Nagising na lamang ako na kumakalam na ang sikmura ko. Ako nalang mag-isa sa kama at naririnig ko ang banyo na may bumubuhos na tubig. Maaga atang nagising si Dave at naisipang maligo na.
Inayos ko na lamang ang higaan at tumayo na din. Kumuha na ako ng mga isusuot ko para makapaligo na rin pagkatapos niya. Doon na ako sa banyo magbibihis kahit na hindi ako sanay dahol ayaw ko namang magbihis sa harap ni Dave, ano. Kinuhaan ko din siya ng masusuot at iniayos sa ibabaw ng kama namin.
Hindi na nga pala kami nagising ulit kagabi kaya pala kumakalam na ang sikmura ko dahil wala pa kaming kain ngayon.
Lumabas na mula sa banyo si Dave na twalya lang sa bewang ang suot nito. Kahit na paulit-ulit ko siguro itong makikita ay naamazed parin ako. Masyadong maganda ang katawan nito.
"You can touch it if you want." sabi nito na nakasmirk na.
Inayos ko naman ang pagkakatayo ko at inirapan siya. Napakaloko talaga nito. Tumawa naman ito at tumagilid sa akin. Humarap siya sa may salamin at sinimulan ang pagtutuyo ng buhok.
Sa bawat paghagod ng towel sa buhok niya at ang pagtalsik ng tubig ay nakikita ko. Tila hinihipnotize ako. Ang bawat pagflex ng braso niya at ang bawat butil ng tubig sa likod niya pababa ay sadyang magandang tanawin para sa akin. Parang slow motion lahat at siya lamang ang nakikita ko.
Napansin ko naman ang paningin nito sa reflection ng salamin na nakangisi parin. Namula naman ako bigla. Masyado na ata akong matagal tumitig sa katawan niya. Nakakahiya. Parang pinagnanasaan ko naman sya. Which is halfly true. Okay. Okay. Totoong totoo. Nagnanasa ako. Fine.
Tumalikod nalang ako at kinuha na ang mga damit ko at agad na pumasok sa banyo. Rinig ko pa ang halakhak nito pagkatapos kong maisara ang pintuan. Sumandal ako sa likod ng pintuan at huminga ng malalim. That was a breathtaking view. Wooooohhh. Pinagpawisan ako.
Hinubad ko nalang ang mga damit ko at saka sinimulan na ang pagligo.
Nang matapos na ako ay lumabas na ako at umupo sa gilid ng kama. Wala si Dave sa loob ng kwarto kaya sinimulan ko na ang pag-aayos sa sarili ko.
Pinatuyo ko ang buhok ko at naglagay ng powder at light lipstick sa labi. Nang matapos ako ay siya ding pagbukas ng pintuan ng kwarto at si Dave na may dala dalang tray.
"Dito na tayo magbreakfast. Kanina pa pala sila nakaset-up. Magmadali nalang tayo." sabi nito at inilapag sa tabi ko ang tray.
Tumango ako at nagsimula na kaming kumain.
Nagsimula na pala sila e bakit hindi manlang nila kami ginising? Nakapagayos sana kami ng maaga para hindi naman nakakahiya sa kanila.
Nang matapos na kami ay sabay na kaming dalawang lumabas. Dali ni Dave ang tray na pinagkainan namin. Ayaw niya naman na ako ang magdala kahit na kaya ko naman.
Sa kalagitnaan ng hagdan ay tumakbo ang isa sa mga katulong at saka kinuha ang tray na dala namin.
Nagpatuloy kami sa baba at nagtungo sa unang palapag ng bahay. Andoon sa isang kwarto ang ibang mga staff at sa tapat na kwarto naman sila Gray at iba pa.
Pinapunta kami ni Joey sa side niya at saka sinimulan ng ayusan si Dave. Sa totoo lang ay wala namang dapat ayusin sa kaniya e. Kahit anong ayos, magulo man ang buhok o hindi, ay talagang gwapo parin ito.