Chap 6 (FLASHBACK)

5 2 0
                                    

Leila's POV

Mag iisang buwan nadin simula nung mas naging close kami ni Warren. Mas nakilala ko nadin siya kahit na sa iksing panahon lang.

'Sapat na siguro?' sambit ng isip ko..

Anong sapat na?? Balik kong tanong sa sarili ko.. Ugh! Aaminin kong hulog na ako sakaniya.

Sa totoo lang, noong una, WALANG WALA AKONG BALAK sakaniya.. Wala akong balak na bigyan siya ng pag-asa. Wala akong balak na mahalin siya.. Ni hindi ko inimagine na magiging kami.. Hindi ko binabalak na sagutin siya.

[From:Warren]
>Mahalko

>Po?

>See you later po :-*
Nakasakay na po ako ng
bus, otw na po jan mahalko.

>Excited lang?
Ang aga palang kaya..

>Hehe excited na po akong
makasamang muli ang
mahalko, kahit hindi mo
pa ako mahal hanggang
ngayon :-(

>Ang drama ng Mahal na
Hari haha...

>Labas ka na din po sana
Mahal na Reyna Ko para
mas matagal tayong
magkasama ^_^

>Ang aga palang. Tsaka
hindi pa bihis yung pinsan
ko, 8 kasi usapan namin
na lalabas.

>Sige po Mahal na Reyna ko
take your time po^_^
Hintayin po kita..

Magkikita pala kami ngayon. Kasama ang mga pinsan ko at partners din nila.. hihi.. triple date bah...

Bibisitahin namin ang puntod ng lolo namin. Hindi naman death anniversary. Naisipan lang namung magpipinsan, nagdrama kasi kami kahapon hahaha...!

Pinsan Goals!

BTW, 7:30 pa lang at 15 minutes na lang ay makakarating na sa bayan si Warren. Ang aga niya ah!

'Magsasawa ka din lang'

Nagsalita nanaman ang isip ko. Oo, inihahanda ko talaga ang sarili ko sa mga pwedeng mangyare.. Inaadjust ko ang sarili ko sakaling bigla siyang magsawa, kung sakaling bigla siyang umayaw, kung sakaling bigla siyang may magustuhan na iba.. atleast kapag nakahanda ako ay hindi gaanong kasakit ang mararamdaman ko.. Ayaw ko ng maramdaman ang dati.

-DING DONG DING DONG DING DONG DING DONG-

Sila insan na yan.. Alam na alam ko dahil andaming pindot ang ginawa niya sa doorbell..

.
.

Andito na kami ngayon puntod ni lolo😪
Antagal naming hinanap ang marmol na kung saan nakaukit ang pangalan lolo.

Nakaupo na kami ngayon dito sa damuhan. Buti na lang at makulimlim ang panahon. Hindi mainit ang ibig kong sabihin.

"Bili lang ako ng pagkain natin sa gate" yung jowa ng pinsan ko.

Sumangayon naman kami. Naiwan ang pinsan kong babae dito sa puntod ni lolo kasama namin, busy ng cecellphone samantalang yung pinsan kong lalake at ang gf niya ay nglakad lakad sa kung saan.. Ah nakadapa nga pala ako ngayon sa damuhan, nagseselfie. (Lakas ng loob ko eh noh?)

"Wait" si Warren. Saka ng pose.. lumapit siya lalo sakin  ng nakaupo padin sa damuhan naka angel sit lang siya habang ako nakadapa sa tabi niya.

-click-

'First picture together'

Nakatake din kami ng ilang pictures. Bakit ganon? First time ko magpicture kasama siya pero ni hindi man lang nanginig ang mga labi ko habang nakangiti. at natural ang ngiti ko. Hindi pilit. Usually kasi kapag kuhanan na ng litrato ang pinag uusapan ay ayaw ko kasama ang ibang tao maliban sa pamilya ko dahil nahihiya talaga ako magpapicture.. pinipilit kong ngumiti kapag ganon.

Para bang isa siyang pamilya ko at comportable ako sakaniya.. Ni kahit nga sa pinsan ko ay pilit ang ngiti ko.. Bakit kay Warren hindi?

"Nooo... wag mo pong idelete. First picture po natin yan kahit hindi po masyadong maganda ang kinalabasan." Oo si Warren yan.. nakilala ko siya bilang lalakeng ngbibigay ng importansya sa kahit maliit na bagay patungkol samin.

Nag i-scroll lang ako sa cellphone ko ng mga picture na kinuhanan namin kanina pati yung mha selfies ko lang mag isa..

Hindi pading ako lumalayas sa pagka dapa ko kahit na masakit na yung elbows ko na nakatungkod sa damuhan habang ng cecellphone ako. At siya naman ay hindi pa umaalis sa tabi ko, ewan ko nga kung ano ginagawa niya, baka nanunuod sa ginagawa ko.

"Eto pwed- -" hindi na natuloy ang sasabihin ko paglingon ko sakaniya para tanungin kong pwede kong idelete yung blurred na picture namin.

Hindi ko inaasahan ito sa ganitong pagkakataon.. pero nang nakita kong nakapikit siya ay pumikit nadin ako habang ramdam namin ang magkadikit naming mga labi sa isa't.

"ESS PI JIIIII!" Bigla na lang kaming napahiwalay sa isa't isa nang madinig namin yung pinsan kong sumigaw ng hindi naman ganon kalakas.. Napaiwas na lang ako ng tingin kay Warren at kunyari ay busy ako sa phone ko...

'Awkwaaaaaard'

Fooling Myself (ONE SHOT)Where stories live. Discover now