Tadhana

24.1K 614 77
                                    


TADHANA


"Hi Ellaine!" Nagmamadali na ko on the way sa building namin but I still managed to wave a hand sa mga bumabati. I am not famous, for the record. Sadyang friendly lang.


"E, ayos ng gig niyo kagabi ah. Next week andon kayo uli?" Ask someone I forgot her name.


"Um, yes. Regular na kami don every Tuesday nights. Sige friend, malelate na ko eh. Bye! See you around!" Sabi ko at nagmadali na makaakyat sa room namin. Goodness, bakit ba naman kasi nasa 4th floor pa ang room namin. Hay ang legs ko, kawawa naman!


"Wooops! Sorry miss!" Sobrang nagmamadali na talaga ko at nakakatama na ko ng mga nakakasalubong ko. I couldn't be late, may quiz kami today at hindi nagbibigay ng special exam yung prof ko. Tapos yamot pa yun sa mga late kaya kelangan ko na makaabot.


At pagdating sa tapat ng room, buti naman at wala pa si prof sa loob! Pumasok na ko agad at umupo sa vacant chair sa likod.


"Muntik ka na." Napatingin ako sa katabi ko, I just rolled my eyes on him at inayos ang gamit ko. Nilabas ang ilang ballpens at bluebook ko na gagamitin ko para sa exam.


"Grabe, ang sungit naman." Bulong pa niya uli.


"Dan, pwede shut up." Tinawanan lang niya ko, nakakainis.


"Tsk, sabi ko naman sayo, susunduin na kita ayaw mo pa. Gwapo na nga sana ng driver mo, choosy ka pa."


"Choosy?" I looked at him in disbelief, "Seriously, you used that word? Bakla ka ba, Dan?"


He didn't get the chance to retort since dumating na yung prof namin at nagstart na agad ang exams. You see, scholar ako so I really need to maintain my grades. Hindi kami super rich, pero hindi rin naman kami sobrang hirap na hirap sa buhay. Tama lang. I just want to make my parents, proud.


I also work sometimes, kaya medyo maraming nakakakilala sa akin dahil member ako ng isang band and yes, I'm the vocalist. We do gigs at some bars pero regular kami sa Haven's. Isa siyang bar near the campus and mostly, students from our school ang costumers dun. Yun ay mga students na hindi hectic ang sched sa pagaaral.


"E, tara merienda?" Aya ni Dan agad paglabas ko ng room. Pangatlo ako sa mga unang nakatapos, and surprisingly, una si Dan. Wala na sigurong masagot.


"Ayoko." Sabi ko at iniwan na siya. But dahil likas na matigas ang ulo ng loko, hinabol ako't inakbayan.


"Hoy alisin mo kamay mo." Sabi ko but to no avail, wala siyang pake.

Tadhana (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon