I stared at our pictures once again. Sabi nila 'Past is a nice place to visit.' Kaya constant ang pagbisita ko sa past ko.
I sighed at the moment. Nakaka-miss. While I start to scan the pictures and the captions in the scrapbook, a small smile crept on my face. Reminiscing is good for the brain sabi ng doctor na kaibigan ko. Somewhat it calms me.
But it is uncalled for.
I feel like I want to stay in the past.
But I can't.
I shouldn't.
Sabi nang ibang kaibigan ko, I won't progress if I'm pulling myself back and back to what happened again and again. I don't want that. I want to fulfill my promises, and dreams.
I looked all over the room. I remember, everything. Every, tiny, bit of details.
"Cha!" I turned around to see the familiar face. The beaming smile. Napangiti ako nung makita ko siya ulit.
Lumapit siya sakin. Na ganoon pa rin ang ngiti sa mukha. Mukhang masayang-masaya na naman ang kumag na to ah? Ano kayang meron?
"Sabi ni Tita kanina ka pa maghihintay sakin. Sorry na-late ako alam mo naman na galing pa ko sa klase." Hinihingal pa siya. Tumakbo na naman to papunta dito sa bahay. Hay nako!
"Galing din akong school. Pero nauna pa din ako sayo. Wag kang magpalusot. Saan ka na naman galing? Kanina pang four pm tapos ang klase mo five-thirty pm na." Kunwari galit kong sabi. Alam ko saan galing ang nilalang na to. Di siya makakalusot sa mga pinaggagawa niya ngayong araw.
"He-he-he." Nagkamot pa siya ng ulo. Alam niya kasing di siya makakapag-sinungaling sakin. "Inaya ako nila Tin na mag-dota. Sorry na." Pagpapa-awa niya sakin. Kala mo naman kawawa talaga.
"Wag kang mag-paawa di effective sakin yan." Inirapan ko siya. Magaling akong umarte na maldita and all. Lagi ngang kontrabida role ko kapag may roleplay kami sa school o event sa church e. Sabi kasi ng mga kaklase ko masungit yung features ng mukha ko.
"Sus! Kung actingan mo kong babae ka parang ikaw di ka nale-late kapag may usapan tayo ah? Lagi ka nga naming sinusundo sa inyo pag umaga e tulog mantika ka kasi!" Anong pinuputok ng butsi ng kumag na to? Isang oras mahigit siyang late!
"Hoy, JP! Isang oras mahigit nako naghihintay sayo! Ano ka VIP?" Pagsusungit ko pa sa kanya! Ang arte neto! Suntukin ko 'to e!
"Weh? Isang oras? Talaga ba?" Why is he mocking me? "Ikaw? Maghihintay ng mahigit isang oras? Yung patience mo hanggang ten minutes lang. Kelan ka pa dumating on time o in time? Lagi ka kayang late." tinawanan niya pa ako. Haha tama naman siya e. Kapag late na late na siya iiwan at iiwan ko siya. Kilala nako neto. We're childhood friends eh.
"Di pwedeng magbago?" Sarkastikong balik ko sa kanya. Di ako papatalo hanggat di lumuluhod to para sa pagpapatawad ko. "Tsaka maaga kaming na-dismiss kanina kaya maaga akong nandito."
"Hay nakong babae ka! Di mo ko maloloko di hahaba ng ganoon agad ang pasensya mo! Hahaha tama na nga!" Susuko din kasi siya e. "Sorry na kung late ako. Alam kong five pa labasan niyo e. Kaya nagpa-late ako malay ko bang mas mauuna ka sakin." Inakbayan niya pa ako at nagpa-cute. Oo na! Cute siya! Pointed nose, with cute round sparkly eyes at nice thin lips.
"Sige na nga! Ok na! Pinapatawad na kita." Kunwari napipilitan ako! Nahasa talaga ako ng pagda-drama ko sa parents ko.
"Oh! Tara na. Manunuod pa tayo ng sine! Aalis nako bukas para pumuntang Manila. Sayang tong araw na 'to." Wow ah? Saya mong lalayasan mo na naman ako dito. Kung di ka lang pinapapunta ng Tita mo dun kinutusan na kita. "Teka anong oras ka dumating dun?"
YOU ARE READING
Goodbye, My Love
Teen FictionHow painful is saying goodbye? But it's the right thing to do. Will you be able to understand me someday? I hope so