapanggap na ito!

"Wow. Youre into business too? Business ad din ang kinuha ni Ian. Sayang lang at nauna siya ng two years sayo edi sana magkaklase kayo" Ngumiti nalang ako at tinignan si halimaw na umiinom ng kape.

"Ano nga pala ang pangalan ng magulang mo?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Ano bang isasagot ko dito? Teka si halimaw! Tama pag tungkol sa magulang ko siya daw ang sasagot kaya tama siya na nga ang sumagot.

"Patay na po sila Ma. Serah is living with her grandmother na nasa Australia pero bumalik si Serah dito because of me and shes living with me" Napanganga naman ako sa dire diretsong pag sagot ni halimaw. Ganun din ang ekspresyon ng mama niya at ni Celine. Ang papa niya naman ay parang natuwa sa sinabi niya.


Bakit niya iyon sinabi?? Girlfriend niya lang ako sa kontrata hindi asawa! At hindi normal na binabahay ang girlfriend! Halatang hindi pa nagkakagirlfriend ng tunay tong halimaw na to! I have to do something. Hindi pwede na doon ako titira sakaniya ayoko!

"Um. Sakaniya lang po ako nagiistay kasi naghahanap pa po ako ng matutuluyan. Pansamantala lang naman po ang pag stay ko sa bahay niya" Ngumiti ako at tinignan ko si halimaw at tinignan niya lang ako ng matalas niyang tingin. Wala ka nang takas ngayon halimaw ka. Hindi ako titira sa bahay mo.

"Well that's ok. Akala ko eh binahay ka na nitong anak ko actually hindi pwede sakin iyon." Sasabat pa sana si halimaw pero inunahan ko na siya.

"Sakin din naman po ayoko muna ng ganon. Syempre girlfriend pa lang niya ako hindi pa asawa kaya hindi pa kami pwede mag live in. Lalo na at mga bata pa kami" Ngumiti ang mama niya sakin na mukang natutuwa sa sagot ko. Si halimaw naman ay sinipa ako. Hindi ko nalang ininda.

"I like the way you think Serah. Very mature" Nginitian ko lang ang mama niya. Salamat naman at kahit papaano ay nagugustuhan ako ng mama niya. Akala ko ipapatapon nalang ako nito ehh.

"So saan mo balak mag stay? Why dont you get a condo unit instead? Or gusto mo talaga ng bahay" Tanong naman ng papa niya sakin. Nako pano to. Anong isasagot ko..

"Condo nalang Pa. Para mas safe kahit mag isa lang siya." Seryosong sagot ni halimaw. Pano na kaya yung bahay namin kung sa condo ako titira?

"Kuya sa Condo nalang kaya ni Josh? Friends naman kami nila Josh eh para naman may kakilala siya" Sa wakas ay nagsalita na din si Celine. Mukang naniniwala na talaga siya na kami nga ng kuya niya. Naalala ko nanaman si Josh kamusta na kaya siya.

"No. Ayoko don. Sa Dela Vega towers nalang siya para malapit sa bahay ko at sa office" Tumango naman ang mama at papa niya kaya hindi na nakapag salita si Celine.

Pagtapos ng konti pang kwentuhan naisipan na namin bumalik sa kwarto para naman makapag ayos na ko at mag mamall daw kami nila Celine at ang mama niya. Si halimaw naman ay aalis papuntang Cavite.

"What the hell Serah!" Sigaw niya sakin pagkapasok namin sa suit.

"Ano bang sinisigaw mo jan?" Pagsusungit ko. Hindi naman pwede na hindi din ako magsungit lalo na pag nagsusungit siya ng ganyan.

"Ang linaw linaw ng sinabi ko kanina kay Mama kumontra ka pa! Ano bang mahirap sa pagsunod nalang sa kung anong sabihin ko?!" Bulaslas niya pa. Umupo nalang ako sa sofa at pinaekis ang braso ko sa dibdib ko.

"Ayoko nga kasi tumira sa bahay mo! pano ang mga gamit namin ni lola kung sainyo ako titira? at saan nalang ako pupulutin pag tapos ng kontratang to? Diba pag tapos nito magkakalimutan din naman tayo? So kung aalis ako sa bahay namin saan ako pupunta pagtapos nito? Sige nga Ian! Saan?! Sa kangkungan??" Hindi ko na natiis ang sarili ko at nakapag salita na ko.

Ayoko naman na pagtapos niya ko gamitin bilang pekeng girlfriend niya eh itapon niya nalang ako basta basta. Dadating ang point na maghihiwalay kami ng landas pagtapos ng kontratang to. Hindi pwede mawalan kami ng bahay. Hindi nga ito kasama sa kontrata eh.

Tumahimik nalang ako at ganun din siya. Naririnig ko ang mga malulutong na mura niya kahit bulong lang ang mga iyon. May punto naman ako di ba? Kaya magisip muna kasi bago sabak ng sabak! Nakita ko siyang pabalik balik ang lakad at may dinial sa phone niya.


"Hello? Trisha. I want you to get me a condo unit at Dela Vega Towers. Ngayon na. I need it now. Ask Mr. Francis if you need anything else"  Iyon lang ang sinabi niya at binaba na ang tawag.

"You happy?" Aniya at may halong pagkairita. Loko to! Sinabi ko bang condo?

"Bakit ka kasi nag sabi na sa condo ako titira? Ang balak ko maganap ng maliit pero maayos na apartment-" Bago pa ko matapos magsalita at sumingit nanaman siya.

"Serah hindi nga pupwede! Dapat kaaya aya ka sa mata ni mama para maniwala siyang girlfriend kita. Sa tingin mo ba pag nalaman niya kung ano ka talaga hindi ka nahuhusgahan? Ayaw kong mahusgahan ka niya kaya ginagawa ko ang lahat! Kaya pwede ba sa susunod makinig at sumunod ka nalang?"

Hindi na ko nakaimik dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Naginit nanaman ang magkabilang pisngi ko at lumilipad nanaman ang mga paru paro sa tiyan ko. Totoo ba iyon? Ayaw niya kong mahusgahan? Ibig sabihin inaalala niya lang ako kaya ganito siya. Pero...Ang gulo niya. Hindi ko na nga alam kung ginagawa niya ba yan dahil nag aalala siya na mahusgahan ako o ginagawa niya lang yan para mag muka din akong marangya tulad ng inaasahan ng mama niya?

ano ba talaga? Naguguluhan na ko.

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon