Kabanata 39. Dad

250 11 1
                                    

Natasha's POV

"Hindi talaga ako pwedeng sumama?" bumuntong hininga muna ako bago ko tapunan ng tingin si Oyang na nakaupo sa bed ko,

"Oyang naman..." kung normal lang sana ang lahat, why not? I'd love to introduce him to my family. I'd love to tell the world how much I love him.

Nag-pout na naman sya. He looks so cute when he does that. Itiniklop ko yung shirt ko at ipinasok sa bag ko. I need to pack my stuff kasi aalis na ko bukas. It's been five days since Mr. Alcantara told me about the "good news". Note the sarcasm. At limang araw na rin ang nakalipas nung pinuntahan namin si Mutya sa bar. She's getting a little better now, Sarang and I visited her regualrly. Reminding her to get all her shit together. Gumuho talaga ang mundo nya because of Lino, she loved him so dearly. Mutya may act tough, easy going and it may seem like she knows what she's doing. It's probably just cause Lino is her first love.

But to be honest, I can't imagine myself when the time comes. Yung time na kinatatakutan ko. I don't know. I will surely lose myself too, just like Mutya right now.

Umupo ako sa gilid ng bed ko, sa tabi ni Oyang. Tumitig muna sya sakin for like straight seven seconds.

Kinuha nya yung kamay ko and he kissed the back of my palm, nakatingin pa rin sya sakin. Sa mga mata ko.

"Babalik naman ako kaagad." sabi ko, kung pwede lang na huwag umalis eh.

"Make sure of that." sabi nya without taking his eyes off of mine,

"I promise." nakangiting sabi ko,

"Mag-iingat ka dun. Magte-text ka sakin every 2 minutes. Kapag may lumapit sayong lalake...ano...palayasin mo kaagad."

"Huh? Pano pag tatay ko?"

"Maliban sa tatay mo. Kapag may nang-aapi sayo isumbong mo kaagad sakin. Basta, pag may problema kausapin mo agad ako, ha? At higit sa lahat, kahit anong mangyari...babalik ka." sabi ni Oyang tapos hinila nya ako palapit sa kanya into a hug,

"I'm gonna miss you so bad."

"OA, four days lang yun no."

"Kahit na." sabi nya at lalong hinigpitan yung yakap nya sakin. I honestly feel the same, the time is gonna walk so slow starting tomorrow. I do want to see Natalie and Nico, but like, dad...I'm not quite ready to meet him yet.

....

"O, anak baka may naiwanan ka ha? Sigurado ka bang nadala mo lahat ng dapat mong dalhin?" nag-aalalang tanong ni Ante Tuya,

"Opo, Ante." Sabi ko,

"Nako, mami-miss ka namin, Tasyang anak." Sabi ni ante Tuya,

"Mami-miss ko din po kayong lahat, ante, mami-miss ko po ang luto ninyo." malungkot na sabi ko,

"Pero dibale, paniguradong sabik na sabik na ang mga magulang mo na makita ka." Ngumiti si ante Tuya at hinug ko sya, I miss my mum so much

"O sya, Tasyang, mag-iingat ka ha. Mabuti pa, umalis na kayo at baka maiwanan ka ng bus." Sabi ni Angkol Syano,

"Sige po angkol, salamat po. Alis na po kami."

"Oyang, hihintayin mo munang makasakay si Tasyang, anak ha."

"Opo, Ma."

Binuhat ni Oyang yung travelling bag ko at nagsimula na kaming maglakad. Mula dito ay sasakay kami ng tricycle papunta sa bus terminal.

Nakarating kami sa bus station at naghintay dumating yung bus na sasakyan ko.

Tahimik na nakaupo sa tabi ko si Oyang. Maya-maya ay napansin nyang nakatitig ako sa kanya.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon