Kabanata 15
Fall out
Pagkalabas naman ni Vivien sa resto ay nadatnan ko si Basty na may kausap sa phone at nasa likod niya ang isang itim na chevy. Binaba niya lang ang tawag nang siguro’y nahagilap ang aking tingin. May soot siyang itim na shades dahil tirik na tirik ang araw ngayon.
Hinalikan niya ako sa pisngi nang nakalapit na ako. Hawak-hawak ang aking braso ay bahagya niya akong hinila sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pagpuna kung gaano siya kabango ngayon. Damn.
“Hay! Kahit kailan talaga hindi ko pwedeng masolo si Macy, ano?” Vivien said jokingly. Umirap siya sa kawalan.
Basty smirked. He removed his shades at sinabit niya iyon sa kwelyo ng kanyang polo. Napanguso naman ako. Tinignan niya ako ng mariin at umiling ako sa kanya dahil alam kong babanggitin niya si Yohan sa kanya. Mabuti naman ay nakuha niya ang gusto kong iparating dahil hindi na siya nagsalita.
“You can do your thing, Viv. I’ll just follow your car.” Nagulat ako doon. I did not expect that. Ano iyon? Bubuntot siya sa amin ni Vivien at magkukunwari kaming hindi namin iyon alam?
“Ano? How clingy! Macy, makipagbreak ka na nga diyan!” Biro ni Vivien. Pero nang tinignan ko si Basty ay nakita kong bahagya siyang natigilan doon sa sinabi niya. Tinignan niya ako, hindi ko mapigilan ang pagngisi dahil sa pinakita niyang reaksyon. He suddenly looked like a puppy na handa ng awayin si Vivien.
“Hindi maganda iyan sa isang relasyon, Basty,” sabi ni Vivien at umiling-iling.
“Mahirap na,” ani Basty at tinignan ako.
“Hindi manlalaki sa Macy, no! Hindi kagaya m-”
Nanlaki ang mata ko at hinawakan ko siya sa braso kaya siya naputol sa dapat sasabihin. She was about to tell him about what we saw! Salamat at mukhang wala namang napansin si Basty doon sa inasta naming dalawa.
“I want her safe and sound, iyon lang ang concern ko.”
Kumunot ang noo ni Vivien. “You sound like Macy has a stalker or something.”
Ako naman ang natigilan doon. Shit! Ayaw kong malaman ni Vivien ang tungkol doon. Nagtinginan kami ni Basty. By now, alam na niya na hindi ko binanggit kay Vivien ang tungkol sa banta sa buhay ko. Maybe he thought that because Vivien is my bestfriend, babanggitin ko iyon sa kanya.
“Uh, Viv, sinabi kasi ni daddy kay Basty na bantayan ako ng maigi kapag lumalabas ng bahay. You know dad’s line of work, right? My dad is just worried na baka mapunterya ako ng mga kalaban niya sa negosyo niya.”
Mas gusto ko ng paniwalaan niya na nagiging overprotective lang si daddy kaysa sa malaman niya na tunay na may tao diyan na maaaring makapatay sa akin. Because yes, totoo iyon, at dalawang beses na niya iyon napatunayan.
“Oh, okay. Pero may bodyguards naman kayo, diba?”
“I want to watch her myself,” Basty said.
Vivien rolled her eyes again. Huminga ako ng malalim. Sa huli ay ganoon nga ang nangyari. Kaming dalawa lang ni Vivien ang nag-uusap and Basty is just around, acting as our body guard. Hindi ko siya nakikita at magaling talaga siyang magtago. Naisip ko nga na baka ganito talaga ang ginagawa niya talaga. Although this time’s different, dahil aware na ako na nasa paligid lang siya.
Nagpakita lang si Basty sa amin nang ihahatid na si Vivien sa airport. Niyakap ako ng sobrang higpit ni Vivien. A vague memory flashed suddenly. Noong umalis ako ng Cagayan de Oro ay ganito rin kahigpit ang kanyang yakap. Actually, sa tingin ko nga ay mas mahigpit ngayon.
“I’ll miss you so. Skype, ayt?”
Ngumiti ako at tumango sa kanya. Tinignan niya si Basty sa likod ko at nagtanguan ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Playful Melodies Book 2: Precious Miracles
RomanceJust as soon as Macy and Basty are starting to write their ending, unexpected things are also starting to hinder their happily ever after. Akala nila'y tapos na ang mga problema, tanggap na si Macy ng pamilya ni Basty, unti-unti ay natatanggap na ng...