🐉CHAPTER I SIMULA🐉

8 1 0
                                    

Ang Two Dragons ay Kwento ng Dalawang Dragon na Paghihiwalayin ng Tadhana sa pagka't itinakda sila magpatayan pag labas ng tatlong bulan... At upang iwasan Ito Si Uriti (God Of Fire) ama ni Drago(prince of fire) na syang ama ng Two Dragons! At si Mercedes( White Witch Dragon) ang ina nila Dragono at Dragnof..
Ang Dragonoia ay mayroong limang Kaharian... Una ang Dragonoia-Stona kung Saan namamalagi ang mga Taong Dragon na may hawak ng Kapangyarihan ng Kalikasan, at maalam sa panggagamot... Pangalawa ang Dragonoia-Bulan Kung saan naninirahan mga taong dragon na nangangalaga din sa bulan at Taglay din Nila ang kakayahang Dalhin ka sa Hinaharap o nakaraan at Kaya nila Patigilin ang oras kung gugustuhin nila...
Pangatlo Dragonoia-Naga ang Dragonoia-Naga ay pugad ng mga Taong Dragon na nangangalaga sa Tubig at Maliliksi sila dahil ayaw nila sa tao.. Pero kilala din sila na magaling gumawa ng Lason na Sila lamang makakalunas!
Pang apat ang Sutra-Salamandra
Dito naninirahan ang mga Taong Dragon na angkin ang Galing sa Pag kontrolado sa Apoy at Bulkan kilala din sila Na magagaling makipag laban...
At ang pang lima ang Sutra-Verandra..
Ang lugar ng mga Salamangkero at Salamangkerang dragon... May kakayahan din mga taga sutra-Verandra na Sumumpa ng nilalang ng di nito nalalaman....
Sa Dragonoia Pinaniniwalaan na may Mga Diyos At Diyosa na Naninirahan dito tulad nila... Magwayen(goddess of Death), Libulan(God Of Moon), Bakunawa(Goddess of UNDERWORLD),
Sitan(God of Evil), Dumakulem(God of Mountain and Forest), Haik( God of water),
Makaptan(God Of Sky), Dian Masalanta(goddess of Love),
Apolaki(God of Sun), Amakinable(God Of hunter), at sina Lihangin(son of makaptan), Lidagat(Wife of Lihangin),
Mangaway,(Agent of Sitan), ulilang Kaluluwa(Bathala's Enemy),
Lalahon(Goddess of Fire), Mayari(Goddess of Moon and War, Revolution), Sidapa(God of Death)...
Ayan lamang ang ibang diyos at Diyosang naninirahan sa Dragonoia...

Sa Dragonoia kase Tahimik at matagal nang Walang digmaan ngunit dahil sa Kasamaan ni Sitan at Mangaway At Havioc
Naganap ang Sagupaan ng Mga Dyosa at ibang Dragon dahil sa Paghahanggad nila pamunuan ang buong Dragonoia Nag sanib pwersa sila laban sa Dragonoia... Si Havioc ay Hari Ng Itim na dragon na Naninirahan sa Malayong lugar ng Dragonoia... At Dahil sa paghahangad nilang angkinin ang Dragonoia sila ay nag simula ng Digmaan..Si Havioc ay kilalang Sumasamba kay Sitan na syang Naging Dahilan Kung Bakit Sya ay Tinutulungan Ni Sitan... Bago pa mag simula ang Labanan ng mga Diyos at Diyosa sa Dragonoia, Palaging Nakakabangga ni Drago Si Havioc Dahil Wala ito kasing Lupit at sama! Kaya naman lagi sila naglalaban ni Drago! Kilalang Mortal na magkalaban sina drago at Havioc dahil sa Sentro ng Dragonoia na pinaniniwalaan makapangyarihan at may kakayahang Sakupin ang Dragonoia! Ngunit dahil nasa Pangangalaga ni DRAGO ito Hindi ito Makuha ni Havioc kaya nang humingi sya ng Sapat na kapangyarihan sa Bathala ng Kasamaan ay binigyan sya nito upang makamit ang minimithing Sentro...
Kaya naganap ang Banggaan ng Mga Diyosa at Diyos dahil may mga kumampi at nakielam na diyos at diyosa kay Havioc at Sitan... Tulad nila ulilang kaluluwa, Sidapa, Magwayen.... Dahil Nakielam ang mga Diyos at Diyosa nagkaroon ng Malaking Digmaan sa Dragonoia....

Magwayen(Diwata Ng Sulad): Sumuko na kayo mga Dragon na Walang Kwenta! At Handa ang sulad para sa inyo haha!

Sitan(Bathala Ng Kasamaan): Kung umanib kayo sa amin hindi aabot sa ganito!

Drago: Kailanman ay hindi magtatagumpay ang maiitim ang budhi katulad nyo!

Libulan(Diyos ng Buwan): Sangalan ng bulan(Buwan)! Ginagamit ko lakas na mula sa Bulan Protektahan mo ang Dragonoia Laban sa Tatlong Bathala at kay Havioc na nag Hahangad maangkin ito at ang Sentro!

Havioc: Peste kang Libulan ka! Gwaaaaaaar! Hetong sayo!!

At nag Palabas ng itim na usok si Havioc para sana ay patumbahin si Libulan(God Of Moon) ngunit tinulungan ito ni Makaptan(God Of Sky) kaya Hindi nag tagumpay si Havioc... Nang hindi sya magtagumpay Umatake si mangaway at sinumpa ang ibang dragon ngunit ang hindi alam ni Mangaway ay may mga dragon kayang tapatan ang sumpa nya kaya gumamit ng Salamanca
Ang ibang Dragon para Ma kontra Sumpa ni Mangaway...
At habang sila ay nag didigmaan Nakielam si Ulilang kaluluwa(Mortal na Kalaban ni Bathala) kaya Napilitan si Bathala(God) na bumaba ng langit upang Kalabanin ang Mga Diyos at Diyosa na Naging uhaw sa Kapangyarihan!

Bathala(God): anong Karapatan ng mga Diyos at Diyosa na tulad nyo para mag simula ng gulo??? Hindi kayo dapat nang gugulo sa mundong ito! Dahil sa panggugulo nyo marami nawalan ng mahal sa buhay at nawalan ng tahanan! Kapag hindi kayo tumigil isusumpa ko kayo!

Sidapa(God Of Death): Dapat lang na sila ay Kalabanin upang may silbi at pakinabang sila sa ating mga diyos!

Bathala(God): Tayo ay mga Bathala! At labas tayo sa problema nila! Tayo ay Tutulong sa kanila ngunit hindi tayo ang mag sisimula ng Digmaan laban sa isa't isa!!!

Sitan(God Of Evil): ni minsan ay hindi ako makikinig sayo! Dahil wala kang Kwentang Batahala!

At dahil ayaw magpaubaya ng kakampi ni Havioc... Sa galit ni Bathala Lumindol ng malakas sa Dragonoia at nabiyak ang lupa... Isa isang nilamon ng apoy sa lupa sina ulilang kaluluwa, Mangaway, Sidapa, Magwayen at Havioc at Sitan....
Ngunit nag banta si sitan at Havioc na sakanilang pag babalik Wawasakin nila ang Dragonoia at sinusumpa nila sila ang maghahari... At tuluyan sila Nilamon ng lupa...
Kaya natigil ang Digmaaan matapos ng araw na iyon at binuo muli ng Bathala ang Dragonoia upang Mag simula ng Bagong Yugto.. Nuon ay si Drago palang mamamahala sa Buong Dragonoia.. Liban sa Dragonoia-Bulan na Pinamumunuan ni Dragona-Luna na Hindi Kailanman nakikielam sa Digmaan si Dragona-Luna Ay pinaniniwalaan napaka ganda at hindi tumatanda katulad ng ibang Dragon sa Dragonoia ay hindi din tumatanda tulad sa Dragonoia-Stona mga Taong Dragon pamumunuan ni haring Konggol kilala si Konggol na Mabaet at Mapagmahal sa Kalikasan kaya naman Tinutulungan ito ni Dumakulem(God Of Mountain) dahil Sa Bundok ng Esram naka tayo ang palasyo nila na matatagpuan din sa Dragonoia-Stona... At si Haring Naga ang Hari at Pinaniniwalaan na May koneksyon kay Haik(God Of Water) dahil sa Dagat ng Dragonoia-Naga Nakatira ang mga Taga Dragonoia-Naga...
At si Reyna Elaira ang Reyna ng Sutra-Verandra Na Magaling din Sa Digmaan at sila ay Tinutulungan din ng mga diyosa at diyos sa pagka't sa lahat sa Dragonoia bukod sa Dragonoia-Bulan ay pangalawa dito ang Sutra-Verandra na tahimik at Hindi nang gugulo sa Pagka't karamihan sa lahi ng Sutra-Verandra ay Puro Kababaihan kaya naman iwas maging sina Havioc na saktan sila dahil Paniniwala ng Mga taga Dragonoia kapag sinaktan ang mga Babaeng Dragon na mula sa Sutra-Verandra ay may kaakibat na matinding sumpa ito Maaring Kamalasan, O Sumpang Tatanda at mamatay ang sinumang manakit sakanila kahit pa isang Bathala ay iwas din sakanila...

At si Reyna Mercedes ang Reyna ng Sutra-Salamandra na pinaniniwalaan makapangyarihan Dahil sa Dugong Nanalaytay dito Na Dugo nang isang Bathala ng Dragonoia... Ang dugo ni Makennzie(Diyos Ng Salamangka) ng Dragonoia Nawala si Makennzie matapos isilang si Mercedes kaya wala na sila Balita tungkol dito..
Lumipas ang taon Umibig si Mercedes Sa isang Dragon din na si Drago.. Mariing pinag babawalan sila ni Uriti(God Of Fire) pero wala ito magawa dahil Hindi nya kaya paghiwalayin ang Dalawa sa pagka't naramdaman ni Uriti(God Of Fire) na mahal ni Drago at Mercedes ang isa't isa... Kaya di din nag tagal hinayaan na nya ito.. Nguni't sa tinagal ng panahon na tahimik ang Dragonoia Muli ba ito magugulo dahil sa Galit ng isang nilalang kay Drago??? Sino kaya ng nilalang na ito?...
itutuloy...

Sa pag silang sa Dalawang Dragon
Na sina Dragono at Dragnof may panibagong panganib bang paparating?

Chapter II
SUMPA
NI
SIEGE

©All Rights Reserved 2018
"To God Be The Glory!"

TW🌗 DRAG🌓N🐉 2ND VERSION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon