Chapter 48: Calvin. My Ally.

212 4 0
                                    

Inah Arrellano

Sa isang condo unit kami humantong, nauna kaming pumasok ng babaeng rider sa loob kaya halos malukot yung noo ko ng makilala sya pagkatanggal ng helmet nya. Si andi- monyo!

Ala namang mababakas na galit sa mukha nya dahil nya sa nangyari samin last time, nginitian pa nga nya ko kaya nginitian ko din sya.

Bago pa kami mangamoy plastic este, magkausap pumasok na din sila zach, tsaka lang din nagtanggal ng helmet yung lalaki kaya non ko lang napagmasdan yung itsura nya.

Chinito.

Matangkad.

Maputi.

Mahangin. Dahil sa pagkakangiti nya sakin na para bang matagal na kaming magkakilala.

Overall. Park Seo Joon lang ang peg. In fairness. Gwapo.

"That was fun! Let's do that again bro!"- masaya nyang tapik sa balikat ni zach.

"Anong that was fun!? Hantik na kong atakihin sa kaba habang nagda drive kanina! Masaya ba yon!?"- di mapigilang sigaw ni andi

"Easy andrea, minsan na nga lang tayo maka encounter ng ganto. Ang tagal na din nung huli".

"Masaya pa din ba kung mapapagalitan tayo mamaya parepareho!? For sure mayayari na naman tayo nito kay dad pag nakarating to sa kanya!".

"Pasensya na andi. Lagi na lang akong gumagawa ng eksena"- mababang boses na sabi ni zach. napabuntong hininga sya.

"Better to aware next time zach, well. di naman maiiwasan yung ganon lalo pa't nasa public place kayo kanina".

"Sorry talaga".

"Nangyari na eh, basta mag ready na lang tayo kung may lalabas mang issue and sa sermon ni dad".

"O sya sya, that's enough. Mabuti pa kumain na lang tayo, magkalakas manlang tayo bago tayo pagalitan. Pagluto mo naman kami andrea"- akbay ni hangin kay andi.

"What!? Bat ako!? Di ako sanay magluto noh!".

"Weeeeh.. Pero sabi ni zach pinagluto mo daw sya ng pasta nung nasa pinas kayo".

"H-ha? P-pero nakailang subok nga ako bago ko ma perfect yon..".

"Sige na andi, kesa si zach na naman ang magluluto. Nananawa na ko sa luto nya!".

"Huh! Nananawa ka? Pero ikaw ang nakakaubos ng luto ko".

"As if I have a choice, kesa masayang di ba?".

"Tss.. I can't think kung anong workout ang ginagawa mo dahil ganyan pa din kaganda yang katawan mo kahit ang lakas mong kumain"- napangisi nya.

"Bro. Sekreto ng mga gwapo".

"Weh? Gwapo ka? Sabi ko nga, gwapo ka".

"Ehem"- agaw ko ng pansin nila bago pa sila magsuntukan kung sino talagang gwapo.

"Oh! Andyan ka pa pala ms.beautiful".

"Actualy kanina pa, at narinig ko yung sinabi mo. Anong tingin mo kay zach di gwapo?"- sarcastic kong sabi sa kanya, lumuwang yung pagkakangiti nya.

"Ala akong sinabi ha"- tinaasan ko sya ng kilay.

"Oh Tama! Si ms.beautiful! Ang pagkakaalam ko you're the owner of inah's cuisine".

"So?".

"For sure you're a perfect chef kasing perfect ng maganda mong mukha"- lapit nya sakin tsaka FC na inakbayan ako.

"In fairness may sense ang sinasabi mo kahit malakas ang blower mo".

"What?"- kunot noo nyang tanong sakin.

"Nevermind. Sige"- tinanggal ko yung pagkaka akbay nya sakin.

"Dahil niligtas nyo kami ni zach sa mga taong yon, ok lang naman siguro kung ipagluluto ko kayo".

"Great! Gutom na talaga ko eh! I'll show you our kitchen"- hawak nya sa kamay ko. FC talaga eh hano?

"Teka"- hawak din ni zach sa kabila kong kamay, nagtataka kaming napatingin sa kanya.

"Jealous? Agad agad?".

"Baka pwede muna syang magpalit ng damit. Look at her"- napatingin silang lahat sa paa ko.

Nakalimutan kong nakatapak nga pala ko, ang dumi dumi ng paa ko at bahagya nang namula, pati itsura ko nga di na ata fresh, lamang na siguro si andi ng 1/4.

"Concern lang pala sya sa itsura ko, kala ko naman selos na".

"Ah. Right, let's go. I'll show you the bath-

"Seriously? Sasamahan mo sya sa banyo?".

"Oo naman. Why not?".

"No. Not you, si andi".

"Well"- bitiw nya sa kamay ko.

"Andi. Paki assist naman si inah, pahiramin mo muna sya ng ilang gamit mo"- seryosong sabi ni zach.

"Sure. Follow me"- nauna na sya pagkasabi non, bago ko sumunod nilingon ko muna sila zach. seryoso ang titig nila sa isa't isa. actually medyo nag aalala ko, baka kasi bigla na lang silang magsuntukan.

Nag shower muna ko bago bumaba, pinahiram ako ni andi ng dress na isusuot na di ko akalaing magkakasya sakin, mukha kasi syang mas mataba sakin. ^_^V

Medyo nadismaya ko ng makita si zach na prente nang nakaupo sa sofa sa sala kausap sila andi, balak ko kasi magpatulong sa kanya sa pagluluto para naman magka moment kami pero sila na ni andi ang nagmo- moment. So tumuloy na lang ako mag isa sa kitchen.

Complete naman ang mga kailangan ko kaya di ko na sila inistorbo at nagsimula ng magluto. Bago ko maisalang yung pot may bigla na lang umagaw non sa kamay ko. Si hangin.

"Need a hand?".

"Kala ko naman kung sino na, isalang mo na lang I can do it by my own"- mataray kong sabi.

"Well. Ok"- kibit balikat nya tsaka sinalang yung pot at sinaksak yung stove.

Mukang ala pa syang balak lumabas ng kitchen dahil humila sya ng upuan tsaka umupo don, mainit na yung pot kaya hinayaan ko na muna sya at nagsimulang magluto.

Sinimulan kong igisa yung sibuyas, bawang, at luya. Then nilagay ko na yung manok until mag brown.

After 5 minutes nilagay ko na din yung gulay, onion leaf at iba pang pampalasa tsaka ko tinakpan.

I can't believe na hindi si zach ang magiging audience ko kundi si hangin, para bang libang na libang sya sa tahimik na panunuod sakin kaya di ko maiwasang mapangiti. At least na appreciate nya ko di tulad ni zach na kinalimutan na ko dahil kay andi.

Di ko maiwasang mag enjoy sa company nya dahil sa kinikilos nya sa harap ko, talagang nakikipag unahan sya sakin sa pagkuha ng gagamitin ko tsaka nya nakangiting iaabot sakin.

While cooking, nagpakilala na sya sakin. He's Calvin Klay Thompson, singer din sya gaya ni zach. He's American pero nakakamangha ang galing nya sa pagsasalita ng Tagalog.

Sa konting oras na pag uusap namin may bagay syang pinagtapat sakin. May feelings pala sya kay andi. Simula pa lang daw ng career nya ay admirer na sya ni andi pero di manlang daw nito pinapansin ang damdamin nya.

Dahil sa nalaman ko nadagdagan ang pagka inis ko kay andi, bakit pilit pa nyang sinisiksik ang sarili nya kay zach gayong may calvin naman palang dead na dead sa kanya?

Nagkasundo kami na gumawa ng plano na favor saming dalawa. Ipaparamdam namin kayla andi at zach na di nila kami dapat binabalewala.

Like what he said. Akin si zach at kanya si andi, so be it. Di ko maiwasang matuwa, dahil sa cooperation na natatanggap ko mula sa kanya.

Di ko akalaing makakahanap ako ng kakampi, sa katauhan ni Calvin.

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon