Chapter 1

1.4K 11 9
                                    


It was almost noon when Rebecca Flores got back at the house of her friend in Pasig. Ganito na palagi ang kanyang routine for two weeks now. Lagi siyang pagod pagdating sa bahay.

Kelangan niyang magsikap. Bagong trabaho ang pinapasukan niya. Dapat good points upang mai-extend ang contract o kaya'y maging regular employee.

Nagbihis siya ng pantulog at humiga na sa kama.

Ilang oras ang lumipas at nagising siya ng mga alas-syete ng gabi. Nagmadali siyang magluto ng dalawang itlog at tinapay lang kanyang ipinares dito. Uminom naman siya ng kape pagkatapos. Saka inilagay na niya ang dishes sa sink nang di hinugasan ang mga ito.

Nag-shower siya nang mabilis at umalis pagkatapos magbihis. Bibili siya ng kanyang baon sa isang malapit na grocery store at papasok na siya uli sa call center. Isang buwan na siyang nag-traning kaya another month na lang ang kulang at magla-live na siya sa floor.

Dumating ng bahay si Levi Andrada ng alas-nwebe. Napasimangot siya dahil mukhang two weeks na niyang napapansing lagi niyang nakalimutang maghugas ng pinggan at ng tasa ng kape. Pero sa isip niya ay para namang nagmistulang déjà vu ang nangyayari sa kanya.

'Pero hindi, eh. Two weeks?' Ang nasaisip pa niya. Tandang-tanda niyang dalawang linggo na ito.

He washed the dishes and took a shower. He already ate at the American/Continental restaurant na kanyang suki. Pagkatapos niyang pumasok sa office ay doon siya palaging kumakain ng hapunan bago umuwi.

He thought it was so refreshing after the shower. Mahimbing na naman ang tulog niya. Ewan ba niya, hindi siya ganito kapag ibang lugar ang kanyang tutulugan. He used to stay awake when it wasn't his own house he was going to sleep in.

Parang may charms ang bahay na ito, naisip pa niya at sinuntok ang unan bago ipinatong ang ulo rito.

Kinaumagahan ay maagang nagising ang binata. Tuwing alas-sais ng umaga. Magluluto na siya ng dalawang itlog at tinapay lang ang ipapares dito at kape.

May kakaiba siyang napapansin sa refrigerator. Walo ang itlog na natira kahapon. Ngayon ay apat na lang. Binawasan lang naman niya ng dalawa yun, ah.

Tinandaan na niya ngayong hinugasan niya na ang frying pan, plato, tinidor at tasa. Titignan niya mamayang gabi kung uulitin na naman niya ito.

Alas-nwebe na nakauwi ang dalaga sa bahay. Napaka-traffic kase pag rush hours kaya't heto, malapit na ang tanghali nang nakauwi siyad. Sabagay, palagi namang ganito.

Dumeretso na siya ulit sa kanyang kwarto, sa guest room sa ground floor. Natulog siya buong maghapon. At nagising ng alas-sais y media.

Nagpunta siya sa kusina. Ngayon niya lang napansin na tuwing pumupunta siya doon ay malinis ito. May caretaker ba sina Yuki dito? Naitanong pa niya sa sarili. Kase hindi siya naghuhugas ng dishes dahil sa pagmamadali niya. Pero kung meron man, baket sinabi ng kaibigan niyang kelangan siya sa bahay nito?

Tumingin siya sa pangalawang palapag. Parang tahimik naman. Naghanda na lang siya ng itlog at tinapay para kainin niya. Nagtimpla na rin siya ng kape.

Napansin niyang dalawa na lang ang natirang itlog. Tila anim pa yun kahapon, ah. Siguro, kumain yung caretaker nina Yuki, naisip naman niya at nagpatuloy sa pagkain.

Habang nagsha-shower ay iniisip na naman niya ang kung ano ang dahilan ng kanyang kaibigan na patirahin siya rito gayong may caretaker naman ang bahay.

Kahit nasa jeepney ay napapaisip pa rin siya sa puzzle na ito.

"Friend, gusto kong tumira ka muna sa bahay ko ng half year habang nasa Canada ako."

A Burning Affair - Published under Bookware PubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon