Kabanata 14: Mapapasaya

150 7 1
                                    

Kabanata 14: Mapapasaya

Ed Sheeran - Happier

///

Junior - Senior Year
High School

May mga pagkakataon sa buhay na sobrang hinihiling mo na sana may kahit isang tao man lang na mahal ka, na pipiliin ka sa kahit na anong sitwasyon. 'Yung alam mong sa 'yo. Ang selfish pero sana nga 'di ba?

     Pero tama ba'ng hilingin 'yon? Siguro hindi... Kung hindi mo kayang panindigan.

     Sa dalas ng pagpunta sa 'min ni Tita, naintindihan ko rin kalaunan kung bakit lagi silang magkausap ni Mama kahit noon pa.

     Gusto ni Tita na sa kanila na tumira si Lola. Pero hindi pumapayag ang huli. Kaso, dahil tuloy na ang pag-alis ni Mama, walang makakasama si Lola kapag wala kami ni kuya sa bahay, kaya kinausap na rin ako ni Tita Jovie sa gusto niyang 'yon.

     "Kaya ko pa Maria Jovie. Malakas pa 'ko. Kaya dito na muna 'ko. Papasyal-pasyal na lang kayo rito. Kahit naman noon, madalas na 'kong maiwan mag-isa rito kapag may lakad silang lahat pero ayos lang naman," ang sagot ni Lola. Ilang beses na siyang tumanggi. Siya ang sasagot para sa 'kin. Hindi kasi agad ako makapagsalita tuwing sasabihin sa 'kin ni Tita 'yung gusto niya.

     "Bago kami umalis ng umaga, ipagluluto namin si Lola ng pagkain na panghanggang tanghali. Sa hapon, maaga na kaming uuwi hanggang kaya." 'Yun naman ang paniniguro ni Kuya para hindi mag-alala si Tita.

     My mother already left. Nang sinabi niyang aalis na siya ng linggong 'yon, seryoso siya. Hindi niya na 'ko tinanong ulit kung sasama ba 'ko o ano. Hindi ako makapaniwala.

     Pero sasama ka ba Crisel? Kung sakali, sasama ka ba?

     Leaving this place means starting a new life. Pero hindi naman bagong buhay ang hinihiling ko. Gusto ko lang mas maging matatag 'yung pamilya namin sa kabila ng mga problemang dumating. Pero alam kong kung seryoso si Mama na isama ako, pag-iisipan kong mabuti.

     "Congrats kuya! Galing mo. Napagsabay mo ang games, kalokohan, at pag-aaral," sabi ko at ngumisi.

     Sa wakas, naka-graduate na siya. Sobrang kakaiba 'yung feeling 'pag naaalala ko lahat ng pinagdaanan niyang puyat at frustrations sa pag-aaral. Masaya 'ko para sa kanya.

     Parang kailan lang, mga bata pa kaming nag-aaway para sa pasalubong ni Mama, kahit na para naman kay Ate 'yon. Natatawa na lang ako.

     Kuya used to hate me, as we have different fathers. Pero isang araw, pagkatapos ng matinding away namin, kinausap siya ni Papa at pagkatapos no'n, nagbago na siya. Inalagaan na niya 'ko at hindi pinabayaan. Nirespeto niya si Papa at minahal niya 'ko bilang nakababatang kapatid.

     "Congrats kuya... ni Crisel," bati naman ni Adrian. Kilala na siya ng buong pamilya at idineklara na liligawan niya 'ko.

     Ginusto rin niyang sumama sa araw na 'to para raw mas makilala niya ang bawat taong mahalaga sa buhay ko. Si Kuya mismo ang pumayag kaya hindi na 'ko umangal.

     "Ano'ng balak mo anak? Luluwas ka ba?" tanong ni Mama kay Kuya.

     "Mag-celebrate muna tayo Ma," sagot lang niya.

     "Oo nga. Libre ko na 'to," sabi ni Ate.

     "Tara at nagugutom na nga 'ko," masaya namang sabi ni Lola pero niyakap muna si Kuya. "Congrats. Mahusay apo, magaling kang talaga."

     Sama-sama kaming kumain sa isang buffet restaurant kasama si Adrian. Napapatawa niya silang lahat pwera kay kuya na bahagya lang napapangisi.

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon