I think, life was suddenly sucked out of me. Hindi ako makapag-salita. Wala akong maisip sabihin.
Nang sumigaw si Darlene ulit at tumakbo papunta sa kaniya, parang naalala ko kung paano mag-lakad. Lumapit ako sa kanila pero nakatingin lang ako kay Darlene na naka-yakap kay...sa...sa kaniya. Then he noticed me. He NOTICED ME. He looked into my eyes then offered his hand. His hand. For a handshake, of course.
"Hi, ako si PJ."
Yes. Hell yes. I know you. Peter June Simon. How could I not know?
It was a good five seconds before I realized na kailangan ko makipag-shakehands. And so I did. And holy gods of basketball, thank you for this moment. I didn't want to let go pero he did. How sad. Kailangan niya kasing kargahin si Darlene na medyo agaw moment. I love the kids pero shems, sapaw.
"Sorry ha. Na-late ako kasi dumaan ako sa isa pang orphanage"
I'm just smiling since I couldn't talk and so Mr. Pascual saved me. Sort of.
"It's arlgiht PJ. I'm sure Cassandra here enjoyed her time with Darlene. Right, Cassandra?"
Again, I'm just smiling.
"Ate Cassandra? Diba nag-enjoy ka?"
And that's my cue. Nabuhayan ulit ako.
"Err... yes, Darlene. Nag-enjoy ako sobra."
"Oh so paano, maiwan ko muna kayong dalawa. Kayo na bahala kay Darlene" sabi ni Mr. Pascual.
BInati ni PJ yung iba pang volunteers then pumunta kami sa table kung saan kami naka-pwesto ni Darlene kanina. Medyo tahimik pa rin ako naco-conscious sa presence ni PJ. Pero ayoko ipa-halata kasi baka ma-weirdohan siya sa akin. Ugh, akala ko ba sa Jungle Playground na???
"So, Darlene. Anong gusto mo ng gawin ngyaon?" tanong ni PJ Simon. Oh my gosh. PJ SIMON.
"Umm. Alam mo ba kuya PJ ang galing ni Ate Cassandra sa English. Tinulungan niya ko sa HW ko"
Napatingin tuloy sa akin si PJ na parang natutuwa na ewan. Oh gods. Baka matunaw ako.
"Talaga?"
"Huh? Hi-hinde naman. Ito talaga si Darlene oh" sagot kong natutunaw na.
"Kung ganun, dapat mag-storytelling tayo. Tapos si ate Cassie ang magbabasa. Ano sa tingin mo Darlene?"
Cassie? May nickname na agad siya sa akin? Ang girly nun! Pero dahil siya naman....
"Yehey! Opo kuya PJ!"
"Oh anong gusto mong story?"
"Edi yung favorite ko"
"Ah ganun ba. Sige. Kukunin ko lang sa shelf"
Nakakatuwa. Parang may sariling mundo silang dalawa. Ang (sakit) sarap nila panoorin. Tapos bumalik na si PJ at iniabot sa akin yung book. Nye. Paano kung magkamali ako sa pag-basa. Nakakahiya. Pero keri 'to. Pampa-impress na rin.
"Once upon a time..." sinimulan ko. Nakinig naman ang dalawa. Nakakatuwa. I got his attention. I mean... their attention.
Matapos ang ilang minuto, umabot na rin kami sa The End nung fairytale. Napansin namin na wala ng ibang tao sa room. Naku!
"Hala, Darlene. Dapat nasa Jungle Playground na tayo" Dali-dali naman akong tumayo. Biglang tumawa naman si PJ.
"Cassie, bago ka ba dito? Ok lang ba tawagin kitang Cassie? Ang haba ng Cassandra eh."
"Uh...okay. At oo, bago lang ako dito." Sagot ko naman. Tumayo na rin si PJ at hinawakan si Darlene. "Ba't mo natanong?"
"Well una, di pa kasi kita nakikita dati" Ah so matagal na pala siya dito. Nice. "Pangalawa, parang takot na takot ka sa timeframe ni Sir Pascual eh" sabay tawa.
"Nang-asar pa 'to."Oops. Nadulas ako. Hala. Pero natawa naman siya kaya oka lang. Nagsimula na kaming mag-lakad papuntang Jungle playground habang nagku-kuwentuhan sina PJ at Darlene. Should I call him kuya PJ? Parang un-attainable naman pag kuya. Ay wow, may balak abutin? Infairness, gusto kong i-congratulate ang sarili ko kasi hindi pa ko hinihimatay kahit konti lang ang distansiya kos sa crush ko. Sa ultimate crush ko. Hindi rin ako nagsisigaw o yumakap sa kaniya. So proud of you, Cassandra. So so proud.
Habang nagde-daydream ako ay nabunggo ako bigla. Sa likod ni PJ Simon na ang bango-bango. HIndi ko namalayang huminto sila.
"Ay sorry!" Natawa na naman siya. Naku, comedian ata dating ko dito eh. Hindi girlfriend. Ay what? "Cassie, ito yung Jungle Playground. Darlene, ano yung unang gusto mong puntahan?"
"Uh...yung monkey bars po" sagot naman ni Darlene sabay takbo dun sa monkey bars nga. Sumunod naman kami ni PJ.
"So..." simula niya.
"Sooo.... " sagot ko rin. Tapos natawa na naman siya. Medyo nae-enjoy ko na napapatawa siya.
"So bago ka pala dito. Paano mo nahanap 'tong volunteer org na 'to?"
"Well, wala kasi kaming pasok at wala akong magawa sa bahay. aAtagal ko na gusto sumali sa mga ganitong group at mahilig rin kasi ako sa kids. Dun din kasi umiikot yung course ko. So naghanap ako sa net"
"Talaga? Anong course mo?"
"Education."
"Naks naman"
"Naks ka dyan. So, ikaw saang orphanage ka galing?"
"Ha? HIndi naman ako ampon ah. " Pang-aasar niya sa tanong ko.
"Hindi, diba sabi mo kaya ka late ay dahil..."
"Dahil nanggali pa ko sa ibang orphanage. Yup. May dinaanan pa ko. Nagkasabay kasi yung sched ko ngayon sa pag-bisita sa kanila. Eh...may iba pa kasi akong gagawin sa ibang araw"Yung game at practice tinutukoy niya... pero nakakahiya i-bring up.
"Kuya PJ! Ate Cassandra!" tawag naman sami ni Darlene.Tinulungan siya ni PJ humawak sa monkey bars at magpa-lipat lipat sa bawat bar. I can't help but notice how he's really good at this. Yung parang tatay na tatay yung dating. Kulang na lang ang wife. Ehem. Ay joke. Tinitiis ko na lang talagang wag banggitin yung star status niya as a basketball player. Naisip ko kasi baka gusto niyang...kalimutan yun pag andito siya sa mga bata. You know, baka gusto niya lang maging si PJ. Hmm, pero sino nga ba si PJ Simon outside the basketball court?
"Cassie?" tawag niya. Damn. Ang ganda pag siya yung tumatawag ng pangalan ko. Pakiulit nga po. "Cassie?" tawag niya ulit. Ay pinagbigyan ako? Tapos nag-wave pa siya sa mata ko. Then I realized. This is real life. At may sinasabi niya na di ko narinig.
"Ay! Sorry. Anong sabi mo?" tanong ko naman. Natawa siya. Naku, joke talaga tingin nito sakin.
"Sabi ko kung gusto mong kumain mamaya"
"Huh?"
"Libre ko"
"Huh?" grabe. Nabigyan pa ko ng chance na makapag-salita ito lang naman sasabihin ko.
"Lilibre kita. Babawi ako kasi late ako kanina."
"Huh?"
"Cassie? Nakikinig ka ba?"
"Date?"
"Ha? Ano?" Gulat na tanong niya.
"I....I mean, ililibre mo ko? Um...saan?" Diba dapat kay Darlene siya bumawi?
"Oo. Kanina ko pa yun sinasabi. Ako na bahala. " nakangiting sagot niya.Dapat hindi ako sumama. Di ko naman siya kilala diba? I mean, oo. Siya si PJ Simon, basketball player. Pero di ko siya ganoon kakilala. Tapos hindi ko pa alam kung saan kami pupunta. Medyo delikado 'to.
"Ano, okay lang ba?" tanong niya ulit.
"Oo naman"Dead.
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanficWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...