Simula na ng training ko kay Zein, at sa kanyang mga pahayag at tagubilin ay mukhang napakahirap sundin ng mga ito.
Nasa kwarto ko kami ni Zein nag-paplano nang dumating si Mama Rose na may dalang meryenda sa isang tray.
"Kailangan daw pala magpasa ng portrait dun, Dylan." bigkas ni mama Rose habang nakatayo ako at si Zein naman ay naka-upo sa dulo ng aking kama.
"Portrait? Teka- mama Rose, ano... sure ka ba na barangay-barangay na pageant mo lang ako ipinasok?" tanong ko nang kanyang ibinaba ang tray sa aking study table.
"Bakit naman? Ayaw mo ba ng pang-international? Malay mo Misters of Filipinas o Mister World Philippines na yan." mungkahing bigkas ni Zein.
"Jusko para sa mga higit bente at sa mga matipuno na lalaki na ata yun..."
"Susuportahan mo ba ako kapag balak ko sumali?" tanong ni Zein na nagdulot ng aking pagtitig sa kanya.
"... S-syempre naman..." sagot ko.
"Oh- basta, magpasa ka raw ngayong linggo. Ano ba ngayon? Sunday? Oh may hanggang Biyernes ka pa, Saturday raw deadline." huling bati ni Mama Rose bago siya umalis ng aking kwarto.
"... So? Paano plano mo sa portrait?"
"Eh anong portrait ba...? Baka naman mamaya full body o kaya half lang... or mukha lang." reklamo kong tanong.
"Edi lahatin na natin." agad naman niyang inilabas ang kanyang phone at tumawag. Ilang segundo lamang, "Hello, Yca?"
"Hm? Zein. Ano yun?"
"Kailangan natin ng DSLR at talent."
"Ooh, ano meron?"
"Explain ko sa'yo bukas. Pakidala nalang ah."
"Wait- I'm getting paid, right?"
"Oo naman, dagdag mo na samgyup."
"Nice! Okay, see you tomorrow!"
"Alright, thanks. Bye!" at kanyang ibinaba na ang tawag.
"Sino yun?" tanong ko.
"Si Yca, bukas magdala ka ng extra na damit, pupunta tayo sa isa pang bahay namin sa Batangas."
"B-batangas? Ano gagawin natin dun?"
"Ano pa ba edi photoshoot! Wala naman tayo pasok sa Tuesday dahil sa school-wide faculty meeting at sa Wednesday rin dahil naman sa visit nung ibang branch, diba? At yung Thursday rin! May maintenance schedule raw?"
"S-sa bagay... teka- paano mo ba nalaman ang lahat ng mga 'to?"
"Kay Tiana, narinig ko chinichismis nila yun last week pa. So okay lang ba sa'yo na dun na tayo matutulog? Overnight tayo?"
"Okay lang naman, magpapa-alam ako kay Mama Rose syempre."
Nang bumaba kami para magpaalam kay Mama Rose ay...
"Um- ano 'to, Mama Rose?" tanong ko sabay tingin sa listahan na puro pagkain ang nakasulat.
"Edi pasalubong! Kahit yung Espasol lang okay na!"
Natawa naman ng marahan si Zein at, "Pangako po aalagaan ko si Dylan."
Ngumiti naman si Mama Rose matapos niyang uminom mula sa baso ng tubig, "Ano ka ba, alam ko na yun. Basta mag-enjoy kayo ah."
Sumunod na araw...
"Nasabi ko na kay Yca lahat, kasama siya syempre sa trip natin." agad na bigkas ni Zein ng makasalubong ko siya tungo sa eskuwelahan.
BINABASA MO ANG
Sensation's Goodbye (boyxboy)
Random[THE HEARTBROKEN CAMPUS CRUSH BOOK 2] - description still in progress -