Simula

1.6K 26 1
                                    

Simula

Do you think he will forgive me?

Iyon ang palagi kong tanong sa sarili habang nakatingin sa harap ng salamin. Tears start to pooled my eyes.

"I'm sorry..." I bit my lips and throw his picture inside the trash.




"Kamusta ang trabaho, Kris?" tanong ni Nanay habang nama-malantsa.

Pinagpatuloy ko lang ang pagwawalis habang nag-uusap kami. "Maayos naman po. First time ko pong magtrabaho kaya naninibago ako."

"Ganun talaga. Iwasan mo lang ang pagiging clumsy upang hindi ka makabasag ng kahit na ano gaya ng tasa. Mahal ang tasa sa isang coffee shop."

Dinakot ko ang kalat na nawalis ko at tinapon iyon sa basurahan "Minsan naman po naa-assign ako sa counter. Pero mas gusto ko ang pagse-serve. Nag-aaral po akong hawakan ang tray gamit lamang ang isang kamay."

"Kung gusto mong matuto unti-untiin mo. Huwag mong biglain ang sarili mo. Baka makabasag ka pa't masugatan. Hay nako!"

Tumawa naman ako "Oo na po." lumapit ako sa kaniya at tiningnan kung tapos na siya "Matagal pa ba yan, Nay?"

"Tapos na." at hinunger na niya ang uniform ko. "Ano nga ulit ang schedule mo?"

"Eight a.m. hanggang twelve po sa coffee shop ako. Then one hanggang five-thirty ho ang klase ko."

"Mukhang mawawalan ka na ng oras para sa sarili mo, Kristine."

"Nay palagi po akong may oras para sa sarili ko. Hindi ko naman ho nakakalimutang ayusin ang sarili ko. Ginagawa ko nga po ito para sa'kin at para na rin sa inyo ng mga kapatid ko." ako na ang nagtupi ng kabayo habang si Nanay ang nagtabi ng plantsa.

"Alam mo ang ibig kong sabihin, anak. Pero sabagay masiyado ka pang bata para dun."

"Nay, kung iniisip mong mag-aasawa ako ng maaga, hindi po. Wala naman po akong makukuhang pera sa paggaganun.. 'Saka na, Nay. Kapag nakapagtapos na ako ng kolehiyo at nagkaron nang magandang trabaho. Kapag naangat ko na ang pamilyang 'to. Pero sa ngayon, kayo munang mga kapatid ko ang uunahin ko. At alam niyo naman pong aya'ko ng maulit ang kung anumang naranasan ko dati."

May lungkot na tumingin sa'kin si Nanay "Naiintindihan kita. Hindi kita pinipilit na magkaroon ng kasintahan, Kristine. Ang sa'kin lang ay huwag mong pababayaan ang sarili mo. At huwag mong kakalimutan ang mga kaibigan mo. Tao ka pa din, kailangan mo pa din sila. Lahat ng tao kailangan ng kaibigang masasandalan, mapaglilihiman, maasahan. Kaya huwag mo silang kakalimutan."

Napanguso na lang ako. "Nay, alam ko po yun." humikab ako at kinusot ang mga mata kong nangangati. Tiningan ko ang orasang nakadikit sa pader namin. Alas onse na pala "Tulog na po ako, Nay. Inaantok na 'ko maaga pa po ako bukas."

"Hala't matulog ka na."

"Ikaw din Nay."

Narinig kong sumagot siya nang pagsang-ayon. Kaya naman dumiretso na ako sa silid ko't nahiga sa kama. Napakahirap maging working student. Pero hindi ko ipagkakailangan mas mahirap ang pinagdaan ko nitong nakalipas na mga taon.

Muling pumasok sa isip ko ang mga pinagdaanan nitong mga nakaraang taon. Wlang gabi ang hindi lumilipas na hindi ko siya naalala. Hindi lang pala siya.. sila... silang dalawa.

Sana hindi na lang dumating iyong araw na iyon. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Para naman kahit papaano ay hindi ko na naranasan ang mga paghihirap, ang mg sakit na idinulot niya.

Sana nanatili na lang akong bata.

Nakakamiss talaga ang kabataan. Kung naibabalik ko lang ang panahon. Yung panahon na masaya kami ng mga kalaro ko. Yung panahon na hindi kami namo-mroblema. Yung panahon na puro sugat lang sa tuhod yung iiyakan 'ko. Yung panahon na puro laruan lang ang kailangan 'ko. At yung panahon na hindi ako nagkakagusto sa isang tao.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon