Chapter 2: Maybe
“Jeling!”
“Sabing huwag mo akong tatawaging Jeling!” I said glaring. Nasasaktan talaga ang mga mata ko dahil sa damit niya. “Why so bright anyway? Para ka namang naglalakad na araw.” Ricardo Damian Romo is my kababata. And I can’t believe na nakikipag-usap ako sakanya ngayon! He didn’t change at all! Like, ano bang ginawa niya all these years? NOTHING?
“Jeling naman.”
“Gees! Don’t call me Jeling! My name’s too pretty for that nickname so call me JL, am I making myself clear?” He stopped walking and I didn’t. I didn’t look back either hanggang sa nakarating na nga ako sa klase ko.
Pagpasok ko palang ay alam kong magkakakilala na silang lahat dahil masyado silang maingay. Inilapag ko ang dala-dala kong libro at huminga nang malalim. Hindi man lang sila tumitingin dito sa harapan. Seven lang ang babae sa klase ko, the rest ay mga lalaki na.
Magulo. I tucked my hair behind my ear then ibinagsak ko ang eraser sa platform para makuha ang atensyon ng mga batang nasa harapan ko ngayon.
“Wala ba ako sa klase?” Naglakad ako hanggang sa gitna nang nakahalukipkip. “Nasa isang basketball game ba ako?” Napatingin ako sa nagsasalita pa rin sa gilid. “Ikaw? Dinaig mo pa yung mga babae sa gitna kung makapagdaldal.”
Muli akong bumalik sa harapan. Napansin ko rin na ang mga napapadaan na estudyante sa labas ay napapatingin dahil nagsusungit na ako kaagad kahit na first day palang naman.
Ngayon tahimik na ang klase ko. Good.
“I’m Jade Louise Cruz, your adviser. Call me Ms. JL or Ms. Cruz. Kayong bahala. By the way, ayaw kong pinag-uusapan ako behind my back at para sabihin ko sainyo, hindi ako terror. About sa grades, kayo ang gumagawa niyan ako lang ang magcocompute para sainyo kaya kung bagsak kayo wala na akong magagawa.” Tinignan ko ang upuan ko bago umupo at hindi nga ako nagkamali na maglalagay sila ng pang-prank nila doon. Tinanggal ko ang thumbtacks na nakalagay doon. “Mabait ako kung magpapakabait kayo.” Ipinatong ko ang thumbtacks sa lamesa ko at pinagmasdan ang buong paligid. May vandal kaagad.
“Alam ko naman na halos mga lalaki kayo at alam ko rin na hirap ang mga babaeng teachers sainyo. Well even sa mga lalaki. I’m new here kaya alam kong hindi ko agad makukuha ang respeto niyo. I’m not even worried kung hindi niyo man ako irespeto. Basta manahimik kayo sa klase ko, sapat na yun.”
“Ms. Cruz.” Nagtaas ng kamay yung lalaki sa gitna. “Mahirap ba kayo magpa-exam?”
“Mahirap sa mga hindi nag-aral o nakinig man lang.” Sagot ko sakanya. “Nga pala class, hindi ako magsusulat sa whiteboard. Nasa book naman lahat iyan at sa mga ibibigay ko pang ibang references. May tanong pa?” Tanong ko sakanila pero wala nang nagtanong. “Kung wala na, free muna kayong gawin ang gusto niyong gawin. Isarado niyo nga lang yung pinto para hindi tayo makita ng ibang teachers.” Agad naman nilang isinara ang mga pintuan. “Huwag lang din kayong maingay.” I said smiling. Agad naman napansin ng iba na ngumiti ako kaya bumanat yung iba ng: Ngumingiti ka rin naman po pala e! akala ko nakakatakot kayo.
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
ChickLitIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz